“Salamat po,” magalang kong wika sa matandang lalaking nakangiti at palabas na ng suite ni Oliver. “Salamat, Edgar,” dagdag naman ni Oliver. Tinuro niya ang mga nakalatag sa dining table at dinagdag, “For these snacks and … stuff.” Napakunot-noo ako sa pagkakangisi ni Oliver at sa mahinang tawa ng butler. Walang tugon ang huli. Tawa lang talaga kaya nadagdagan ang pagtataka ko. Yumukod siya sa amin, nagpaalam, at tuluyan nang umalis. When we returned to Oliver’s room earlier, naalala kong kailangan ko palang ibigay kay Rachel ang susi ng kanyang sasakyan. Iiwan ko sana sa front desk and text her to pick it up from there, ang kaso, ayaw na akong payagan ni Oliver na lumabas. We compromised and he called for his butler. Ilang minuto lang pagkatapos niyang tumawag, may kumakatok na sa pin

