KANINA pa ako gising ngunit hindi ko pa rin batid kung saan ako at kung ano ang nangyari kaya ako napadpad dito sa estrangherong silid. Ako lang ang narito at walang bakas ng aking mga kaibigan. Hindi ko magawang ibuka ang aking bibig upang tawagin sila. Nakakabingi ang katahimikan na bumabalot sa paligid. Ang maliwanag na silid ay unti-unting nagiging madilim ngunit isang nilalang ang bigla na lamang nagpakita sa akin. Isang nilalang na lubos kong kilala… ang aking sarili. “Malalaman mo rin ang lahat,” aniya saka unti-unting naglaho. “Buti naman at nagising ka na, Bella.” Binalingan ko ng tingin si Garreth na nagbabantay sa akin. Inilibot ko ang tingin sa buong paligid at ito ang nakita ko sa aking panaginip… subali’t wala ang babaeng kamukha ko. “Ah, narito ka sa aking silid. Dinal

