Raven
“Maraming salamat, Doc Raven,” nakangiting pagpapasalamat sa’kin ni Cassandra. Nginitian ko siya at tinanguan bago bumaling ang tingin kay Blaze, muntik na akong matawa dahil nakita ko ang masamang tingin ni Blaze sa’kin.
Hinawakan ni Blaze ang kamay ni Cassandra at hinila. “Aray!” daing nito. “Tara na, lumulubog na ang araw,” matabang na sabi ni Blaze dito. Kitang kita ko kung paano samaan ng tingin ni Cassandra si Blaze.
“Bye!” sigaw ko sa dalawa ng makita kong binuhat ni Blaze si Cassandra at anumang oras ay handa ng tumalon sa veranda ng private room.
Napailing na lang ako ng makaalis na sila, agad akong lumapit sa higaan kung saan nahiga si Cassandra. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapangiti kapag naalala ko kung paanong ipagdamot sa’kin ni Master ang babaeng ‘yon.
Allison Cassandra Dawson
“Sa ganitong paraan mo rin ba ako dinala sa hospital na ‘yon?” tanong ko sa kanya habang nakatingin sa paligid na halos maglaho na dahil sa bilis ng kanyang takbo. Bumaling ang tingin niya sa’kin kaya ngayon ay kitang kita ko ang kanyang maganda at kulay pulang pares ng mata.
“Sa daan ka tumingin, baka mapagulong tayo!” malakas na sabi ko sa kanya. Mas hinigpitan ko ang kapit sa kanya ng tumalon ito, nginisian niya ako at namalayan ko na lang na tumigil na kami sa isang mapunong lugar.
“N-nasaan tayo?” tanong ko sa kanya matapos niya akong dahan dahan ibaba. Hindi siya sumagot bagkus ay naglakad siya palapit sa ilalim ng malaking puno, naupo ito sa malaking sanga bago sumandal sa katawan ng puno.
“Hoy, bakit ba hindi mo ako sinasagot?” inis na tanong ko sa kanya bago nagmarcha papalapit sa kanyang tabi. “Iuwi mo na ako, kailangan ko ng mag pahinga dahil may taping kami bukas, Aurelios,” mahinahon na sabi ko sa kanya. Saglit niya akong tiningnan bago muling tumingin sa kung saan, dahil doon ay nakaramdam na talaga ako ng inis.
“A-” sisigaw na sana ako ng maramdaman ko na lang na nasa tabi ko siya at nakatayo habang ang hintuturo ay nakalapat sa’king mga labi. “Shhh…” sexy ang dating sa’kin na sabi niya.
Inalis niya ang kanyang hintuturo at hinawakan ang dalawa kong balikat, pinaupo niya ako sa malakign sanga ng puno bago unti unting umalis sa harap ko. Nakasunod lang ang tingin ko kanya hanggang sa makaupo siya sa tabi ko, parang nag slowmotion ang paligid habang nakatitig ako sa kanya. Dahan dahan itong lumapit sa’kin, ramdam ko ang pag dampi ng kanyang mga kamay sa aking pisnge.
Parang may kumukontrol sa katawan ko at kusa akong pumikit, naramdam ko na ipinaling niya ng aking ulo. “Bakit ka nakapikit?” agad akong napamulat at sinamaan siya ng tingin.
Nakita ko kung paanong lumabas ang malaking ngiti sa kanyang labi. “Huwag mong sabihin na inaasahan mong hahalikan kita?” nakangiting sabi nito. Dahil sa ginawa niya ay nakaramdam ako ng hiya.
‘Bakit kasi may papikit pikit ka pa, Cassandra?’ singga ko sa isipan ko.
“Stop thinking, kunwari hindi ko nakitang pumikit at naghintay ka sa halik ko. Tumingin ka sa gilid mo,” seryosong sabi niya.
Napairap ako bago inis na tumingin sa sinasabi niya. Halos mapanganga naman ako ng makita ang syudad, ang unti unting pag bubukas ng ilaw.
“Wow… ang ganda…” pigil hiningang sabi ko habang nakatingin parin sa mga ilaw na nagmistulang alitaptap dahil sa liliit ng mga ito. Siguro’y ganun na lang ang taas ng burol na ito sa syudad.
“Tama ka, ang sobrang ganda…” biglang sabi naman ni Aurelios kaya napatingin ako sa kanya. Nahuli ko siyang nakangiting nakatingin sa’kin, agad itong nag iwas ng tingin bago tumayo.
“Ngayon nakita mo na, ihahatid na kita sa inyo,” kalmadong sabi niya at inilahad sa’kin ang kanyang kanang kamay.
