Epilogue DALI-DALING dinampot ni Mariella ang kanyang cellphone sa ibabaw ng kanyang desk nang makitang tumatawag ang isang yaya ng mga anak niya. She excused herself from her colleagues before answering the call. Limang taon mula nang nanganak siya sa mga panganay nila ni Eszio ay hinikayat siya ni Eszio na bumalik sa pagtuturo. Sa katunayan pa niyan ay nagpatayo pa ang kanyang mahal na asawa ng isang learning center para doon igugol ang hilig niya sa pagtuturo. Hindi naman niya iyon inayawan dahil ang pagtuturo ang kanyang first love. Bagaman nahahati pa rin ang isip at puso niya sa kanyang pagtuturo at pag-aalaga sa kanyang mga anak. "Hello, Chem. May nangyari ba sa mga bata?" "Ay, wala naman po, ma'am." The babysitter on the other line delightfully replied. Nakahinga siya ng m
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


