Kinabukasan... I made sure na magpa-alarm so ngayon, 15 minutes before the time, nandito na ako at papasok sa office. Super ganda pa ng araw ko pero pagbukas ko pa lang, masamang view na naman ang nasaksihan ko so my smile faded right away. Sino pa nga bang buwiset na babae na pa inosente? "Hey Jolina! Good Morning!" bati sakin ni Seth ng nakangiti at hindi ko pa inexpext na lalapit siya sakin to give me a peck on the lips. Bigla namang bumalik yung ngiti ko nung nakita kong nagsalubong ang kilay ni Ciarra at dahil narin sa kilig syempre. "Morning Seth." "Uhm..Jolina about yesterday, I'm sorry." biglang tabi niya kay Seth ng nakayuko. PLASTIC talaga kaimbyerna. Para di ako lalong mainis at magmukhang kontrabida sa santa-santitang to, fine. I'll play her game. I grinned. "No Ciarra.

