THIRD PERSON POV Matapos mahuli ni Alexis ang ginawang panloloko ng asawa, mas pinili nitong ang magpakalayo layo upang makapag isip ng tama. Hindi na niya pinakinggan pa ang ibang paliwanag nito. Naririnig pa niya ang pagtawag nito sa kanya ngunit para siyang bingi ng mga oras na iyon. Siguro nagkataon lang na hindi siya katulad ng iba na susugurin ang kabit nito para saktan. Hindi siya ganun. Minsan kasalanan din ng taong may sabit. Dapat alam mo nang hindi pwede, ikaw na ang gumawa ng paraan para hindi na mangyari pa ang mga bagay na alam nating gulo lang ang kahahantungan. Gaya nga ng kasabihan na "kung gusto maraming paraan, kung ayaw maraming dahilan" Patakbo siyang panay pahid ng kanyang mga mata. Nagkabunggo bunggo pa ito sa mga nakakasalubong niya sa may dalampasigan

