Raven
"Hmmm~ Hmmm~" pakanta kanta kong bulong habang nagtitingin tingin ng iba't ibang groceries.
Kasalukuyan ako ngayong nasa groceries dahil nabalitaan ko nna 25% sale nila ngayon, kahit naman mayaman si Master hindi p'wedeng gumastos ako ng gumastos, I really love buying goods na sale kaya everytime na mababalitaan kong ganito ay nagpupunta agad ako bsa nasabing store.
Napatigil ako sa paglalakad ng may babaeng dumaan sa harap ko, nakasuot ito ng fitted dress at mayroong magandang hubog ng katawan, agad ko itong hinabol ng tingin, mukang wala itong kasama.
Napangiti ako bago inayos ang buhok ko at naglakad papalapit dito, muka kasing nahihirapan itong kunin ang gatas na nasa taas kaya tinulongan ko na ito.
"T-thank you..." mahinang sabi nito bago tumingin sa'kin at ngumiti. Natulala naman ako sa ganda at sa puti nito, pero agad kong ibinalik ang sarili ko sa reyalidad.
Tanging mga bampira lang ang may ganitong features...
"Sino ka?" seryosong tanong ko dito, kita kong napamaang ito at pagkadaan ng ilang segundo ay agad na nakabawi. "I'm Madelyn, nice to meet you," nakangiting sabi nito bago inabot sa'kin ang kamay.
Hindi ko ito tinanggap at tinalikuran lang ito, tsk, bampira din pala, akala ko tao...
Allison Cassandra Dawson
"Sigurado na ba 'yan?" tanong sa'kin ni Manager Cha matapos kong sabihin dito na ituloy ang conference mamaya din gabi. "Oo, kahit hindi siya dumating, itutuloy ang conference." Sagot ko dito at inayos ang buhok ko.
"Sige, mag aannounce na ako tungkol dito, pero hindi ba masyadong maagap man hindi pa tayo gaanong nakaakpag prepare ng mga sagot?" tanong sa'kin ni Manager Cha.
"Handa na ako, napag isipan ko na 'to kagabi..." sagot ko dito kahit na ang tangi ko lang ginawa magfdamag ay matulog.
"Sige, babalik ako dito mamayang hapon, pag isipan mo ng mabuti ang mga isasagot mo sa media," nakangiting sabi nito sa'kin. Tumango ako dito at ngumiti pabalik, umalis na ito habang ako'y nanatili lang nakaupo sa sofa at nakatingala.
Kinuha ko ang aking bagong cellphone, remember nahulog ako sa pool habang hawak hawak ang phone ko. Binuksan ko ito at inilog in ang emails ko, matapos mag log in ay sunod sunod na mails na ang natanggap ko.
Binuksan ko ang mails na mula kay Tricia,binasa ko ito at nakitang isa itong invitation.
"Malapit na nga pala ang birthday niya..." bulong ko habang binabasa ang invitation letter. Napahawak ako sa suot suot kong bracelet dahil ito'y galing kay Nathan, hindi ko ito hinuhubad kahit na may mga shoot.
I used this as my lucky charm noong kami pa, but since wala na kami, might as well hubarin ko na ito upang wala ng matirang koneksyon sa aming dalawa.
Akmang aalisin ko na ang bracelet ng tumunog ang cellphone ko, may bagong mail kaya agad ko itong binuksan.
'Okay lang kahit hindi ka umattend, naiintindihan ko naman na bitter ka pa rin sa'min ni Nathan, HAHAHA.' -Tricia
Napakunot nag noo ko, napailing iling ako at nag simulang mag compose ng message.
'Don't worry, kasama ko ang new boyfriend ko and we will enjoy the party, see ya!'
Nakangising sinend ko ito sa kanya at inoff ang cellphone ko, pabagsak ko itong inilagay sa tabi ko at muling tumingala.
Naalala ko naman ang nangyare kanina, hindi ako makapaniwalang ibabalik nya ang aking paningin. Akala ko talaga ay tuluyan na akong mabubulag.
FLASHBACKS
"Nasa akin pa rin ang original copy," nakangising sabi ko dito. Nagulat ako ng sa isang iglap ay nasa harap ko na ito, tinakpan nito ang aking dalawang mata at nagsalita. "Huwag mong subukang manakot kung wala ka namang kapangyarihan para manalo." Seryosong sabi nito bago inalis ang pagkakatakip sa mga mata ko, nanghina ako ng imulat ko ang aking mga mata... wala akong makita.
Nakaramdam ako ng matinding lungkot, nakamulat ako pero ang dilim ng mundo ko... wala akong makita, hindi ko siya makita.
