chapter Three

1088 Words
"Ahem! Parang ibang usapan na yata ang pupuntahan nito," walang pasintabing saad ni Myra. "Ikuha mo na lang ako ng ibang lalaki, hindi 'yong ganito na pumapag-ibig yata," wika ni Belinda at tatalikuran na sana ang binata nang magsalita ito muli. "Mahirap bang ibigay ang hinihiling ko? Nagbabakasakali lang naman ako. Saka wala naman sigurong mawawala sa iyo. Kung susubukan natin." "Alam mo, Marco. Hindi ako naghahanap ng pag-ibig. Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Magpapanggap ka lang. Ngayon kung iba ang hinahangad mo at intensyo sa akin. Maghanap ka na lang ng ibang babae. Huwag ako!" madiin na wika ni Belinda at bubuksan na sana nito ang pintuan ng kaniyang sasakyan nang muling masalita ang binata. "Kung ito lang ang natitirang paraan para masungkit ko ang puso mo at makalapit sa iyo. Pumapayag na ako." "Ayon naman pala, eh," nakangiting wika ni Myra. "Kung gano'n ihanda mo na ang sarili mong harapin ang Daddy ko at sa lalaking ipapakasal sa 'kin. Sumama ka na ngayon sa akin," wika naman ni Belinda. "Oo ba. Pero mas maganda yata kung sasakay tayo sa sasakyan ko, para magmukhang kapani-paniwalng kasintahan kita," wika naman ni Marco na nakatingin kay Belinda. "Okay," tipid na sagot ng dalaga. "Oy, sasama na rin ako sa inyo. Alangan namang iwan niyo ako rito," saad naman ni Myra at sumakay din ito ng sasakya ng binata. Magmamaneho na sana si Marco nang marinig nito ang cellphone ng dalaga na nagri-ring. Hindi nga nagkamali si Belinda nang tingnan nito kung sino ang tumatawag sa kaniya. Dahil nakarating nga agad sa kaniyang ama na tinakasan na naman niya ang kaniyang mga bodyguard. "Hello, dad," bungad na wika nito. "Where are you?! Tinakasan mo naman ang mga bodyguard mo!" galit na tanong ng kaniyang ama sa kabilang linya. "I'm with Myra and Marco," sagot nito. "Nasaan ka at pupuntahan ka namin?" tanong muli ng ama nito. "On the way na po ako at ihahatid po ako ni Marco," sagot ng dalaga at pinutol na nito ang linya. "Ihanda mo na ang sarili mo at ngayon mo dapat ipaglaban ang pagmamahal mo sa 'kin," wika ni Belinda na hindi makatingin sa mukha ng binata. "Don't worry, dahil ipaglalaban kita," wika naman ni Marco na nakatingin sa dalaga at nagmaneho na ito paalis. "Okay lang po ba kayo? Nasaan siya? Gusto niyo po bang ako na ang susundo sa kaniya?" mga sunod-sunod na tanong ni Alex. "Okay lang ako. As usual, tinakasan na naman niya ang mga bodyguard niya. At parating na siya kaya maghintay na lang tayo rito sa labas. Alex, ikaw na ang bahala sa anak ko," wika naman ng ama ni Belinda. "Huwag po kayong mag-alala. Hinding-hindi ko po pababayaan si Belinda at alam ko na matapang siya," wika naman ng binata. "Alam ko 'yon. Kaya ikaw ang gusto kong maging asawa ng anak ko. Higit sa lahat alam ko na hinding-hindi mo siya pababayaan," wika naman nito sa binata. MAKALIPAS ang halos trienta minutos ay nakarating na sila. "Nandito na tayo. Kaya ihanda at ipakita mong mahal mo nga ako," wika ni Belinda kay Marco. Naunang bumaba ang binata at pinagbuksan nito ng pintuan ng sasakyan si Belinda. Sa pagbaba naman