Nakanguso ko itong kinuha at tumayo. “Bakit nakanguso ka?gusto mo ba talaga ng halik ko?” natatawang tanong niya. “Aray!” sabi niya matapos ko siyang batukan.
“Umayos ka, wala ako sa mood makipag biruan… pagod ako at masakit ang ulo,” mahinang sabi ko dito bago naunang maglakad. Naramdaman ko naman na sumunod siya, tumigil ako sa paglalakad.
“Saan ang daan?” tanong ko sa kanya bago siya tiningnan.
Nakita ko ang seryosong titig niya, nakatingala ako ngayon habang siya ay nakayuko dahil di hamak na mas mataas siya sa’kin.
“Akala ko alam mo,” seryosong sabi niya at napailing. Akmang mag sasalita na sana ako ng bigla niya akong binuhat. “Woy, kaya ko naman maglakad,” nahihiyang sabi ko sa kanya.
Tiningnan naman niya ako, at dahil sa ginawa niya ay sobrang lapit na ng muka namin ngayon.
“Ako na bahala, magpahinga ka na muna,” seryosong sabi niya habang diretsong nakatitig sa’king mga mata.
Napalunok na lang ako at walang nagawa at humawak na lang sa kanya ng mahigpit. Sa paghawak ko sa kanya ay ang siyang pag uumpisa ng kanyang pagtakbo. Sumasalubong sa’kin ang malamig na hangin dahil gabi niya, parang idinuduyan ang aking mga mata dahil sa hangin kaya naman hindi ko mapigilang mapapikit.
‘Pipikit lang ako, promise…’ sabi ko sa’king isip habang nakapikit.
Ilang sandali pa ay hindi ko na namalayan na unti unti na pala akong dinadala ng antok at tuluyan ng nakatulog.
Blaze Aurelios Blood
“Nandito na tayo,” mahinahong sabi ko kay Allison. Hindi siya sumagot kaya tiningnan ko siya, nakita kong nakapikit ang kanyang mga mata at hindi ko mapigilang mapailing bago nakangiting pumasok sa gate ng kanyang bahay.
“Sino ka?” napatigil ako sa paglalakad ng may magsalita mula sa likod ko. Humarap ako sa kanya habang buhat buhat parin si Allison na mahimbing na natutulog.
“OMG!anong nangyare kay Cassandra?” nag aalalang tanong ng babaeng nagtanong kanina kung sino ako. Mabilis siyang tumakbo papalapit sa’kin at tiningnan si Allison. “Nakatulog lang siya, hindi mo kailangan mag alala,” kalmadong sabi ko sa kanya.
“Ganun ba, sige pakidala naman siya sa silid niya oh, kukuha lang ako ng maiinum at susunod ako agad doon,” sabi ng babae bago umalis sa harap ko kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad papaakyat ng hagdan. Nakita ko ang pinto ng silid na pinasok ko noon at binuksan ito, bumungad sa’kin ang malaking kwarto at ang malaki nitong kama. Naglakad ako doon at dahan dahan na ibinaba si Allison, inayos ko ang unan niya bago ako naupo sa paahan ng kanyang kama.
Inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng silid.
“Mama… mama… balik ka na mama…”
Habang nakatingin sa batang umiiyak sa sulok ng kanyang kwarto ay hindi ko mapigilang maawa, bata palang ay dinadanas na niya ang ganitong sakit. Ang sakit na mawalan ng mahal sa buhay…
Habang nakaupo sa sanga ng puno na malapit sa kanyang silid ay ikinumpas ko ang aking mga kamay. Unti unting naglabasan ang mga alitaptap, muli kong ikinumpas ang aking kamay at itinuro ito sa kinatatayuan ng batang umiiyak. Nagpunta ang mga alitaptap doon.
“Wow, ang liwanag niyo naman!” natutuwang sabi ng umiiyak na bata kanina. Napangiti naman ako at humalumbaba habang nakatingin sa bata.
“Pasensya ka na, natagalan ako, nauuhaw ka na ba?” nabalik ako sa reyalidad ng mag salita ang babae kanina. “Ito juice, oo nga pala, nakalimutan kong magpakilala. Ako si Khaila, kaibigan ni Cassandra,” nakangiting pakilala niya habang inaabot sa’kin ang kanang kamay at sa kaliwang kamay naman ay hawak ang juice na ibinibigay niya.
Hindi ko pinansin ang kanyang kanang kamay at kinuha ang juice, ipinatong ko muli ‘yon sa tray at hindi uminum. Ibinaling ko lang ang tingin kay Allison na ngayon ay payapang natutulog.
