"Mommy, Daddy, ano pong amoy 'yon? Bakit po ang baho?" nanghihinang tanong ni Shaira sa mga magulang niya habang papalapit siya sa mga ito. "Sino po ang nagluluto? Ang baho po sobra!" Nakaupo ang mga ito sa couch habang nagbabasa ng diyaryo at kapwa mayroong kape sa harapan ng dalawa. 'Yon ang laging routine ng mga magulang niya bago ito umalis patungo sa iba't ibang branch ng restaurant nila. Pero, dahil linggo ngayon kaya magkakasama sila. Kapag regular na araw kasi ay siguradong wala na ang mga ito para asikasuhin ang mga negosyo nila. Siya kasi ay may sarili na ring negosyo at kasosyo niya nga si Kevin. Paunti-unti ay napapalago na rin nila ni Kevin ang negosyong sabay nilang pinangarap noong mga bata pa sila dahil may dalawang branch na silang nadagdag ngayong taon. Balang araw

