Blaze Aurelios Blood Doon ay nakita ko si Alliya na masayang nag lalakad palapit sa puno habang dala dala ang kanyang paboritong panyo habang ito’y nakapulopot sa kanya na nagbigay ng mas kaaya ayang itsura sa kanyang kasuotan. Hindi ko agad sinagot ang tawag niya at pinanood lang siya sa baba, inikot niya ang malaking puno kung saan ako ay nasa taas lang. “Nasaan ka na ba, Ginoong Bampira?” dahil sa aking kakayahan ay nagawa kong marinig ang kanyang ibinubulong habang iniikot ang malaking puno. Hindi ko maiwasang mapailing at mapangisi bago tumalon sa kanyang harapan. “AY KABAYO!” sigaw niya dahil sa gulat. “Kabayo na ako ngayon?” nakasimangot kong sabi sa kanya. Pilit kong pinipigilan ang aking pag tawa dahil sa kanyang itsura ngayon, nakahawak siya sa kanyang puso at ang reaksy

