Allison Cassandra Dawson “Here,” napatingin naman ako kay Aurelios na kadarating lang, kasunod niyang pumasok si Drie na patawa tawa habang papasok. “Anong nangyare?” natanong ko na lang sa kanya dahil mukang mainit ni Aurelios. “Bakit parang ang init ng ulo ng bampirang ‘to?” dagdag ko pang tanong kay Drie habang nakakunot ang noo. “Nag hahanap kasi kami ng Wig, tapos ngayon lumapit yung sales lady at dinala kami sa wig na para sa mga lalaki, tapos noong malaman na pang babaeng wig ang hanap namin ay kung ano ano ng bulongan ang aming narinig, ayaw ni Blaze nun dahil nakakarindi,” natatawang paliwanag niya. Napa- “Ahh” na lang ako sa kanyang naging sagot. Tiningann ko naman si Aurelios at kasalukuyan itong nasa tabi ng bintana at nakatayo, habang si Drew at Haruki naman ay nag k

