Blaze Aurelios Blood “Baka kasi bad trip siya dahil ako ang unang bukang bibig ni Hariku,” pang aasar sa’kin ni Allison. Hindi ko siya binigyang pansin at hinayaan lang, inilibot ko ang aking mga mata sa labas ng VVIP room at tama nga ako sa aking nakita. Nakita ko kanina si Tanda at ang asawa niyang si Dencio. ‘At talagang may pa-date date pang nalalaman si Tanda,’ isip isip ko habang kumakain. “Oo nga pala, Blaze, nakita ko si Madam Lavender kanina kasama niya si Sir Dencio,” biglang pag bubukas ni Drie ng topic. Nkaita niya rin pala ang dalawa, akala ko ako lang ang nakakita. “Mamayang hapon ay tuloy na tuloy na tayo, hindi na tayo p’wedeng mag pabukas pa dahil amg uumpisa ang eskwela sa lugar na yon sa susunod na araw, kailangan mapalabas namin na isa sa mga transfer stude

