Halos kaladkarin ni Alex ang asawa papalabas ng nasabing mall na ikinataka ni Alexis. They quickly load all their groceries and mabilis na nilisan ang parking area. Wala namang nagawa si Alexis kundi ang sumunod sa dalawa na parang may galit sa isa't isa. Sa sasakyan walang imikan sina Alexandra at Trixie. Tahimik silang pareho. Palipat lipat ang tingin niya sa mag-asawa. Alam niyang may nangyari sa loob ng mall pero nahihiya naman siyang magtanong. Bilang respeto niya sa dalawa, hinayaan niya na lamang na sila ang mag solve sa kanilang problema at ayaw niyang makialam sa ganitong issue. Nag enjoy na lamang siya sa mga nakikita niya sa labas ng bintana at nakikinig sa mga kantang naka play sa car stereo. Nawala pansamantala sa utak niya ang tampo sa misis lalo na nang marinig ni

