Chapter 32

1318 Words

Gustong magtanong ni Vivien, malaman ang katotohanan sa likod ng pag-uusap ng Nanay niya at ni Jayson. Pero hindi niya naman magawa, lalo na at tahimik si Jayson. Mahigpit ang hawak nito sa hawakan ng motor. Hindi na nga nito nagawang isuot ang helmet sa kagustuhang makauwi na sila. Pakiramdam naman ni Jayson ay nasasakal siya. May kung anong nakabikig sa kanyang lalamunan. Mabigat ang kanyang dibdib. Kanina pa sana niya binilisan ang pagpapatakbo ng motor, kanina pa sana siya nasiraan ng bait, kung hindi lamang sa babaeng nakayakap sa kanya mula sa likod. Wala siyang balak pumasok sa bahay, ang tanging plano niya ay ang ihatid lamang si Vivien at aalis na. Hindi niya pa kayang harapin ang babae. Hindi pa siya handang sagutin ang lahat ng katanungan nito. Hindi pa siya handang mawala si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD