Kabanata 22

1078 Words

AZUL Naging tila paraiso sa akin at kay Isla ang mga sumunod na araw. Pakiramdam ko ay hindi ako nasa laro at nanganganib ang buhay. Ganoon nga yata talaga kapag ang isang tao ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng pag-ibig. Tumatapang. Sumasaya. Hindi alintana ang mga nakaambang panganib. Medyo mabilis man, pero para sa akin ay walang kaso 'yon dahil wala naman kaming asawa o kasintahan na masasaktan. Bakit pa namin papahirapan ang mga sarili namin? Mahal ko si Isla. Mahal niya ako. Iyon ang mahalaga. Mas naging malapit kami sa isa't-isa. Halos hindi na kami mapaghiwalay ng dalaga. Sabay kaming nagte-training at tuwing gabi, saksi ang maliwanag na buwan sa aming pagmamahalan at pagsasanib ng mga katawan. Saglit ko pa lang nakilala si Isla, ngunit pakiramdam ko ay mas kilala ko pa siya ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD