Teresa's Pov Kahit sabihing mali si zach sa ginawa nito natutuwa siya dahil alam niya ang ibig sabihin ng mga kilos nito.Nagseselos ito ng makitang may ibang lalaking kasayaw ni arrabella at ngayon lang niya ito muling nakitang nagkaganito dahil sa isang babae.Maybe hindi siya mahihirapang isakatuparan ang kanyang plano. Nagpaalam na siya kay bryan ng mag sabi si senyora Teresa na uuwi na sila.Hindi siya dito makatingin ng deretso dahil nahihiya siya sa kanyang ginawa. "Can I have your cellphone number?" Ani Bryan ng akmang tatalikod na siya dito. "Ha wala eh.. " "Wala kang number? Kunot noong tanong nito. "Wala kasi, wala naman akong cellphone" nahihiyang turan nito. Bahagya itong tumawa Nakataas ang kilay na tiningnan niya ito. "May nakakatawa ba? " taas kilay na tanong niya. "N