Ngumiti ako ng malungkot bago nagsalita kahit hindi ako sigurado kung nasa harapan ko pa ba siya.
"Hindi kita tinatakot, you can have this flash drive, I don't care... I'm just taking my chances, akala ko kasi you're willing to held me your shoulders. I want to cry because I miss my mother, I want to hug and kiss her, sobrang nangungulila ako sa mama ko kaya kahit anong paraan handa akong gawin mahanap ko lang siya... dahil ramdam kong buhay siya... ramdam ko." Malungkot na sabi ko, wala akong narinig na sagot mula sa kanya kaya ipinagpatuloy ko na lang ang pag kukuwento.
"Noong isang gabi, tingin ko pinagpala ako dahil sa kwarto mo ako hindi sinasadyang madala, dahil doon hanggang ngayon buo pa rin ako, I'm thankful that you didn't take advantages while I was drugged." Huminga ako ng malalim at kinapa ang sandalan ng upuan bago tumayo.
"I though you can help me, not only in my career but also in finding my mother..." ngumiti ako ng malungkot at tumongo.
Hindi pa man ako nakakatunghay ay naramdaman ko na ang malamig na kamay ang dumampi sa'king baba, unti unti niyang itiningala ang aking muka at naradaman ko ang marahang mahihip niya sa'king mga mata. Dahil doon ay napapikit ako at ng unti unti kong imulat ang aking mga mata ay muli na akong nakakakita.
Hindi ko alam kung bakit pero biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko, para itong hinaplos ng mainit na palad na nagparamdam sa'kin na hindi ako nag iisa.
'Hindi nga ako nagkakamali ng nilapitan... at pinagkatiwalaan.'
"Anong kailangan mo sa'kin?" seryosong tanong nito.
Kitang kita ko ang iritasyon sa kanyang muka, ngunit imbis na mabahala ay nginitian ko ito ng malaki.
"Hindi naman kita pipilitin, nagbabakasakali lang ako na baka matutulungan mo ako." Nakangiting sagot ko dito. "Aaminin ko, noong una naisip kong gamitin ka pero ngayon, gusto kong hingian ka ng tulong... hindi para sa career ko, kundi para mahanap ang mama ko..." nakayukong sabi ko dito.
Hindi ko ito narinig na magsalita, bumagsak ang dalawang balikat ko at tuluyan ng tumayo. Mukang hindi ko talaga siya mahihingian ng tulong, sana makita kita mama...
"Papayag ako, sa isang kondisyon..." agad akong napatingin dito at ngumiti. "Anong kondisyon?" nakangiting tanong ko dito, masaya ako dahil napapayag ko siya at the same time ay kinakabahan para sa magiging kondisyon niya.
"Saka ko na sasabihin ang kondisyon, deal?" nakangising sabi nito bago inabot sa'kin ang kanyang kamay. Tiningnan ko ito ng nag aalangan, pero pumasok sa isip ko ang muka ng aking mama kaya mabilis kong kinuha ang kamay nito.
"Deal!" malakas na sabi ko at nginitian ito ng pilit kahit na... kahit na kinakabahan at natatakot ako sa magiging kondisyon nito, knowing Aurelios, isa siyang bampira, ngunit 'yon nalang ang nakikita kong paraan upang mabilis kong mahanap ang aking mama.
FLASHBACKS END
Doon natapos ang pag uusap namin at hindi ko manlang nakuha ang numero nito, tsk, minsan na nga lang maging makakalimutin ay ngayon pa.
Tumayo na ako at umakyat sa'king silid, kailangan ko ng maligo at magpunta kung saan gaganapin ang press conference, sa loob ng maiksing oras ay napaghandaan ko agad ito. Simple lang naman ang sasabihin ko sa kanila at 'yon ay hindi ako nakitulog sa hotel room ni Director Dave at ang lalaking kasama ko ang aking bagong nobyo.
Sa pamamagitan 'nun ay mawawala ang issue ko tungkol sa pagiging bitter ko daw sa relasyon ni Tricia at Nathan at ang pakikipag relayson ko daw sa isang director para lang makakuha ng maraming projects.
Hindi nila alam na projects ang nalapit sa'kin at hindi ako, but I always choose fantasy genre ng mga stories. How I love being the mate of the beast, vampire, wolf and others, 'yon ang gustong gusto kong ganap sa isang story that's why ang pangalan ko bay patok sa Fantasy Novels na ginagawang drama.
Dahil nalibang ako sa pag kukuwento ay mabilis akong natapos maligo ng hindi ko namamalayan, nagbihis ako ng komportableng suotin pero may class, I really love wearing this kind of outfits.
Nag ayos lang ako kaunti, hindi ko na kailangan ng make up artist para sa ganitong event, I know how to make my self pretty and gorgeous without the help of others.
Kinuha ko na ang key at bumaba na, inikot ko ang tingin sa bahay ko ng maramdaman ko na parang may nakamasid sa'kin. After makitang wala naman ay nagpatuloy na ako sa pag lalakad, pero hindi pa man ako nakakalabas ng aking bahay ay may nagtakip na sa ilong ko.
"Hmmpp--" pinilit kong wag langhapin ang amoy ng panyo dahil baka may pampatulog ito ngunit dahil sa tagal at pagod sa pag pupumiglas ko ay kinapos ako ng hangin. Nalanghap ko ito at nakaramdam ako ng unti unting pagkalabo ng mata.
Dumilim ang paligid at nawalan na ako ng malay.
--
"I wonder kung magagawa kang iligtas ng hibang kong kapatid dito..." unti unti kong binuksan ang aking mga mata.
Una ay hindi ko makitang gaano ang taong nasa harap ko, nag kurap kurap ako ng aking mga mata dahil malabo pa talaga ito. Ilang sandali pa ay luminaw na at nakita ko na ang taong nasa harap ko.
"B-blade..." namamaos na sabi ko. Napahawak ako sa lalamunan ko, pakiramdam ko ay tuyot na tuyot ito at medyo masakit na din. "Anong ginawa mo sa'kin?" masamang tingin na tanong ko sa kanya.
"Wala PA naman akong ginagawa... gagawin pa lang." Nakangising sabi nito bago unti utning lumapit sa'kin habang may hawak na chainsaw.
"Ngayon, mapapatunayan kong ikaw at siya ay iisa, HAHAHA," malakas na sabi nito at binuhay ang chainsaw na hawak niya.
Naglakad ito papalapit sa'kin, tuloy tuloy habang nakatitig sa'kin at mayroong nakakalokong ngiti.
"HAHAHAHA!" malakas na tawa nito bago itinaas ang chainsaw at itinapat sa'kin.
Naitaas ko ang dalawang kamay ko na nakaposas at akmang ihaharang ko sa chainsaw na papalapit sa'kin. Napapikit nalang ako at hindi nagawang makatakbo dahil nakaposas din ang dalawang paa ko, nanatili lang akong nakapikit hanggang sa mapansin ko na walang lumalapat na chainsaw sa'kin.
Unti unti kong binuksan ang aking mga mata, nagulat ako ng makitang nasa harap ko si Aurelios, nakatalikod ito sa'kin ngunit kilalang kilala ko ang tindigan nito. Napatingin ako sa kamay nito, nakalabas ang claws nito... mabilis na hinanap ng mata ko ang kapatid nito at nakita itong nasa harapan lang niya at tumatawa ng malakas.
Bigla itong tumigil sa pagtawa at sumeryoso, lumingon ito sa chainsaw na siguro'y tumiklapon kanina bago muling tumingin kay Aurelios na ngayon ay hinaharangan ako mula kay Blade.
"Don't you dare hurt this woman again, Blade." Matigas na sabi ni Aurelios, imbis na siya ng kanyang kapatid ay tumawa lang ito ng tumawa.
Nakita kong nainis si Aurelios at akmang susugodin ang kapatid niya pero pinigilan ko ito.
"Huwag!kapatid mo pa rin siya, Aurelios!" malakas na sabi ko sa kanya na naakapg patigil sa kanya. Nawala na ang kapatid nito sa harap namin kaya naglakad na ito palapit sa'kin, halos mapanganga ako ng makita kung gaano ito lalong gumwapo sa kulay ng kanyang mga mata. Magkaiba ito at talagang nakakaakit...
"Tititigan mo na lang ba ako?tara na at umalis na tayo." Seryosong sabi nito bago tumayo.
Aangal na sana ako para sabihin na nakaposas ang kamay at paa ko pero ng iangat ko ang mga ito ay kasabay ng pagkahulog ng posas. Napangiti ako bago mabilis na tumayo at sumunod dito.
Hinihimas himas ko ang aking wrist habang naglalakad kaya hindi ko napansin na tumigil na pala ito.
"Aray!" malakas na sabi ko ng bumangga ako sa matigas nitong likod. '
Humarap ito sa'kin, seryoso ang mga mata nito at bumalik na rin sa dating kulay.
"Ganyang aksidente ang kakaharapin mo, kapalit ng pagiging malapit sa'kin, kakayanin mo ba?" seryosong tanong nito, sumeryoso din ako at ngumiti.
"Kakayanin, lalo na ngayong nandiyan ka na mag liligtas sa'kin."