Chapter 24

1237 Words
Papasok na si Vivien sa bahay nang makasalubong niya ang isang matandang lalaki sa may gate. Naka-coat and tie ito. Tinanguhan niya ito at nginitian bilang paggalang. Sinuklian siya nito ng ngiti 'saka nagpaalam na. Dire-diretso siyang pumasok sa nakabukas na pinto. Naabutan niya si Jayson na nakaupo sa sofa at hinihilot ang sentido. "Kailangan mo ba ng kape?" bungad na tanong niya rito. Naawa siya sa hitsura nitong tila pagod na pagod. Napalingon ito sa kanya at pagod na nginitian siya. Hinilot na ang batok. "Napaaga ka?" tanong nito imbes na sagutin ang tanong niya. "Maaga namin naubos ang paninda," sagot niya. Naupo sa kabiserang upuan nito. Gusto muna niyang magpahinga. Muli niyang nilingon ang mukhang pagod na si Jayson. Bukod kasi sa pag aaral, minamanage rin nito ang mga negosyo ng pamilya nito. Hindi niya alam kung bakit ito ang gumagawa ng lahat ng iyon. Ayaw naman niya tanungin kung nasaan ang mga magulang ni Jayson. Ayaw niyang makialam. Naisip na lamang niya na siguro dahil nag-iisang anak ito kaya gusto nila itong matuto sa pamamalakad ng negosyo. Nginitian niya si Jayson habang malamlam ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Pilit niyang binabasa ang mga matang iyon pero gaya ng dati, blanko na naman. Hindi niya mawari ang nilalaman. Nagkibit-balikat siya. Nag-iwas ng tingin at nilapat ang likod sa sofa at pumikit. Dinig na dinig niya ang malalalim na buntong hininga ni Jayson. Kaya napamulat siya at muling itinuon ang tingin dito. "May problema ka ba?" malumanay niyang tanong dito. Nag-iwas ito ng tingin sa kanya. Pero nakita niya ang gumuhit na emosyon sa mata nito. Guilt! Alam niyang maraming inililihim si Jayson sa kanya. Kaya nahihirapan siya sa tuwing ganito ang lalaki. Hindi niya mabasa ito, kahit gusto niyang tulungan si Jayson, napakatibay naman ng pader na ipinagitan nito sa kanila, nahihirapan siyang tibagin iyon. "Kung may..." "Gusto mo bang makita ang iyong ama?" Parang biglang tumigil ang mundo niya sa tanong nito. Nanigas siya sa kinauupuan. Habang ito ay tigtig na titig sa kanya. Siya naman ang pinag-aaralan. Napalunok siya at halos hindi huminga ng ilang saglit. May ala-alang biglang nanumbalik na gusto niyang makalimutan. Nanginig siya at namutla, pilit niyang itinatago kay Jayson ang reaksiyon ng kanyang katawan. Pero kahit anong gawin ni Vivien, kanina pa nahalata ni Jayson ang panginginig ng dalaga. Namura niya ng lihim ang sarili dahil sa hindi niya pagpigil sa sariling magsalita! Kung bakit kasi naging interesado siya sa magiging reaksiyon ng dalaga. Eto ba ang gusto mong makita Jayson? Naaalarma niyang tanong sa sarili. "Vivien!?" marahang tawag niya sa babae. Napapitlag ito at napabaling sa kanya. Puno ng kalituhan ang mga mata nito. Napalunok si Vivien bago makasagot. "Wa--la si Tatay, isa pa na--sa trabaho," pautal-utal na saad nito. Nakuyom ni Jayson ang kamao dahil sa nakikitang reaksiyon ni Vivien. Nilapitan niya ito. Yumuko siya sa nakaupong dalaga, hinawakan ito sa batok at pinaglapat ang kanilang noo. "Breathe Vien, breathe!" ika niya habang pinapakalma ang babae. Pumikit na muli si Vivien. Pilit pinapakalma ang nanginginig na katawan. Ngunit hindi alintana sa kanya na ang kanyang puso naman ang naghuhumerantado. Mabilis at malakas ang pintig nito. Para bang lalabas na sa lakas ng t***k. Nasa ganoong ayos sila ng ilang saglit. Nakapikit silang pareho habang halos magkalapit na ang mukha. Dinig na dinig nilang pareho ang bawat paghinga. Hindi nga lamang alam ni Vivien kung naririnig ba ni Jayson ang malakas na pintig ng kanyang puso. Sa katahimukan ng paligid nila, dinig na dinig niya ang kanya. "Nakakulong ang tatay mo." Napamulagat si Vivien at nailayo ang sarili kay Jayson dahil sa gulat. Nagtatanong ang mga mata niyang tumitig sa lalaki. "Bakit?" may pag-aalalang tanong niya. Nag-aalala