Wala sa kanyang sarili si Vivien habang nagluluto ng hapunan nila ni Jayson. Malayo ang kanyang tingin na para bang may makikita siyang sagot sa lahat ng tanong na bumabagabag sa kanya.
Mula noong naghiwalay sila ni Robert, hindi na siya pinatahimik ng mga katanungang hindi pa rin nasasagot dahil wala naman siyang lakas ng loob para itanong.
Tama bang pinakawalan niya si Robert para sa kapakanan ni Elaine at sa dinadala nito? Pakiramdam niya kasi, mali ang desisyon niyang hindi pakinggan ang paliwanag ni Robert. Ipinagtulakan niya ang lalaki kay Elaine.
Ngayon, silang tatlo ang nagdurusa. Alam niyang hindi masaya si Robert sa sitwasyon nito ngayon. Akala niya kasi noong una, isa-alang alang ng lalaki ang sanghol sa sinapupunan ni Elaine. Nagkakamali pala siya. Mas naging komplikado ang lahat.
Naawa siya sa kanyang sarili, pero mas naaawa siya kay Elaine na nakikiamot ng konting pagmamahal. Nakikipagkumpetensiya sa kanya, kahit hindi naman dapat. Kaya hindi niya ito masisisi kung magalit at isumpa siya.
Pero hindi ba't kasalanan naman nito kung bakit naging ganoon ang sitwasyon nila. Kung hindi nito inakit si Robert, hindi sila hahantong sa ganoon.
Napapatanong siya kung ano ang nagtulak sa babae para maisip ang bagay na iyon. Dinungisan nito ang sariling p********e, pati ang iniingatang pangalan ng ama nito ay nadamay rin.
Napapailing siya noong maisip na dahil iyon sa matinding pagmamahal. Napaka makasarili naman ng pagmamahal nito para isakripisyo ang sarili. Nagpakadesperada ito at ipinagpilitan ang sarili sa lalaking hindi siya kayang mahalin.
Napaupo siya habang hinihintay na kumulo ang niluluto. Nagpikit siya ng mga mata at nanatiling ganoon ang ayos ng ilang saglit. Pagmulat niya, maitim na mga mata ni Jayson ang sumalubong sa kanya. Titig na titig sa kanya. Bigla siyang nailang.
"Nandito ka na pala? Hindi man lang kita napansin na dumating," ngumiti siya ngunit halatang pilit. "Pinapakuluan ko pa ang karne, makakapaghintay ka ba ng kahit tatlumpong minuto?"
Hindi ito tuminag o nagsalita. Nakatitig lang si Jayson sa kanya.
Kinilabutan siya sa mga titig nito. Napansin niyang iba ang aura ni Jayson ngayon. Nagbaba siya ng tingin dahil hindi na niya maarok ang mga titig nito. Nang mahagip ng kanyang paningin ang duguang kamao ng lalaki.
Walang sabi-sabing lumapit siya at hinawakan ang kamay nito.
"Anong nangyari?" Nanunuri ang mga matang tanong niya kay Jayson. Gumalaw ang panga nito na para bang may pinipigilan.
"Wala iyan," walang emosyon na saad nito at hinila ang kamay na hawak niya.
Naningkit ang mga mata niya at muling hinuli ng tingin ang mga mata ni Jayson.
"Anong ginawa mo?" Kinakabahan siyang malaman na may ginawa nga itong kagaguhan, gaya ng dati kapag nagagalit ito. Ang kaibahan lang noon sa ngayon. Hindi siya ang napagbuntungan nito? Napaisip siya kung sino ang napagbalingan nito ng galit.
Hindi kaya si?
"Huwag kang mag-alala buhay pa at maayos ang lalaking iyon. Walang galos, kung iyon ang ibig sabihin ng mga tingin mong iyan!" Medyo may bahid ng pagkadismaya ang tinig nitong nagsalita at sinagot ang katanungan sa kanyang isip. "Papanhik na ako, kumain ka na lang mag-isa at magpahinga. Hindi ako gutom," Aniya saka na siya tinalikuran.
Magsasalita pa sana si Vivien pero parang naumid ang kanyang dila.
Kaya naman pinagmasdan na lang niya ang likod ng papalayong lalaki.
Nang makarating si Jayson sa kwarto agad niyang sinarado ang pinto. Inilapat niya ang likod sa pintuan at dumausdos pasalampak sa sahig. Itinaas niya ang isang tuhod at doon ipinatong ang namamanhid na kamay.
Naipikit niya ang mga mata habang dinadamdam ang sakit ng kamao.
Kanina, noong sinusuntok niya ang lalaki iyon, biglang rumehistro ang mukha ni Vivien sa kanyang nagdidilim na paningin. Napatigil siya bigla dahil naalala niya ang babae. Tumulo ang kanyang mga luha at napatitig sa taong halos mawalan na ng malay.
"Muntik na akong makapatay Vivien! Kung hindi dahil sa iyo, napatay ko ang taong iyon. Hindi ako magdadalawang isip na pumatay, wala na akong pakialam kung ano ang mangyayari sa akin, but you keep on saving me. The thought of you saving me! But why it hurts like hell! Being with you is so painful! Ang isiping mawawala ka rin lang sa tabi ko, ikababaliw ko Vivien.
Napatingala siya sa kisame. Muling nagbabadya ang kanyang mga luha.
