Nakapatong na si Rachel sa kanyang maleta at nakikipagbuno pa rin doon nang bumalik ako mula sa pagtitimpla ng kanyang kape. Pinipilit niyang isara ang zipper pero bigo siya. Agad kong pinatong ang kape sa bedside table at lumapit sa kanya. “Ano ka ba? Masisira na ’yan,” sabi ko. Tumingala siya sa akin at nagmamakaawa ang mga mata. “Bree,” mangiyak-ngiyak niyang banggit sa palayaw ko. “Ayaw masara!” parang batang pagsusumbong nito. Inirapan ko nga. “’Di ba, sabi ko sa ’yo kahapon ayusin na natin ’yan?” Nalukot ang mukha niya sa narinig. “Nakaiinis ka naman. Eh, kung tinulungan mo na lang kaya akong isara ’to imbis na sermunan.” Napabuntonghininga na lang ako at naupo sa harapan niya. Kahit kailan talaga, si Ms. Last-Minute itong si Rachel. Pagbalik namin mula sa buong araw na pa