siya sa kalagayan ng kanyang ama. Matanda na ito para maikulong. Nalito si Jayson sa nabasang emosyon sa mga mata ni Vivien. Naaawa ba ang babae sa tatay niya? She should not! Dapat ay masaya ito at nakakulong na ang lalaking lumapastangan sa kanya! Nakuyom niyang muli ang kamao at umigting ang kanyang panga. Bakit hindi ka galit Vivien! Kanina lang ay natakot ka, pero noong nalaman mong nakakulong, bakit parang naawa ka pa. Ganyan ka ba karupok! "Gusto kong puntahan si Tatay." tumayo ito at nagpalakad lakad. "Kaya mo ba siyang harapin?" Kunot noo at dudang tanong ni Jayson sa dalaga. Magkasalubong ang mga kilay ni Vivien na tumingin sa kanya. "Gusto kong makita ang kalagayan ni Tatay, Jayson." Halos mangiyak m-ngiyak na pakiusap niya sa lalaki. Naalarma si Jayson sa turan ng dalaga. Pero agad niya itong tinanguhan. Mukha namang desidido ang dalaga na harapin ang ama nito. Sa araw ding iyon, sinamahan niya si Vivien sa police station. Hindi mapakali ang dalaga habang sakay sila ng kotse niya. Nasabihan na niya si Spo2 Matias kaya ito na ang sumalubong sa kanilang dalawa ni Vivien. Nagtanguhan silang dalawa ni Roy, nasa likod niya si Vivien na binati agad nito. Nagkatinginan silang dalawa ng kaibigang pulis at iginaya na sila papasok kung saan naghihintay ang tatay ng dalaga. Nakayuko ang matandang lalaki at nakatingin lang sa sahig noong datnan nila. Medyo malayo pa sila kaya sinegundahan niya si Vivien na ito na lang ang lumapit sa ama. "I'll be waiting here," bulong niya sa dalaga. Ngunit parang hindi siya narinig nito dahil nakatutok ang maluha-luhang mata sa kanyang ama. Patakbo pa nga nitong pinuntahan ang ama. Umiiyak na niyakap ito. Gulantang ang matandang Rivas dahil sa biglang pagsulpot ng anak sa presinto. Hindi niya magawang yumakap pabalik sa anak. "Anong nangyari sa iyo Itay? Bakit ka narito?" sunod-sunod na tanong ni Vivien. Inapuhap ang mukha ng matandang may bakas pa ng pasa. Sa pagkakataong iyon, humagulgol na ang kanyang tatay. "Patawarin mo ako anak,patawarin mo ako..." paulit-ulit na sambit ng matanda. Humahagulgol na tila ba sa paraang iyon ay maiibsan ang lahat ng pangamba sa dibdib. Si Vivien ay yumakap nang muli sa ama. Uniiyak din at paulit-ulit na pinapatawad ang ama. Oo at may pangamba siyang naramdaman, pero nangibabaw ang pagmamahal niya sa kanyang Itay. Madilim ang mukha ni Jayson habang nakatunghay sa mag-ama. Natatagis ang mga bagang niya dahil sa nakikitang eksena. Hindi niya maintindihan si Vivien, bakit hindi nito magawang mamuhi sa mga taong gumawa dito ng masama. Bakit imbes na poot at galit din ang isukli nito ay pag papatawad at pagmamahal ang ipinapakita nito. Kinukwestiyon niya tuloy ang sarili kung bakit hindi niya kayang gawin iyon. Hindi niya kaya na agad magpatawad. Hindi niya kayang kontrolin ang kanyang galit. Hindi niya kailanman maipakita ang pagmamahal kahit gustuhin niya, laging nagingibabaw ang galit sa loob niya. "Jayson," nagulat siya sa pagtawag na iyon ni Roy. Kanina pa pinagmamasdan ni Roy ang kaibigan habang mataman na nakatitig sa mag-amang nag-iiyakan. Hindi niya mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip ngayon ni Jayson. Pero para sa kanya, malaking bagay na ang ipinapakita nitong pag-alala kay Vivien. Natuwa siyang isang Vivien lang pala ang makakapagpalambot sa matigas nitong puso. Isang babaeng ni sa hinagap niya, hindi niya lubos maisip na ito ang makakapagpalabas ng totoong Jayson. "Sana lang ay magtuloy-tuloy ang pagbabago mong ito kaibigan. It's time for you to be happy." Muli niyang sinulyapan si Jayson. Biglang nanindig ang balahibo niya nang makitang nakangisi ito at matamang nakatitig sa ama ng dalaga. "Nagkakamali yata ako. Kailangan ko nang umaksiyon bago mahuli ang lahat! Hindi maaring magdusa na naman ang dalawa," sa isip ni Roy. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD