“Eunice!”
I saw a familiar face when I came to. Nasapo ko agad ang leeg kasabay ng marahas na pagsinghap pagkaalala sa nangyari, ang lamig ng sahig ay ramdam ko sa likod.
“You’re awake. Are you sober now?”
Kumunot ang noo ko habang humahapong nakatulala sa kisame. Mabilis ang pintig ng puso ko at damang-dama ko pa rin ang pagsakal sa akin ng lalaki kanina.
“Sa lahat talaga ng lugar, dito sa sahig mo pa naisip na umidlip?”
Sa kabila ng kalituhan ay tila natauhan ako nang makarinig ng mahinang halakhak. Pagkalingon sa gilid ay tumunghay sa akin si Cedric. Nakakrus ang mga binti niyang nakaupo siya sa sahig, doon sa gilid ko habang tamad na nakapangalumbaba. Ang multo ng ngiti sa mga labi niya’y naiwan pa mula sa pagtawa.
Wala sa oras akong napabangon mula sa pagkakahiga at agad napasapo ng noo nang muling makaramdam ng hilo. Naitukod ko ang isang kamay sa sahig matapos. The empty premise of the hallway was stretching in front of me.
What the hell happened?
Huling naaalala ko’y sinasakal ako ng lalaking nagtangka sa akin. Nasaan siya? At, “Bakit ka narito?” wala sa sarili ko iyong naibulalas.
“Ayaw mo bang narito ako?” Ang panunuya ay bakas sa boses niya.
Sinuklay ko ng daliri ang buhok bago siya tuluyang binalingan. Pareho kaming nanatiling nakaupo sa sahig, sa malayong dulo at may kadilimang parte ng hallway.
“Anong nangyari?”
Imbes na sumagot ay pinagmasdan lamang niya ako, ang parehong multo ng ngisi ay naiwan pa sa mga labi.
“Cedric, why did I pass out here?” At nasaan ang lalaking humahabol sa akin kanina?
Sumeryosong bigla ang ekspresyon niya at halos kilabutan ako sa lamig ng boses niya pagkasabi nito, “Because you’re drunk, Eunice. Ano bang naaalala mo?”
Hindi ako nakasagot agad. Maybe he was right? That I was just drunk and… what the hell, am I seeing things? Or did that really happen?
“So you’re getting back with Terrence?” aniya sa mas malamig na tinig.
Muli, hindi ako nakahanap ng mga tamang salita. Hinayaan kong mamayani ang katahimikan sa pagitan namin ng mahabang sandali.
Unti-unti nang kumakalma ang mabigat kong paghinga nang maramdaman ko ang pagdampi ng daliri niya sa mukha ko. Natitigilan, ipinaling ko sa kaniya ang atensyon matapos niyang sikupin ang takas na buhok sa likod ng tainga ko.
Hindi ko naintindihan ang bahid ng ngisi sa mga labi niya habang nakatingin sa kawalan.
“Si Terrence lang ba talaga ang kailangang magbago rito… o pati ikaw?”
Nang bumagsak sa akin ang mabibigat niyang mga mata ay muli kong naramdaman ang dahan-dahang pagbilis ng takbo ng puso ko. Lalo na nang hinaplos niya ang pisngi ko pababa sa gilid ng leeg.
Dumulas bigla ang palad niya patungong batok ko at mabilis akong kinabig mula ro’n palapit. Tanging mahinang singhap na lamang ang nagawa ko sa ilang pulgadang natirang distansya sa pagitan ng mga mukha namin. Ang bigat ng bawat paghinga niya’y malinaw sa pandinig ko, tulad ng sa akin.
We held each other’s gaze like that for a long time yet his expression remained unreadable.
“Timbangin mong mabuti, Eunice.”
Lumunok ako nang maramdaman ang pagdampi ng mainit niyang hininga sa balat ko.
I was this close to losing myself in his eyes when I heard a voice calling out to me. Quickly, I was snapped out of my reverie.
“Eunice!”
Tila napaso akong bumitiw ng tingin at lumayo kay Cedric dahil sa boses ni Terrence na nangibabaw sa dagundong ng musika mula sa baba, indicating he was close by.
I was trying to gather myself then as I scrambled to my feet. With hesitation, I glanced back at Cedric who remained seated on the floor, eyes never leaving me.
Nang muli kong marinig ang boses ni Terrence ay tila gatilyong kinalabit at dire-diretso kong tinahak ang mahaba at may kadilimang hallway. Pababa na ako ng hagdan nang mabilis akong sinalubong ng paakyat na si Terrence. Bumilis ang lakad niya at agad sinapo ang magkabilang siko ko nang mamataan ako.
