YOURS. Limang letrang umantala sa limang segundo kong paghinga. Are the lights of this room playing tricks on me? Or may weird mushroom ba akong nasinghot along the way at nagha-hallucinate na ako ngayon? Muli kong pinakatitigan ang pangalang tinipa ni Oliver kasama ng kanyang numero. Y-O-U-R-S. Iyon talaga. All caps pa. Shet naman! Joke ba ’to? Kung oo, he better be dead right now kung saan man siya! Kasi gustung-gusto ko na talaga. Gusto ko nang maging malisyosa. Gusto ko na mag-assume. Kahit magmukhang tanga. Kaya kung prank lang ito, you’re the worst, Oliver San Martin! Napapikit ako at dinala ang aking palad sa aking dibdib. I massaged the area where I can feel my heart racing a hundred miles an hour. I need to calm myself down bago pa ako tuluyang mabaliw sa kaiisip dito. Sa li

