PASAY MEDICAL CENTER Nasa loob na ng emergency room ang dalaga habang nasa labas naman sina Tyler, Yana at Rebaldo. Nasa labas naman ang ibang mga pulis. Humahangos na dumating ang kanilang hepe nakikibalita sa nangyari sa dalagang inspector. Maya't maya lumabas ulit dahil sa nagkaron ng tawag sa telepono nito. Samantala, uupo tatayo naman ang ginagawa ni Tyler habang naghihintay sa doctor na gumagamot sa dalaga. Maging si Yana tahimik sa isang sulok at taimtim na nagdadasal para sa kaligtasan ng taong special sa kanyang puso. Lahat nag aalala, natatakot ngunit pareho at iisa ang sinasabi. Alexis will survive. Makalipas ang ilang sandali, lumabas ang doctor. Sabay na tumayo ang tatlo. Nagtataka naman ang doctor. "Kamag-anak ng pasyente?" tanong ng doctor Tinginan ang tatlo

