Chapter 2

1167 Words
Pinagmamasdan ni Jayson ang nakahigang dalaga. Nasa maliit silang silid sa hospital. Nakaupo siya sa maliit na monoblock chair sa tabi ng kama nito. Mahimbing na natutulog si Vivien.dahil na rin sa pagod at mataas na lagnat. Napabuntong-hininga siya habang hinahaplos niya ang may pasang pisngi ng dalaga. "Yes, I was happy when you are crying or upset when I bullied you. But I will never hurt you like this. I will never hurt you physically. Gago ang gumawa nito sa 'yo, malaman ko lang kung sino, mas matindi pa ang mapapala nito. Babasagin ko ang mukhang meron siya!" pagbabanta niya habang kausap ang tulog na dalaga. Napakuyom ang kanyang kamao dahil sa nararamdamang galit. Gumalaw ang natutulog na si Vivien kaya naman agad din niyang binawi ang kamay na humahaplos sa pisngi ng dalaga. Ilang saglit lang ay pumasok na ang doctor sa kuwarto. "Iho," tawag sa kanya ng doctor na may pag-aalala sa mukha. He knew then there's something wrong. Napatayo siya at sinalubong ito. "Ninong?" Mapait siyang napangiti sa doctor at the same time ay ninong niya. Lumapit sa kanya ang doctor at tinapik siya sa balikat. "Wala ba siyang ibang pamilya maliban sa kanyang ama?" tanong ng doctor na lalong nagpakunot ng noo niya. Lalo siyang nabahala. Labis siyang nagtaka. Kanina lang ay hinanap ang pamilya ni Vivien, pero dahil ama lang ang alam niyang meron ito, at nagta-trabaho pa yata ito sa ibang lugar, sinabi na lamang niya na siya ang tatayong pamilya nito at magbabayad sa lahat ng gastos sa hospital. Siya rin ang pipirma ng kaukulang papeles na kakailanganin. "Kaibigan niya ako,.Ninong." pagkumbinse niya sa doctor. Nararamdaman niyang walang tiwala O parang ayaw sabihin sa kanya ang isang bagay. "Alam ko Jay, but this is really sensitive matter. Kung totoo ang hinala ko, she could be in danger." Pabulong lamang ang boses ng doctor habang siya ay kausap. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya. Eager to know what is really wrong. "Ninong, trust me, what's the matter?" Tila nawawalan na siya ng pasensiya kaya hindi na maitago sa boses niya ang iritasyon. Huminga ng malalim ang doctor at lumingon sa tulog na tulog na si Vivien. Saka muli siyang binalingan. Tumagal ang pagkakatitig nito sa kanya bago bumuntong-hininga at nagsalita. "I suspected rape case here, hijo. She was molested by someone." Nanlaki ang mga mata niya sa narinig mula sa doctor. Kuyom ang kamao at umigting ang kanyang panga. Ayaw niyang ipakita sa doctor ang nagpupuyos niyang galit. The situation is like a bomb, it is worst than what he thought. "But I'm not sure yet hijo, kailangan natin ng consent niya to have medico legal. The question is, papayag ba siya rito? Kaya ba niyang kasuhan ang may gawa kung tama ang hinala ko," mahabang paliwanag ng doctor at tinapik siya sa balikat. "Paano? Why do you think it is a case of rape?" Still in the act of denial na tanong niya. "Itsura pa lang niya noong dinala mo siya rito. Punit na damit, pasa sa katawan. And the nurse said, she has a kiss mark malapit sa kanyang dibdib, and a finger mark on her thighs too. Hindi ko alam kung nangyari na ito noon pero this time, mukhang nanlaban siya," mahinahong paliwanag sa kanya ng doctor. Bagsak ang balikat. Hindi niya napigilang suntukin ang dingding. "Maghulos dili ka Jayson,"malakas na napasigaw ang doctor, inaawat ang galit na inaanak. Napalingon ang doctor sa tulog na dalaga. Buti na lang at mahimbing ang tulog nito. Nangibabaw pa rin ang pagiging amain ng doctor kay Jayson, pinigilan nito ang kamay ng inaanak na walang halong puwersa. "Like I said, it's not confirm yet. Jayson this not your business anymore! Kung tama ang hinala ko, let the authorities do what they need to do!" Suhestiyon ng doctor sa kanya. Matamang siyang pinagmamasdan. "Kayo muna ang bahala kay Vivien." Marahas niyang kinuha ang basang Jacket na nakalagay sa ibabaw ng mesa saka akto nang palabas. "At saan ka pupunta? Sa bundok? Para ano Jayson? We don't really know who? Isa pa hindi mo teritoryo ang bundok na iyon! Mapapahamak ka!" mariing babala ng doctor kay Jayson. Blood shot eyes, unti-unting pumatak ang luha sa mga mata ni Jayson. Sa reyalidad na wala siyang magagawa. Idagdag pa ang frustration at galit na nararamdaman, makakapatay talaga siya ng tao. Hindi niya maintindihan! Walang ibang dapat manakit, walang ibang dapat magpaiyak, magpahiya kay Vivien. Walang iba kundi siya lang! Papatayin niya kung sino ang gumawa sa kanya ng ganito, kahit na sino, maging ama man ito ng dalaga. Mga walang hiya!! She was raped? She was molested? "Arghhhh" sigaw niya habang sinabunutan ang buhok at nagpalakad- lakad sa maliit na silid. "Hijo, umuwi ka muna, magpahinga. Kailangan mo na rin magpalit ng damit," utos ng doctor sa kanya. "No! I'll stay. I want to know everything from her!" Nagpupuyos sa galit na wika niya. Hinila siya ng doctor. "She was in distress Jayson, maybe in shock too. Not only her body but her emotion, her mind. Don't make things worst Jayson. Umuwi ka na. You need to calm yourself too. Hindi ka makakatulong kung dadagdag ka pa sa problema hijo. Kami na ang bahala sa kanya," paniniguro ng doctor kay Jayson na para bang walang tiwala sa kanya. Matalim ang tinging ipinukol niya sa doctor. Napabuntong hininga na lamang si Dr. Villa. Walang nagawa si Jayson noong ipagtulakan siya ng doctor palabas sa pinto. Iiling-iling habang pinasadahan ng tingin ang sinuntok nitong dingding. Tanging plywood lang ang pumapagitan sa mga kuwarto sa maliit niyang klinika, kaya hindi na siya nagtakang may bitak ang dingding. Kilala niya si Jayson. Kilala niya rin si Vivien at ang kaugnayan nito at sa pamilya ng mga Perez. Naiiling na lamang siya habang naiisip na ang mundo ng dalawa ay magkadugtong talaga. Kanina lang ay nakita niyang magalit ng ganoon si Jayson. Tipikal na mainitin at basagulero ito. Pero iba ang galit na nakita niya kanina. Kakaiba rin ang ikinikilos ng kanyang inaanak. The way he panic habang humihingi ng tulong para magamot ang dalaga. The way he was disturbed  while waiting for all the results. The way he looked at her is very different. Is it different? Maybe? Tinawag ng doctor ang nurse na naka-duty sa gabing iyon. "Pakibantayang mabuti ang pasyente. Tawagan ako kung nagkamalay na siya," utos niya sa nurse at muling pinasadahan ng tingin si Vivien "Yes, Doc." "Siya uuwi na ako," paalam niya habang nakatanaw pa rin sa dalagang mahimbing na natutulog. Kanina pa sana umuwi si Doctor Villa, pero dahil nga sa emergency na kailangan ng inaanak kaya siya inabot ng halos hating gabi na. Isa pa, panatag siyang mahimbing ang tulog ni Vivien. Alam niyang magigising na ito bukas ng umaga o baka tanghali na. Ang importante ngayon ay ma-i-check niya muna ang inaanak kung nakauwi ito ng maayos at walang ginawang katarantaduhan. "Hay buhay, dapat ay nagpapahinga na ako, kung hindi ko lang mahal ang batang iyon." Sa isip niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD