“Sabi ko naman kasi sa ’yo. Hindi mo na ako kailangang ihatid pa hanggang doon sa club.” Makailang ulit ko nang pinagsabihan itong si Oliver but he kept on ignoring me. He is muttering under his breath habang nagkaandahaba ang leeg sa kahahanap ng parking spot. Kanina pa kami paikot-ikot sa ilang kanto for parking. “Kung ibinaba mo kasi ako kanina sa Petron, hindi ka na sana namumroblema ngayon. At nakarating na sana ako roon.” Hindi ko napigilang idagdag. That earned me a fierce glare. “Really? Nakarating ka na roon?” His tone is full of sarcasm. “Hindi mo nga alam ang eksaktong pangalan ng club.” Nasayang ang eyeroll ko dahil hindi niya naman nakita. Sakto kasing nakakita siya ng masisingitang spot and he is easing the car into it at nandoon ang atensyon niya. Oliver has a point abo

