Kinabukasan nakapikit pa si Yana ng bumangon ito at pumunta ng washroom. Basta na lang naghubad at hinagis ang pinaghubaran kung saan saan at nag shower. Habang nagsasabon napapangiti ito ng maalala ang naging halikan nila ni Alexis. Kagat ang mga labi dahil hanggang sa kasalukuyan parang nalalasahan pa niya ang labi ng dalaga. Hindi niya alam pero sobra ang saya niya habang nasa bisig ang dalaga. "Alexis, I miss you. Mahal talaga kita at sana ganun ka rin. Ano ang ibig sabihin ng mga halik mo na iyon?" tanong niya sa kanyang isipan. Naghuhumming pa ito habang sinasabon ang katawan. "Hmmm.. Hmmm.. Na..na..na..na..(yakap tune)..na..lalalala.. I need to know what's on her mind, at kung ano ang totoong nararamdaman niya sa akin. Alam ko at ramdam ko sa kanyang mga halik. Gu

