1 WEEK LATER... Jolina's POV "Biscuit!" "Ano Kirby-tot?" "Pwede ba kitang ligawan?" sabi niya kaya bigla akong napatingin sa kanya para makita ang facial expression niya. Nandito kasi kami ngayon sa kitchen at nagbe-bake ng chocolate cupcakes dahil bigla akong nag-crave. "Ha?" "I said, can I court my wife?" tapos ngumiti siya. Ang gwapo at cute talaga. "Are you serious?" tanong ko pa. "Yes. I am." "Whatever Kirbs. You can't fool me." Kirby's POV Ano ba 'yan. Ayaw pa akong paniwalaan. Kahit biglaan yung tanong ko, nahirapan din ako run ah. Hirap kaya humugot ng lakas ng loob. Umamin nalang kaya ako agad? Eh pero parang mas maganda kung manligaw muna sa asawa ko? Yun oh. Sarap isipin ng 'asawa ko'. "Hindi nga sabi Biscuit. So liligawan kita, ah?" "Ewan ko sa'yo." "Oo yan di