“You alright? Ang tagal mong bumalik kaya sumunod na ako.”
Tumango lamang ako at hindi na nakapagsalita.
“Bakit ka namumutla? Are you drunk? Did you p**e?”
Umiling ako ng ilang beses bilang tugon sa mga tanong niya. “I want to go home.”
Sandali siyang natahimik. Nang sinubukan ko siyang sulyapan ay nakita kong mariin ang titig niya sa akin at para bang may binabasa sa ekspresyon ko.
“What happened?” walang bakas ng kahit anong emosyon ang boses niya nang sinabi iyon. Even his face was devoid of it.
Nagtindigan agad ang mga balahibo ko nang maalala ko ang nagpupuyos sa galit na mga mata ng lalaking naka-hoodie. Ang paghabol at pananakal nito sa akin. How I ended up lying alone on the floor. Well, not alone because Cedric was there. Why was he there? It didn’t make any sense. Did he do something about the hoodie guy? Bakit hindi niya sinabi sa akin? Should I tell Terrence about it now?
From unconsciously touching my neck, I shook my head, my palm landing on my forehead. “My head’s spinning, I think I’m drunk.”
Mula sa seryoso ay nanlambot ang ekspresyon niya. Igting ang pangang hapyaw siyang ngumiti sa akin matapos. “You need to sober up, then.”
Tumango na lamang ako nang inalalayan niya ako pababa ng hagdan. I was lost in my own thoughts to even protest when he slid his arms around my waist, as if it was always meant to be there.
Huli na bago ko pa man mapagtanto kung ano ang nasabi. “About the hoodie guy in the locker-room… did you know who he is?”
“I already took care of him, you don’t have to worry.”
Kasalukuyan kaming bumababa ng hagdan nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.
“Not sober with the lies yet.”
Isang baling at nagtama ang mga mata namin ni Cedric nang sandali siyang sumulyap habang humahakbang pababa ng hagdan. There was a mocking smile plastered on his face, as if to remind me of my foolishness. Nagtagal ang tingin ko sa kaniya hanggang sa maglaho siya sa magulong kumpulan ng mga tao sa baba. And though I wasn’t a hundred percent sure, I think I saw Steph in the crowds too.
Tulala ako habang nakaupo sa couch. Kundi maligayang nag-uusap ay nagkakasiyahan naman ang mga tao sa buong paligid. Some were dancing and a few were already drunk and fooling around. Tawanan, kwentuhan, tilian at kantahan ang sari-saring maririnig kasabay nang malakas na dagundong ng music. Ngunit tila hindi ko alintana ang alinman sa mga iyon dahil pakiramdam ko’y nakakulong ako sa sarili kong mga isipin.
I promised one thing to myself, didn’t I?
Why do I keep coming back from being that old Eunice over and over again?
Why do I keep breaking my own words and lie to myself?
Why do I keep accepting and loving this guy despite all that he’s done to me out of my pathetic, blinding love for him?
I felt like crying but instead, I reached out for the red cup on the table and downed it without flinching. Nang hindi pa nakuntento ay tumayo ako hawak ang cup at nagtungo sa long table para magsalin ng panibago. Halos maduwal ako nang mainom ko nang tuloy-tuloy ang tatlong cup. Mabilis na ang paghinga ko dahil sa magkahalong frustration at kabiguan.
“Hey.”
Paano nga ba ako makakatakas sa kulungang ako mismo ang may gawa?
I feel so damn pathetic right now to the point where I just wanted to disappear. I hate it. I hate this. I hate myself. I hate him. So much.
“Eunice…”
Nang ibinaba ko ang red cup sa lamesa matapos ang pang-apat kong pag-inom ay agad kong isinandal ang mga palad doon bilang suporta sa pagtayo. Ipinikit ko nang mariin ang mga mata ko at sinubukang panatilihin sa sikmura at ‘wag isuka ang mga nainom.
“Cee, what’s wrong?”
Tila napaso kong tinabig ang palad ni Terrence nang maramdaman ko ang paghaplos nito sa braso ko. Ayaw kong idilat ang mga mata ko dahil ayaw ko siyang makita.
I love him so much but I’m torn. Pagod na ako sa mga panloloko niya pero heto ako at gusto ulit siyang pagbigyan. Hindi ko alam kung tama pa ba ‘yon. Dahil hindi ako sigurado kung talaga bang kaya niyang magbago.
