AZUL Hinihintay namin ang susunod na sasabihin sa amin ng The Crusaders. Kinakabahan na ako dahil hindi ko alam kung ano ang ipapagawa sa amin. Biglang lumabas ulit ang robot na nasa pader at nagsalita. "After picking your class, your skills, abilities, and strength are based on your chosen class. We will give you the outfits and weapons that you'll use in the game center, please wear soon after you get them," May apat na The Crusaders na nasa statue at may mga katabing kahon na naglalaman ng mga outfit at magiging weapons nila. Nakatitig lang ako sa box. Nasa unahan ko si Jordan na nakatingin din doon. Nakita kong gumagalaw ang pila, ibig sabihin, binibigay na ang mga gagamitin namin. Nang si Jordan na ang tumanggap ng outfit, napatingin ako sa hawak niya. Mukhang mabigat ang armor n

