Chapter 27

1105 Words
Naghiwalay na sila ni Robert. Pumasok na siya sa bahay, hindi na siya nagulat noong mabungaran si Jayson na nakaupo sa sofa at ang mga kamay ay nakasabunot sa buhok. Mabigat ang kanyang mga hakbang habang palapit sa lalaki. Pinagmamasdan niya ang itsura nito. Napasikdo ang kanyang puso, hindi pa man niya nakikita ang mukha nito ay parang alam na niya ang itsura ng lalaki. Imbes na matakot siya, mas lalo lamang siyang nagkalakas ng loob para lapitan si Jayson. Huminto siya sa mismong harapan nito, ngunit hindi niya nagawang tawagin o hawakan man lang ito. Alam niyang alam ni Jayson na naroon na siya. Nang bigla siya nitong yakapin. Ang ulo nito ay nasa kanyang tiyan. Nakapulupot ang buong kamay nito sa kanyang likod. "Sasama ka na ba sa kanya?" tanong nitong hindi mababakasan ng anumang emosyon kundi lungkot. Kung kanina na kaya niyang huwag umiyak noong nagpaalam siya kay Robert, ngayon ay bumuhos na naman ang kanyang luha sa simpleng tanong na iyon ni Jayson. Napatutop siya sa kanyang bibig para pigilan ang hikbing nais kumawala. Tiningala siya ni Jayson. Namumula ang mga mata nito na tila ba galing sa matagal na pag iyak. Siya man ay masakit na ang mga mata dahil sa walang humpay na pag-iyak. Wala na siyang ginawa sa araw na iyon kundi ang lumuha. Bumitiw at malungkot na tumayo si Jayson. At tumalikod. Alam na niya ang sagot sa pananahimik ni Vivien. Iiwanan siya nito. Alam naman niya na mangyayari iyon. Alam niyang noon pa man ay talo na siya. Wala siyang karapatan para panatilihin si Vivien sa tabi niya. He's such a big loser! Muling naglandas ang mga luha niya habang mabagal na papalayo sa dalaga. "Hindi ako aalis sa tabi mo Jayson!" sigaw sa kanya ni Vivien. Napatigil siya sa paghakbang pero hindi nagawang lingunin ang babae. "Gusto kitang maintindihan. Gusto kong makilala kung sino ka ba talaga sa likod ng Jayson na kilala ko noon. Sa likod ng Jayson na namumuhi sa akin. Gusto kong buksan mo ang mundong meron ka sa akin," muling sigaw nito habang humihikbi. Hindi naman sila masyadong magkalayo pero para bang hindi aabot sa kanya ang mga salita nito kaya isinisigaw ang nais sabihin. Napangiti siya ng mapakla. Napatingala sa kisame. Nagpapasalamat siya na gustong manatili ni Vivien . Masayang-masaya siya na hindi niya kaya tuluyang maging maligaya. Dahil alam niyang masasaktan ng husto ang babae kapag binuksan na niya ang mundong meron siya para rito. Maging siya, natatakot na masaktan. Kung bakit hindi niya kayang pigilan noon ang sariling maattach ng husto dito. Sana hindi rin siya nahihirapan ngayong pakawalan ang babae. Napapikit siya noong mapasulyap sa portrait ng ina sa sala. "Ma, gusto kong sumugal. Patawarin mo ako, pero gusto kong sumugal sa nararamdaman ko ngayon, alam kong masasaktan ako sa huli pero gusto kong maging maligaya kahit sandali. Kung ikamamatay ko ang kaligayahang ito, I don't care anymore" Saad niya sa isip. Mabilis siyang pumihit pabalik kay Vivien. Walang kaabog-abog na hinalikan niya ito sa labi. Gulat na gulat si Vivien sa kapangahasan ni Jayson. Nanlalaki ang mga mata niya sa marahas na paghalik nito sa kanya. Pero hindi niya ito magawang itulak. Ang marahas na halik ay naging masuyo. Kaya naman unti-unting napapikit si Vivien sa halik na iyon ni Jayson. Napakapit ang kamay niya sa batok nito habang tumutugon na rin sa halik na iyon ni Jayson. Hindi na napigilan ni Jayson ang sarili na paglandasin ang kamay sa buong katawan ni Vivien. Wala naman ng paki alam si Vivien. Natatangay na siya sa damdaming bago sa kanya para kay Jayson. Nadadarang siya sa damdaming ipinapakita nito. Tinugon niya ng kasing init ang halik ni Jayson. Yumakap ang nga kamay niya at nag paubaya ang katawan niya. Isinawalang bahala niya ang matinong paala-ala ng kanyang isip. Isinara niya ang isip kung ano ang tama o mali . Binigyan niya ng laya ang damdamin alam niyang unti unting ng sumisibol para sa lalaki. Hinayaan niya ang bugso ng damdaming meron siya ngayon. Gusto niyang magpatianod doon. Kaya naman noong ihiga siya nito sa kama nito ay tuluyan nang nawala lahat ng inhibisyon niya sa sarili. Pero para siyang nabuhusan ng malamig na tubig noong bigla itong tumigil sa ginagawa. Napadako siya sa kanyang dibdib na medyo lantad na.May kung anong emosyon ang gumuhit sa mata ni Jayson. Pag-alala. Alam ni Vivien kung bakit napatigil si Jayson sa ginagawa. Kanina, nabanggit ng pahapyaw ni Roy ang dahilan kung bakit nanatili ang ama niya roon. Dahil iyon kay Jayson. Dahil iyon sa pag aakalang gagambalain siya ng ama. At dahil iyon sa nangyari sa kanya. Noong tinakasan niya ang isang madilim na bahagi ng buhay niya. Malamlam ang mga mata nitong naupo sa gilid ng kama. Binasa niya ang kanyang labi. "Nandidiri ka ba sa akin,Jayson?" agarang napalingon sa kanya si Jayson. Umiling. Umalis siya sa kama at tumayo sa harap nito. Isa-isa niyang binuksan ang butones ng kanyang blusa. Nalilitong nakatitig sa kanya si Jayson. "Anong ginagawa mo Vivien?" Paos ang tinig na tanong nito. "Pinandidirihan mo ba ako dahil narumihan na ako?" muli niyang tanong. Inilaglag ang damit sa sahig. Lumapit siya kay Jayson. Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para gawin iyon. Kung ano ang nagtulak sa kanya para maging mapangahas. Anong damdamin ang kalakip ng kanyang pagpapaubaya? Lumapit siya kay Jayson. Hindi naghiwalay ang titig nila sa isat isa. Si Jayson naman ay napalunok dahil ngayon si Vibien ang gumagawa ng paraan. Nag-init ang katawan ni Jayson dahil sa lantarang pagpapakita ni Vivien ng katawan. Naupo ito sa harap niya. Lalaki lamang siya, nadadarang sa katawang nakahain sa harap niya. Kahit gaano ang pagpipigil niya sa sarili. Bugso ng kanyang damdamin ang pinakinggan ni Jayson. Mahal niya si Vivien. Anu mang dahilan ng babae para ipagkaloob ang sarili nito sa kanya, wala na siyang pakialam. Ang importante sa kanya ay ang babaeng nasa harap niya. Ang babaeng mahal na mahal niya. Bumaba ang kamay ni Vivien sa mukha niya. Nababaliw na ang babae dahil ipinagkakanulo nito ang sarili sa kanya. Pumikit siya at dinama ang mainit nitong palad. "Vivien, pagsisisihan mo ang ginagawa mong ito?" mahinang babala niya sa babae. Alam iyon ni Vivien. Ngunit pikit mata niyang ipagkakaloob ang lahat. There is a part of her wanting Jayson. Isang dahilan para pasukin ang mundo nito. Hinanap ng mga labi niya ang labi ni Jayson. Doon na talaga nawala sa sarili si Jayson. Sinibasib niya ng halik si Vivien. Ang mga kamay niya ay sumamba sa katawan ng babae. Sa kanilang pag-iisa. Umaasa si Vivien ng isang magandang umaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD