Chapter 11

1435 Words
Tulala si Vivien habang inaalala ang lahat. That time, mariing ibinulong sa kanya ni Jayson ang dis-gusto sa kanya. Ang mga salitang iyon ang patuloy na rumirindi sa teynga niya. "I hate you," paulit-ulit nitong sambit sa kanya habang sila ay nagsasayaw, pero napakasuyo naman nang pamamaraan nito sa paghawak sa kanya. Pakiramdam niya ingat na ingat pa ito na para siyang babasaging crystal. Hindi niya maintindihan, ngayon o kahit noon kung bakit galit na galit at kinasusuklaman siya nito. Na kahit kaya naman nito ang mag-aral sa pribadong paaralan, sinundan pa rin siya nito kahit saan. Para ano? Para pasakitan siya at para ipakita araw-araw ang pagkasuklam sa kanya na ayon dito ay nababagay lang sa kanilang pamilya. Noon pa niya gustong tanungin si Jayson, pero nauumid ang dila niya sa tuwing haharapin niya ito. Paano ba naman, galit agad ito o kaya naman wala sa mood. At nakatatakang lahat ng atensiyon nito ay nasa kanya. Ngayon kaya? Kapag tinanong niya si Jayson, sasagutin kaya siya nito. Ngayon na mukhang ayos na sila, ayos na ang pakikitungo sa kanya, maliliwanagan na ba ang lahat? Oo at may pagdududa pa rin naman siya dito, agam-agam na hindi na yata naalis sa sistema niya kahit noon pa. Muli siyang sumulyap sa wasak na pinto. Naalala na naman niya ang nangyari kagabi. Ang takot at pag-aalala ni Jayson. At ang malakas na pintig ng puso niya. Nagpasya siyang lumabas na lamang muli, mag-aayos na lamang siya o maglilinis. Nang makasalubong niya si Jayson na nagmamadaling pumasok sa loob ng kuwarto nito. Nagkibit-balikat siya at ipinagpatuloy ang pagpunta sa sala. Nanguha na rin siya ng walis at pamunas para sa paglilinis niya. Tamang-tama rin na wala si Jayson doon, para makakilos siya na hindi na te-tense. Kasalukuyan niyang pinapampag ang mga cushion ng sofa nang lumabas si Jayson at bihis na bihis. Nagkatinginan sila. "May kailangan lang akong asikasuhin, dito ka lang!" bilin nito na tila ba nabasa ang nais niyang itanong. Kakaiba ang aura nito ngayon. Darker! Lalo na noong nag-iwas ng tingin sa kanya. "Sige," sagot niyang nag-iwas na rin ng tingin dito at itinuon ang mga mata sa sahig. Nagmamadali na itong umalis. Dinig na dinig ni Vivien ang pag-andar ng motor sa labas at ang mabilis na pagkawala ng malakas na tunog nito. Muli na lamang niyang ipinagpatuloy ang paglilinis. Nasa TV stand na siya at kasalukuyang nagpupunas para matanggal ang alikabok noong mapadako ang kanyang mata sa isang picture frame. Isang magandang babae na pawang may itinuturo, nakapoint ang daliri nito sa kung sinong nasa likod ng camera. Kasama nito ang chubby na batang lalaki, nakasimangot at parang ayaw magpakuha ng litrato. Napangiti siya dahil kilalang kilala niya kung sino ang batang iyon. "Kahit noon pa, halatang bugnutin ka ano? Laging galit sa mundo?" Hinaplos niya ang litratong iyon habang kausap ang nasa litrato. Napadako ang tingin niya sa ina ni Jayson. Napakaganda rin nito at mukhang mabait. Minsan niya lamang ito nakita at nakasalamuha, pero magaan ang loob niya kay Mrs Perez. Pasko noon, mga siyam na taong gulang siya. Kararating lang ng tatay niya galing sa isang buwan na trabaho. Construction worker ito at ngayon lang nakauwi sa kanila. Niyakap siya nito at hinalikan sa pisngi. Miss na miss na raw sila nito,sila ng nanay niya. Pero nadismaya ito noong malamang wala ang nanay niya roon. Isang linggo nang natutulog sa malaking bahay. Tuloy, inutusan siya ng ama na sunduin ang ina. Hindi siya umangal kahit malayo ang lalakarin niya. Hindi lang dahil gusto na niyang makita ang ina kundi dahil binigyan din siya ng ama ng perang pambili ng kahit anong gusto niya sa tindahan. Suot pa rin ang malaking tsinelas na galing kay Robert, masaya siyang naglakbay patungo sa palasyo ng baboy na prinsipe. Humagikgik ang batang si Vivien dahil sa naiisip. Mula noong nakita niya ang batang mataba sa mansiyon, tinawag na niya itong baboy. Parang napakadali nang paglalakbay ni Vivien, dahil na rin iyon sa kasiyahang nararamdaman. Pakiramdam niya lumilipad siya habang naglalakad. Ni hindi siya pagod na narating ang gate ng mansiyon. "Naynay! Si Vien po ito. Naynay," matinis ang boses niya habang pasigaw na tinatawag ang ina. Pilit siyang sumisilip. Tumalon-talon pa siya para makita ang loob, mataas