He’d been a cheat for the current half of our relationship—kaya paanong bigla na lang siyang magbabago ngayon? Is that really possible or am I just fooling myself? Wala bang switch na pwedeng pindutin para utusan ang pusong ‘wag nang magmahal? Kasi ang hirap magpanggap at lulunin ang lahat ng damdamin para sa isang tao. Ang hirap itanggi ng isang bagay lalo kung nagsusumigaw ‘yon sa buong sistema mo.
“Not sober with the lies yet.”
Lumipad pabukas ang mga mata ko. Cedric. Right. He’s here. I need to talk to him. He knows what I have to do. ‘Pag nakausap ko siya, baka malinawan na ako—tulad ng lagi.
Ramdam ang pagsisimulang pamamanhid ng ibabang parte ng mukha, sinubukan kong maglakad. Ngunit nakakailang hakbang pa lang ako’y tila karera ang pag-ikot ng buong mundo. Muntikan akong nabuwal kung walang sumalo sa akin. Hindi ko na alam kung ano ang sunod na nangyari nang tuluyan akong mawala sa huwisyo.
I felt someone caressing the hair on top of my head when I get back to my senses. Pikit ang mga mata ko at tila hinihila pa ng antok dahil sa marahan nitong paghaplos. The place was serene, contrary to the blaring sound and chatters from the party a while ago. Aninag ko mula sa nakapikit pang mga mata na madilim ang lugar kung nasa’n ako.
“You shouldn’t have drank like that, Eunice.”
Bahagyang kumunot ang noo ko sa mahina at tila hanging pamilyar na boses.
“Ced…” kasabay ng wala sa sarili kong pagmutawi niyon ang siyang pagtigil ng paghaplos ng kung sino sa buhok ko.
Isang mabigat na buntonghininga ang narinig ko bago ko unti-unting iminulat ang mga mata. Unang bumungad sa akin ang pagtagos at pagtapon ng naninilaw na liwanag ng buwan mula sa malaking salaming bintana sa bandang paanan ng kama. Hawi ang mga kurtina niyon ngunit sarado, sapat upang maaninag at mapintahan ng sinag ng buwan ang ilang gamit sa madilim na kwarto.
Ramdam ko ang malambot at kumportableng kamang hinihigaan. Ngunit ang dinadantayan ng ulo ko’y tila hindi unan.
“Sasabihin mo na ba sa ‘kin kung sino ang Ced na ‘yon?”
Nang mag-angat ako ng tingin ay nagtama ang mga mata namin ni Terrence. Ang kaniya’y walang kahit na anong bakas ng emosyon. Samantalang ang sa akin ay bahagyang nanlaki sa pagkakatanto. Agarang naglaho ang antok ko.
Wala sa oras akong napaahon paupo mula sa paghiga sa kama at pagdantay sa hita niya. Sapo ang noo, ang kaba’y dahan-dahang nabuhay sa dibdib ko.
Did I utter his name while I was half asleep?
Nang bahagyang umuga ang kama tanda ng paglapit niya’y sumipa lalo ang kaba ko.
Shit. Why do I feel guilty? Cedric and I didn’t do anything wrong. At ano ngayon kung mayroon? Terrence didn’t have any rights to cry foul over this because he had done worse!
“H-He’s someone. A friend. Where are we?” tanging mga salitang nakapa ko dahil sa pagkakataranta. Nahilamusan ko ng palad ang mukha at laking pasasalamat nang matantong hindi na umiikot ang paningin ko. I’m sober now.
He didn’t say anything. And I take that as my cue.
Aktong paahon pa lamang sana ako mula sa kama nang maramdaman ko ang pagpulupot ng braso ni Terrence sa baywang ko galing sa likod. Isang singhap ang hindi ko napakawalan nang maagap at walang hirap niya akong hinila mula ro’n pabalik, palapit sa kaniya. Ang init ng dibdib niya’y agad lumapat sa likod ko.
Nanlalamig at halos hindi na magkamayaw sa malakas na pagtambol ng puso, pinakinggan ko ang bawat mabibigat niyang paghinga malapit sa tainga ko. I gulped and tried to breathe.
“A friend? Sigurado ka, Eunice?” Mahina ngunit may pagbabanta sa baritono niya, malinaw ang pagtitimpi.
Aninag ko ang lapit ng mukha niya sa gilid ng ulo ko, pinanonood ako nang maigi.
“Bakit pangalan niya ang tinawag mo noon sa locker room? You’re even uttering his name now in your sleep. That’s no friend.” Humigpit ang braso niya na ngayo’y nasa sikmura ko na, pressing me on his hard chest. “Lying is a bad habit to keep, Cee…”
Hindi ko inasahan ang namuong hapyaw na galit matapos kong malinawan sa mga nangyayari. How dare he try and corner me like this?