“A-ah, kung hindi mo mamasamain, pwede ko bang itanong kung anong nangyare?” ramdam ko ang pagkailang ng kaibigan ni Allison habang sinasabi ‘yon.
“Nakatulog lang siya, walang ibang nangyare,” malamig at tipid na sagot ko dito bago tumayo.
“Aalis na ako, pakisabi na lang sa kanya oras na siyang magising, susunduin ko siya bukas,” malamig na sabi ko sa kaibigan ni Allison. Akmang magsasalita pa sana siya ng talikuran ko na ito at naglakad pa paalis ng silid ni Allison.
‘Ayaw ko sa kanya.’
Tumatak sa isip ko matapos kong makita kanina na kaya ito natagalan ay nagawa pa nitong maligo, nagpunta pa ito sa silid ni Allison habang nakasilk bathrobe. Tsk.
Khaila
Masama ang tingin na sinundan ko ang papaalis na lalaki, kilala ko siya. Siya si Blaze Aurelios, ang isang sikat na CEO na sa bali-balita ay napakatamad. Siya din ang lalaking tinutukoy ni Cassandra na angligtas sa kanya nitong nakaraang araw.
Tumingin ako sa natutulog na si Cassandra, napahigpit ang hawak ko sa aking baso.
“Bakit lagi na lang napupunta sa’yo ang mga gusto ko?” puno ng hinanakit na bulong ko habang nakatingin sa kanya na payapang natutulog. “Maging si Blaze ay nakuha mo…” dagdag ko pa.
Matagal ko ng kilala si Blaze, ang totoo niyan ay alam ni Cassandra na may nagugustohan na ako ngunit hindi ko ‘yon sinasabi sa kanya. Dahil lahat ng nagugustohan ko, oras na ipakilala ko sa kanya, nagugustohan ay siya at hindi ako. Ayaw kong mangyare ‘yon, pero hindi ko naman alam na tadhana pa talaga ang gumawa ng paraan para pag tagpuin sila.
‘Mukang kailangan ko ng gumawa ng paraan…’ sabi ko sa’king isipan.
Raven
“Kamusta ang lakad niyo?himala yata at umuwi ka, Master?” natatawang tanong ko kay Blaze habang ako’y nag hahanda ng lulutuin ko.
“Sila Snow?” tanong niya at binalewala lang ang tanong ko. Napailing na lang ako. “Umalis na, bumalik na sila sa states, napakadaya mo daw dahil hindi mo manlang sila binigyan ng oras na makabonding ka,” naiiling na sabi ko sa kanya.
Rinig ko ang paghinga niya ng malalim kaya sinilip ko ito. “Anong nangyare?” tanong ko sa kanya ng mapansin na parang namomroblema siya.
“Wala na sila, umalis nanaman kaya ako nanaman ang maiiwan sa kumpanya. Kailanman ay hindi ko ginustong mag manage ng kiumpanya,” parang tamad na tamad na sabi niya.
Halos matawa ako dahil sa inaasta ng master ko, kahit kailan talaga ay napakatama niya sa mga gawain.
“Ngayong wala na sila, dito ka na ba ulit tutuloy?” tanong ko sa kanya bago siya panandaliang tiningnan at muling ibinalik ang tingin sa niluluto ko.
“Hindi ko alam, bahala na, tinatamad pa akong bumalik,” sabi niya at naramdaman ko na naglakad papalapit sa malaking refrigerator na nandito sa kusina. “Ang dami nito ah?” reaksyon niya matapos makita ang sandamakmak na stock ng ice cream na kanyang paborito.
“Namili sila Snow bago umalis, nagpasama sila sa’kin at medyo dinamihan nila ang sa ice cream mo,” paliwanag ko sa kanya. Nakita ko itong tumango tango at kumuha ng isang gallon ng ice cream.
“Kaya mong ubusin ‘yan?” tanong ko sa kanya. “Makapag tanong ka parang hindi tayo magkasama ng 1000 years ah?” nakasimangot na sabi niya bago ako tinalikuran at naglakad palabas ng kusina habang may dala dalang kutsara at isang gallon ng ice cream.
“Kahit kailan talaga, napakatakaw!” natatawang sabi ko.
“Woah!” reaksyon ko matapos umiwas sa paparating na kutsilyo.
“NARINIG KITA!” sigaw ni Master mula sa labas kaya napatikom ako ng bibig. Nakalimutan ko na bampira nga pala kami at hindi normal.
Kakamot kamot sa ulo na bumalik ako sa pagluluto ko, hindi na lang ako nagsalita pa dahil mahirap na.