Allison Cassandra Dawson “A-aray…” mahinang daing ko at hinawakan ang aking ulo bago unti unting nag bukas ng aking mga mata. “WHAT!” sigaw ko at agad na tumayo ngunit agad ding napabalik ang aking katawan sa pag kakahiga dahil sa seat belt na nakalagay sa akin. “Gising ka na pala,” seryosong sabi ni Aurelios dahilan para mapatingin ako sa kanya. “Anong nangyare?” nanlalaki ang mga mata na tanong ko sa kanya dahil iilan lang ang aking natatandaan, basta ang alam ko lang, ako ay nalasing at hinalikan ko si Aurelios dahil sa hindi ko magawang kontrolin ang aking sariling katawan dahil sa espiritu ng alak. Kaya naman nakakapag taka na magising ako na malinaw na ang pag iisip ay naririto sa loobb ng sasakyan ni Aurelios, kasama si Aurelios na kasalukuyang nag mamaneho. “Ipinadala nga

