AZUL "Ganda ng ngiti natin ngayon ah. Anong meron?" Nakangising tanong sa akin ni Jordan kinabukasan. Muli kaming ginising ng napakaingay na pangpatay na tunog. Ngayon alam ko na kung bakit 'yon ang ginagamit nilang pangpagising sa amin. Dahil nga naman may mamamatay nanaman sa amin. Naisip ko tuloy na napakapsychopath naman ng gumawa ng larong ito. Talagang nangiinis pa ito. Napabaling ako kay Jordan na magulo pa ang buhok. Napangiti lang ako. Paano ko ba sasabihin na kaya ako masaya eh dahil kay Isla? Hindi na nawala sa isipan ko ang babaeng 'yon. Bukod sa ex-girlfriend kong sumama na sa pinsan ko, wala ng babae na nagbuhay ng interest ko. At si Isla lamang ang babaeng muling nagpabuhay sa kuryusidad ko. Napakalayo nito sa ex-girlfriend ko, I mean, glamorosa kasi ang dati kong nobya.