ng sasakyan ni Belinda ay agad silang nilapitan ng ama nito. "Good evening po, sir," magalang na wika ni Marco. "Sino ka?" agad na tanong ng ama ni Belinda at naka kunot ang noo nito. "Am, Dad. Si Marco po, kasintahan ko po," pakilala at maagap na sagot ng anak nito. "Ano?! Kasintahan? Alam mo ba na ikakasal na ang anak ko?! Sira ulo ka bang lalaki ka?!" galit na wika ng ama ng dalaga. "Mawalang galang na po, pero mahal ko po ang anak niyo. Noon pa po kami magkasintahan at itinago lang namin," wika naman ni Marco. "Noon? Bakit ngayon ko lang nalaman? At ngayon na ikakasal na siya ngayon ka lang nagkaroon ng lakas ng loob na magpakalilala. Gano'n ba?" wika pa nito. "Dad, ayokong ipaalam sa inyo. Dahil alam ko na magagalit kayo. At isa pa po, nagmamahalan kami ni Marco," saad naman ni Belinda. Ngunit kinagulat nito ang ginawa ni Marco nang biglang hinawakan nito ang kaniyang palad. "Patawarin niyo po ako. Pero mahal na mahal ko po ang anak niyo. At hindi po ako papayag maikasal siya sa ibang lalake," saad ni Marco. Pero kinagulat nila ang sumunod na pangyayari. Dahil walang ano-anong sinuntok ni Alex ang pagmumukha ni Marco na agad nitong ikinatumba. "Sino ka?! Para hawakan ang palad ng babaeng mapapangasawa ko at sa harapan ko pa mismo?!" galit na galit na wika ni Alex. Sabay hablot sa braso ni Belinda. "Alex, ano ba? Bitiwan mo ako?" nagpupumiglas na wika ng dalaga at nais kumawala sa pagkakahawak sa kaniya ng binata. Pero mas lalo hinigpitan ni Alex ang pagkakahawak sa kaniya. "Ako lang ang puweding humawak sa iyo at wala ng iba pa!" madiin na wika ni Alex at kita sa mukha nito ang galit. "Alex, ipasok mo na sa loob si Belinda," utos ng ama ng dalaga na siya namang sinunod agad ng binata. Agad namang nilapitan ng mga bodyguard ng ginoo si Marco. At hahawak sana siya ng mga ito nang masalita ito. "Hindi niyo na kailangan pang hawakan ako. Oh, kaladkarin palabas, dahil kusa akong aalis. Pero babalik ako, para bawiin ang babaeng mahal ko." "Yon, ay kung magkikita pa kayo?" wika naman ng ama ni Belinda. "Kahit saan niyo pa siya itago. Mahahanap at mahahanap ko pa rin siya. Hindi niyo ako mapipigilan," wika naman ni Marco at pinahid nito ang kaniyang labi na duguan. "Tanggapin mo na lang na hindi para sa iyo ang anak ko. Dahil nakatadhana na siya sa iba. At ilugar mo ang sarili mo kung ayaw mong pumanaw ng maaga," banta ng ama ni Belinda sa binata. "Magkikita pa po tayo dahil hindi pa po tayo tapos," makahulugang saad naman ni Marco at agad itong sumakay ng kaniyang sasakyan at nagmaneho paalis. "Ano ba, Alex? Umalis ka sa harapan ko. At pupuntahan ko si Marco!" sigaw naman ni Belinda. "Wala na siya! At dahil sa ginawa mo. Hindi ka na puweding lumabas ng bahay. Dito ka lang sa loob ng bahay. Saka ka lang makakalabas kapag mismong si Alex ang kasama mo!" madiin na wika ng ama nito. "No," saad ni Belinda na inis na inis at masama ang loob, kaya umakyat na lamang siya patungo sa kaniyang kuwarto. "Sundan mo, Alex. Baka tumakas na naman," utos naman ng ama ng dalaga. Agad naman itong sinundan ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD