Allison Cassandra Dawson Halos batukan ko na ang sarili dahil sa ginagawa ko, para akong siraulo dito na kinakausap ang sarili. Nakakapanibago ang kinikilos ko. Pero hindi ko lang talaga mapigilang mag isip, dahil palaging ako ang nag pupunta sa kanya kapag gusto kong umalis at mag papasama ako. Yung nangyare ngayon ay nakakapanibago lang, kaya siguro naninibago ako at hindi maiwasang mag isip. Tama, nanibago lang ako. ‘Sige Allison, kumbinsihin mo ang sarili mo,’ sabi ko sa aking sarili. Blaze Aurelios Blood “Akala ko mamaya ka pa, iiwan na sana kita,” kalmadong sabi ko dito nang makita itong nag lalakad na papalapit sa’kin. “Sana iniwan mo na lang ako, may sasakyan ako diyan,” simpleng sagot niya na ikinakunot ng noo ko. ‘Bakit ba parang napakasungit niya ngayon?’ natanong ko n