“And cheating isn’t?” mapait kong saad, mabigat na rin ang paghinga.
Hinawakan ko ang braso niya at sinubukang hawiin ngunit laking gulat ko nang sa isang mabilis na iglap lang ay muling lumapat ang likod ko sa kama. Mariing nakapako ang palapulsuhan kong hawak ni Terrence doon habang ang isang braso niya’y nakatukod kalebel ng ulo ko. Igting ang panga, ‘sing dilim ng kwarto ang ekspresyon niya nang kapwa kami magpalitan ng titig.
“Hindi kita iningatan para mapunta lang sa iba.”
With eyes wide opened, the blood on my veins surged erratically when I found myself in between his legs. The distance between our faces thinning as he slowly hunched down to reach for mine.
“Rence?” What’s he doing?
Kakaibang kaba at init ang dumaloy sa ugat ko nang mariin niya akong siniil ng halik. He was so rough with it. Ramdam ko ang frustration sa rahas ng bawat paghinga niya at pag-angkin ng labi ko. It was as if he was punishing me.
I shut my mouth tight and didn’t kiss him back, squirming out of his frame on top of me. His tongue was then forcing its way inside my mouth. Sinubukan ko siyang ipagtulakan gamit ang isang malayang braso ngunit kada pagtulak ko’y tila nawawalan ako ng lakas.
Sa pagitan ng mararahas na halik ay paulit-ulit ang ginawa niyang pagkagat sa ibabang labi ko. Wala akong ibang maramdaman sa kaniya mula roon kundi galit at mukhang tagumpay siyang iparating iyon sa akin.
“Stop!”
Nag-iinit ang magkabilang sulok ng mga mata, muli akong nagpumiglas at sinubukan siyang itulak. Pero wala iyong silbi. His grip on my wrist tightened, pinning it to the bed with even more force.
Hinawakan niya ang panga ko at ipinirmi nang pilit kong pinilig paiwas ang ulo ko. He had access to my mouth when I tried to scream then. At tila hindi nakukuntento, hinalikan niya ako nang mabuti, bawat sulok ng labi at bibig ko ay inangkin niya. Walang bakas ng kahit kaunting gaan o pag-iingat akong naramdaman doon.
I didn’t know what’s worse then—being assaulted by a stranger or by someone you once entrusted your life with.
Maybe the world had gone mad.
Ginagap ko ang natitirang lakas at buong pwersa muli siyang itinulak gamit ang nag-iisang braso.
“Terrence!”
Kapwa kami nahahapo nang sa wakas ay tumigil siya. Awang ang namumulang labi, mabilis ang pag-angat baba ng dibdib niya dahil sa bigat ng bawat paghinga. Ang galit sa malalim at madidilim na mga mata’y halos nakapapaso nang mariin iyong pumako sa akin.
Ako nama’y buong sandaling halos malagutan ng hininga dahil sa pagwawala ng dibdib. Nakakapanghina. Kahit anong pilit kong pagsubok na kontrolin ang pamumuo ng luha’y wala na akong nagawa nang kusa at sunod-sunod itong tumulo.
He was adamant when it came with his words but he never once forced me with anything physical like this before.
I could feel his hand loosened its hold from my jaw and eventually rested on my neck. Noon ko lang natantong kalas na ang ilang pangunahing butones ng suot kong button down.
Yumuko siyang muli at sinubukan akong halikan ngunit ipinilig ko ang ulo palayo sa kaniya. Kumawala nang tuluyan ang mga hikbi ko matapos. I shut my eyes tight and tried to evade his penetrating eyes on me. My sobs was echoing uncontrollably in the stillness of the dim room as I covered my eyes with my free hand.
He stayed still for the next while. Hindi ko na nabilang kung gaano katagal iyon. Hanggang sa narinig ko na lang ang mabigat niyang pagbuntonghininga.
“I didn’t mean to do it that way, Cee…” His voice grew unsure as he continued, “Did I hurt you? Why are you crying?”
Slowly, I felt his palm reached for my face, trying to wipe my tears. Marahan niyang hinaplos iyon matapos, saliwa sa rahas ng paghalik at galit niyang titig sa akin kanina lang. Hinawi ko iyon palayo, hindi makapagsalita dahil sa patuloy na pag-iyak.
How could he?
Kalmado at malambing na ang boses niya nang sunod itong sinabi, “I won’t be needing to use anyone if that’s what you want… that cool-off bullshit ends here—no other girls… and no Ced… just us.”
