AZUL Gising na ang lahat. Sino ba namang hindi magigising kung ganito lagi ang tugtog? Nakapila na sa harapan namin ang mga The Crusaders para bigyan kami ng almusal. At dahil nga sa sinabi ni Jordan, dapat maraming pagkain na makain si Isla. Kailangan nito ng lakas. Kailangan ko siyang protektahan. Ilang buwan na agad ang pinagbubuntis nito, at natitiyak kong matindi ang cravings ni Isla at mas malakas ito ngayon kumain. Hindi ito pupwedeng hihina-hina mamayang round. Dahil kapag kulang ang energy nito, malaki ang tyansa na matalo ito sa round at baka ikamatay nito at ng aking anak. Nakuyom ko ang kamao ko. Hindi ko hahayaan mangyari 'yon. Gagawin ko ang lahat para sa mag-ina ko. Tahimik na pumila ang lahat. Sakto namang nakatabi ko sa pila si Jerry Danieles. Ngumisi ito ng nakakalok