kasi ang gate at hindi niya makita ang kabila. Napalabi siya dahil makailang tawag na siya sa ina wala parin ito. Nang bigla siyang napahiyaw dahil sa busina ng sasakyan na paparating. Agad siyang gumilid para bigyan ng daan ang kotse, siya namang pagbukas ng gate at nakita ang ina. Na para bang kagagaling lang sa pagtulog dahil sa gulong buhok. Pilit lamang na inaayos habang niluluwangan ang pagkakabukas ng gate. Nakapasok na ang sasakyan. Tatawagin na sana niya ulit ang ina pero namangha siya sa babaeng bumaba sa kotse. Napakaganda nito kaya natuon ang pansin niya dito imbes na ang ina ang bigyang pansin. "Sandali Laura, may batang babae sa may gate kanina. May kailangan yata." Rinig niyang saad ng babaeng naging idolo niya dahil sa ganda. Napatigil ang kanyang ina sa pagsara ng gate at sumilip sa labas. "Naynay," tawag niya dito pagkalabas kung saan niya naikubli ang sarili. Gulat na gulat ang ina niya at para bang natataranta dahil naroon siya. Pinandilatan siya ng mga mata at may babala ang mga tingin sa kanya. "Sino iyan, Laura?" tanong nang palapit na si Mrs Perez. "Hello po," masayang bati niya sa babae. Isinilip pa niya ang ulo dahil natatakpan ito ng ina. Nakita niya ang mabining ngiti ng ginang. 'Saka tumingin ito sa kanyang ina. "Ito ba ang anak mo, Laura? Aba'y napakagandang bata." Lumawak ang ngiti ni Vivien dahil sa papuri ni Mrs Perez. Tumango lamang din ang kanyang ina. "Do you like chocolates? Candies?" malumanay na tanong nito sa kanya at bumaba para mapantayan siya. Napatingin siya sa ina na may babala pa rin ang tingin. Kaya naman hindi na siya nakapag salita, kahit pa gusto niya ang mga iyon. Napansin naman ni Mrs Perez ang pag-alinlangan ng batang kaharap kaya inutusan nito si Laura upang kuhanin ang bag na naglalaman ng candies at chocolates. "Here, take this. Masarap ang mga ito. Pasalubong ko iyan from my trip." Inabutan siya nito ng malaking bar ng chocolate at supot ng iba't ibang candy. Tuwang tuwa niya iyong tinanggap upang ipagdamot lamang ng baboy na prinsipe. "Ma, that's mine, why you're giving it away?" Mula sa pinto, patakbo itong lumapit sa ina. Inagaw pa nito ang supot ng candy na hawak niya. Gulat na gulat silang lahat sa inasal ng baboy na prinsipe. Maging si Mrs Perez, hindi makapaniwala sa inasal ng anak. "Jayson! What's wrong with you, hindi ka naman madamota !"  gilalas na saad ng ginang. Pilit kinukuha ang supot ng candy. Pinipigilan ng batang si Vivien ang iyak na nais kumawala. Nakalabi lamang ito na nakatitig sa mag-ina. Agad na sumaklolo ang kanyang ina at hinawakan siya ng mahigpit sa braso. "Pasensiya na po, Madam, Senyorito. Iuuwi ko na muna itong anak ko," sabi nito at hinila na siya palayo. Nabitiwan pa niya ang chocolate na bigay. Hindi na lang niya inalintana iyon, mas nabibigyan niya ng atensiyon ang sakit at higpit nang pagkakahawak ng ina sa kanyang kamay. Tila mapipigtas ang mga kamay niya mula sa pagkakahila nito. "Naynay, sorry po. Pinapasundo lang naman kayo ni Itay," Napatigil si Laura at humarap sa batang babae. Matalim ang tinging ipinukol dito at padarag na binitawan ito. "Magsama kayo ng walang kuwenta mong ama!"  nagpupuyos sa galit na sigaw nito sa mukha ng batang si Vivien." Wala kayong ginawa kundi guluhin ang buhay ko. Hindi ako masaya sa inyo. At lalong hindi ko kailangan ang tulad niyo sa buhay ko." "Naynay?" Pilit na pinipigilan ng batang si Vivien ang luha. Nagpapakatatag na huwag maiyak dahil sigurado siyang lalong magagalit ang ina. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang galit ng ina sa kanila ng kanyang itay. Simula noong magkamalay siya sa mundo, hindi man lang niya naranasan ang masaya na buong pamilya. Pero hindi niya sinukuan ang pangarap na maging masaya sila, na magiging mabait ang nanay niya. Na magiging normal ang buhay niya. Pero hanggang pangarap na lang pala iyon. Hindi kayang abutin ng musmos niyang isip. At lalong hindi ngayon na sampong taon na ang nakararaan. Dahil pagkatapos nilang makauwi, nag-away ang mga magulang niya. Nagising na lang siya kinabukasan na wala na siyang ina. Nilayasan sila nito. Nagtuloy-tuloy ang pagpatak ng luha ni Vivien sa pagkaalala sa nakaraan. "Kumusta ka na kaya Inay? Alam mo bang nami-miss na kita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD