Rex “Sigurado kang aalis ka na? Ganitong oras ng gabi?” nag aalalang tanong ko sa aking kapatid. Ngumiti siya sa akin at muling ginulo ang aking buhok. “Mag iingat ka dito, ilang araw lang at dito na rin ako tutuloy sa lugar na ito,” nakangiting sabi niya bago tuloyang umalis. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa unti unti siyang mag laho sa dilim, nang hindi ko na ito nakikita ay pumasok na ako sa loob ng bahay. Agad akong dumeretso sa aking kwarto, ibinagsak ko dito ang aking katawan habang nakangiti. Masaya ako ngayon dahil nagawa kong makapag haponan ng kasama ang aking kapatid, kya hindi ko talaga maiiwasang mapangiti at maging masaya. ‘Kailanga ko ng matulog, may pasok pa kami bukas at di- diretso naman ako kila Cassandra para kamustahin ito,’ sabi ko sa aking isipan ba