Para akong mabibingi dahil sa disbelief. Ang mga hikbi ko’y agarang umurong nang umahon at nangibabaw ang galit sa sistema ko, ngayo’y klarong-klaro na.
Tingin niya gano’n lang ‘yon?
“And you expect me to believe you?” malat ang boses ko dahil sa pag-iyak nang matigas ko iyong sinabi.
Pabalya kong hinawi ang kamay niya sa pisngi ko nang muli ako niyong hinaplos. Sunod kong binawi ang brasong hawak niya na siyang agad naman niyang binitiwan. Umahon ako sa pagkakahiga para maupo at makawala nang tuluyan mula sa pagkakakulong niya. Hinayaan naman niya akong gawin iyon.
“Pagkatapos ng ilang beses mong pag-cheat tingin mo kaya ko pang paniwalaan ‘yan?”
Marahas kong pinalis ang panibagong mga luha habang matapang na nakatitig pabalik sa kalmado at walang bahid ng pagsisi niyang ekspresyon.
Sa isang matigas na baritono ay sinabi niya ito, “I’m not a liar, Eunice.”
“Oh, you’re not?” mabilis kong tugon, sarkastiko.
Unti-unting bumalatay ang dilim sa mga mata niya at mas mariin akong tinitigan. “Dahil ba sa Ced na ‘yan kaya malakas ang loob mong makipag-cool-off sa ‘kin?”
“Wala siyang kinalaman sa pagiging cheater mo.”
There was tension building in his jaw as he slightly tilted his head to the side. “Nasaan siya ngayon? Nandito ba siya?”
“I said he’s out of the issue!”
“Why won’t you take me back if I change, then?”
“Really, now? Tapos ano? Mauulit na naman? Gagawin mo na naman? Magso-sorry ka na naman? Mangangako ka na naman? Rence, paulit-ulit lang tayo!”
“Hindi mo ba ako narinig? I just told you I won’t be needing to use anyone—dahil wala naman akong ibang kinailangan kundi ikaw lang.”
Hindi ko napigilan ang sarkastikong tawang kumawala sa pagitan ng mga labi ko.
“Can you hear yourself? How can someone as stubborn as you change in just a span of days? A week, Rence? Pagkatapos ng ilang beses mong pangbababae posible bang titigil ka na lang bigla?” Kuyom ang magkabilang kamao, dahan-dahang bumilis ang pintig ng puso ko. Sa pagitan ng mabigat na paghinga ay naisigaw ko ito sa kaniya, “Don’t take me for a fool just because I tolerated your cheating for a long time! I was! But now, I’m done being stupid for you! And I mean it this time! You heard that? Let’s break up!”
Nanatili siyang tahimik at kalmado habang maiging nakatuon ang buong atensyon sa akin. Halos magpuyos ako sa galit ngunit imbes na sumigaw ulit ay nauwi na lang muli sa paghikbi iyon.
“You don’t really mean that, Eunice… we both know that.”
I wondered then if this was what mom felt like when dad begged her to accept and give him a last chance after repeatedly cheating with other women. It felt so f****d up. At ngayon ko lang iyon napagtanto nang lubos.
“I’m so f*****g done with this…” Umiiling, panay ang punas ko sa sunod-sunod na luhang tumutulo. Hindi ko na siya kayang tignan pa nang diretso dahil sa paulit-ulit na paninikip ng dibdib ko.
I was again, thinking, if having a messed up family also mean being screwed up in the head. Dahil tingin ko naiintindihan ko si Mommy. Nakapanghihina ang katotohanan. Na kung mahal mo, iintindihin mo, pagbibigyan mo, ilalaban mo at hindi mo susukuan.
Dahil may tao nang minsang nawala sa akin. Taong inakala kong habang-buhay na nariyan kaya madali kong binalewala. Taong hindi sinubukang maintindihan at damayan. Taong buong akala ko’y tinalikuran ako ngunit ako pala ang unang nang-iwan.
I felt his fingers tucked away a lose hair behind my ear. Maingat ang ginawa niyang pagsapo at paghaplos sa isang kamay ko matapos, tila pinapakalma ako.
I couldn’t help but cry even more. Lalo na nang marinig ko ang malumanay at puno ng panunuyo niyang tinig pagkasabi ng sunod na mga salita.
“I promise I won’t hurt you again… patawarin mo na ako, please. Alam mong mahal kita. Ikaw lang ang kailangan ko, Eunice. Wala akong pakialam sa kahit na sino… ikaw lang.”