Muling nabuhay ang poot at galit na akala niya'y unti unti ng natutunaw. Malalim ang buntong hininga na kanyang pinakawalan. Pinilit niyang tumayo at nagtungo sa banyo ng kanyang kuwarto. Hinugasan niya ang sugat. Mahapdi iyon pero wala nang sasakit pa sa nararamdaman niya ngayon.
Pagkatapos niya mahugasan ang kamay. Kinuha niya ang firts aid kit at naupo sa kanyang kama. Sinibukan niyang linisin ang sugat. Hirap na hirap siyang gawin iyon dahil ang kaliwang kamay ang gamit niya.
Nawalan lamang siya ng pasensiya noong lagyan na niya ng benda iyon. Ilang beses niyang sinubukan pero hindi niya maibubol at hindi niya maibenda ng maayos. Kaya naman sa inis, naibato niya iyon patungo sa pinto. Siya namang pagbukas ng pintuan at iluwa doon si Vivien.
Napatda ang babae dahil sa kanyang ginawa. Siya man ay nagulat dahil hindi niya inaasahang papasok ito sa kanyang kwarto.
"Tinawag mo na lang sana ako para linisan iyang sugat mo," malumanay na saad ng babae habang naglalakad palapit sa kanya. Pinulot ang benda sa sahig.
Nakamasid lamang siya dito habang papalapit.
Sasabihin sana niyang hindi na kailangan pero parang walang salita ang nais kumawala sa bibig niya, minasdan niya lang ang babae habang naglalakad ito patungo sa kanya.
Vivien was really beautiful. Maamo ang mukha nito. Mahahaba ang pilik mata. Maninipis ang mga labi na laging nakangiti kahit may pinagdadaanan. Maputi ito at balingkinitan ang katawan. She was a beauty, but then, that beauty reminds him of the person he hated the most. Kaya siguro kinasusuklaman niya rin si Vivien dahil kamukhang kamukha nito ang ina.
Napatuwid siya ng upo noong umupo ito sa tabi niya. Inalis niya dito ang tingin at nakapokus ang mata niya sa sahig.
Narinig niya ang buntong hininga nito. Hindi na siya nagulat noong abutin nito ang kanyang kamay.
"Sabihin mo kung masakit o masyadong mahigpit ang pagkakabenda ko."
Sinimulan na nitong ibenda ang kanyang kamay. Magaan ang mga kamay ni Vivien kaya hindi niya naramdaman ang sakit.
Natapos na nitong ibenda iyon pero hawak parin nito ang kanyang kamay.
Kaya naman napalingon na siya sa dalaga na nakatitig pala sa kanya.
Napalunok siya noong salubungin niya ang titig nito. Lalong hindi naalis ang tingin niya sa mukha ng babae nang wala sa sariling napakagat labi ito.
Bumilis ang t***k ng kanyang puso at nanuyo ang kanyang labi at lalamunan. Binasa niya ang kanyang labi sa pamamagitan ng dila dahil sa pagkatuyot nito.
Nahalata niya ang biglaang pamumula ng mukha nito. Sa tuwing nakikita niya noon na ganito ang babae, mas nagiging mapanukso siya. Pero iba na ngayon.
Muling nag angat ng tingin si Vivien sa kanya. Matipid itong ngumiti, waring nahihiya.
"Kumain na tayo. Sayang naman ang pagod ko kung hindi mo man lang papansinin iyon," sabi nitong tumayo na at hinila na rin siya patayo.
Hindi nga lamang siya nagpatianod dito kaya binitawan nito ang kanyang kamay.
"Napatawad mo na ba ako?" Biglang lumabas iyon sa kanyang bibig na ikinagulat ni Vivien.
Naging malikot ang mga mata nito at napakagat sa labi
"Dahil kung napatawad mo na ako sa lahat ng nagawa ko sa iyo noon, kaya mo pa kaya akong patawarin sa mga magagawa ko pa? Hindi mo lang alam, napakarami kong kasalanan na nagawa sa iyo!"
Nag iba ang ekpresyon ng mukha ni Vivien. Tumigas ang mukha nitong nakatingin ng diretso sa kanya habang nakatayo sa harap niya.
"Buong buhay ko simula noong makilala kita, lahat may pasakit na ikaw ang dahilan. Tama ka, napakarami mong kasalanan sa akin. Mga bagay na hindi ko maintindihan bakit mo nagagawa. Pero alam mo Jayson, noon pa man pilit na kitang inintindi. Pilit kong kinumbinsi ang sarili ko na magbabago ka pa. Napatawad na kita sa mga kasalanang iyon. Hindi ko alam kung gaano kalaki ang kasalanang tinutukoy mo. Hindi ko alam kung matatanggap ko at mapapatawad kita. Pero kung ang Jayson ngayon ang hihingi ng tawad, I think...I can actually forgive him!" Biglang gumaralgal ang boses ni Vivien.
Nanlulumo siya dahil sa nakikitang paghihirap ng kalooban ni Jayson.
"But, I'm still the Jayson before. Ako pa rin ang walang hiyang taong iyon. Ako pa rin ang sumira ng buhay mo..."
Nilapitan niya at niyakap si Jayson dahilan ng pagkakatigil nito sa pagsasalita.
"You save me. Tamang dahilan na iyon para pagkatiwalaan kita Jayson."