AZUL Ginuide kami ng mga nakaarmor patungo sa magiging kwarto raw namin. Doon kami matutulog habang sa naghihintay na laro para bukas. Wala sa sariling napatingin ako sa likod ng armor ng mga tao ng Elinia. Nakita ko ang nakaukit na salita sa likod ng armor. The Crusaders... Bumulong ako kay Jordan na ngayon ay katabi ko habang naglalakad kaming lahat patungo sa kwarto na paglalagyan sa amin. "Jordan, tignan mo oh. Ang tawag pala sa mga nakaarmor na 'yan ay The Crusaders. Lahat sila may nakaukit na ganyan sa armor nila..." Napakunot-noo si Jordan. "Hala, oo nga 'no? Hindi ko napansin. So, The Crusaders pala ang tawag sa kanila..." Nailagay ko ang kamay sa ilalim ng baba ko. "Hmm, tama lang. Kasi diba, sa The World Beneath, 'yung mga guards 'don ang tawag ay The Crusaders?" Napasing

