Andrea Kasalukuyan kaming nandito sa isang sikat dahil bagong bukas na restaurant, malapit ito sa amusement park. Hindi ko mapigilang makaramdam ng inis, actually, kanina pa ako nakakaramdam ng inis dahil kanina pa ako tinuturing ni Tricia na parang isang yaya. Flashbacks Mabilis akong nakarating sa bahay ni Nathan kung saan naroroon si Tricia at hinihintay ako, agad naman ako nitong sinalubong nang makita akong pumasok sa bahay. Mabilis akong nakapasok kanina dahil mukang ibinilin na ako ni Tricia sa mga guard at yaya dito sa mansyon ni Nathan. Luckily, wala ng magulang si Nathan kaya walang makikitang kahit na sinong matandang gurang na mayroong stiktong muka dito. “Kanina pa kita hinihintay, why took so long?” sabi sa akin ni Tricia habang kami ay sabay na ang lalakad sa hagdan.

