Ang gabi kung kailan nagkunwaring mga babae sila Orij at Kim ay waring napakahaba, anupat ang kakaibang katahimikan sa loob ng boarding house kinaumagahan ay nagmistulang kakatwa o hindi normal.
“May pasok ka Kim? Holiday diba?” Tanong ni Mil kay Kim na parang nagmamadali. Pagkababa kasi niya ng hagdanan ay nakita niya si Kim na balisang balisa.
“Kailangan kong isauli ‘yung mga piluka na hiniram ko sa club namin,” sagot ni Kim. “May paggagamitan ‘ata sila.”
Dahil si Mil ang dahilan kung bakit kinailangan ni Kim na humiram ng mga piluka, ay nagprisenta ito ng tulong. “Samahan kita!”
Ngunit tumanggi si Kim. “No need. Magpahinga ka nalang. Isa pa, kapag sinama kita, iaangkas pa kita sa bike at mabibigatan ako.” Sabay na natawa ang dalawa sa biro ni Kim.
“So mabigat ako?” Mil pouted her lips then chuckled.
Imbes na sumagot ay napakamot ng batok si Kim kasabay ng matamis na ngiti.
“Nga pala, bakit parang walang tao sa bahay?” tanong ni Mil nang mapansin ang kakaibang katahimikan sa paligid.
Habang nagsusuot ng rubbershoes ay sumagot naman si Kim. “May pupuntahan daw na party si Soju. Si Vince naman may gig.” Tumayo siya at muling humarap kay Mil bitbit ang mga costume na hiniram. Subalit bago isambit ang susunod na sasabihin ay mababakas ang kalungkutang taglay ng kaniyang mukha. Mil noticed it; the sudden shift of his expression. “Death anniversary ng ex-girlfriend ni Orij,” ang sagot na hindi inaasahan ng dalaga. “Malamang na may pinuntahan siya,” dagdag ni Kim na bahagyang napakagat sa pang-ibabang labi.
“G-Ganun ba,” nag-aalanganing tugon ni Mil. Parehas silang napayuko, saka nagdesisyon na ibahin nalang ang usapan. “So, ako lang pala mag-isa sa bahay.”
“Hmmm. Ah sige, mauna na ko ah. Kita nalang tayo mamaya.”
“Sige. Ingat ka Kim.”
“Salamat.”
When Kim left, Mil couldn’t help but to fetch a sigh. “Ngayon alam ko na kung bakit hindi siya nakasagot agad noong naglalaro kami.” Humakbang siya pababa ng hagdanan at idinagdag, “Teka, sabi niya noon, I reminded him of his ex-girlfriend. I wonder how.” Iniling niya ang ulo at nagpatuloy sa kusina. Subalit ng makarating sa kusina ay kusa itong napatigil dahil sa tanawing nakita.
“Ahhh!” sigaw ni Kim sabay nag-preno sa pagba-bike. “Nakalimutan kong sabihin kay Mil na nasa bahay si Greypi.” He the bit his lower lip as he muttered, “Naku. Malamang, mag-aaway na naman ang dalawang iyon.”
Tama kaya ang kaniyang hinala? Muli na naman bang mag-aaway sila Mil at Greypi ngayong naiwan silang dalawa sa bahay?
“Anong ginagawa mo dito?!” singhap ni Mil habang nakatingin kay Grepi.
Sipping on his coffee while sitting down, Grepi diverted his eyes to her. “Baka nakakalimutan mo n-” Napatigil si Greypi sa planong pagbabara. He took a deep breath and said this in calm tone, “Mil, I am living here. Kaya natural na nandito ako. Diba?”
Magalang ang sagot niya! Gulat na gulat si Mil na sinagot siya nito sa pamamagitan ng mahinahong tono. Pakiramdam niya tuloy, lumabas ang araw mula sa kanluran o kaya naman ay naging puti na ang uwak.
Dahil dito ay nawalan si Mil ng gana na makipagtalo. Isa pa, mas mabuti ng tumahimik dahil masyado pang maaga para sirain ang araw. Tahimik niyang binuksan ang ref at nagsalin ng fresh milk sa baso. Pagkatapos ay kumuha ito ng slice bread at nagsimulang maglakad palayo.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Greypi na nagpatigil ng kaniyang hakbang.
Tumingin siyang pabalik at sumagot, “Sa kwarto. Alam kong ayaw mong makasabay ako sa iisang mesa. Kaya ako na ang mag-aadjust.”
May malaking punto si Mil kung pagbabasehan ang nakaraan nilang pagsasama. Subalit, may MALAKING pagbabago ang mangyayari ngayong araw.
“You can eat with me,” nahihiyang alok ni Greypi sabay iwas ng tingin. “Dito ang kusina kaya dito ka kumain. Pare-pareho tayong nagbayad sa bahay na ‘to kaya may karapatan kang kumain dito.”
‘Anong nakain ng demonyo na to?!’ Mil shouted inwardly. Hindi siya makapaniwala sa nasasaksihan! Sa kakaibang pagbabago ng pakikitungo ni Greypi ay mas lalo siyang natakot. Kaya naman sumagot ito ng, “No thanks. Mas gusto kong kumaing mag-isa sa kwarto.” Then she dashed upward.
Nang makarating sa kwarto ay sumandal si Mil sa likod ng pintuan habang nanlalaki ang mga mata. “Anong binabalak ng mokong na ‘yon?” bulong niya sa sarili.
Akala niya ‘ata ay may masamang balak si Mr. Period. Lingid sa kaniyang kaalaman na ang dahilan ng pagbabagong ito ay dahil nalaman na ni Greypi na siya ang kababata niyang kaibigan. Kung hindi lang dahil sa “Naked incident” ay nasabi na sana ni Greypi ang tungkol dito.
-----------
Soju’s POV
Dumalo ako sa isang eleganteng party na hindi ako imbitado.
“Napakaganda ng asawa mo Mr. Gilbehy.”
“Matagal ko ng alam na maganda ang asawa ko,” sagot ni Mr. Gilbehy na siyang main host ng party na ito. Mula sa di-kalayuan ay pinagmamasdan ko siyang makipag-usap sa mga bisita ng may sigla. Subalit ng magtama ang aming mga mata ay kusang naglaho ang ngiti sa kaniyang mga labi.
Iniwasan ko ang kaniyang mga mata at nagkunwarian na walang nangyari.
‘Hanggang kailan niya ipaparamdam sa akin na hindi siya masaya na makita ako?’
“Oy Soju, anong ginagawa mo rito?” tanong ni Neil na naglalakad papunta sa aking gawi. Huminto siya sa harapan ko habang nakangisi. “Makiki-cr ka ba?” tanong niya. He leaned closer then whispered these words on my ear, “Ang lakas ng loob mo na dumalo sa anibersaryo ng kompanya ni papa. Samantalang anak ka lang naman sa labas.”
I chuckled huskily upon hearing those words. Tinitigan ko siya ng malapitan saka sumagot ng pailalim. “Nagtataka nga rin ako kung bakit pumunta pa ko sa party na to. Siguro baka dahil gusto ko lang makita ang basura kong kapatid.”
Napakuyom siya ng mga kamay at napansin ko ang pag-igting ng kaniyang mga bagang. “Nakakatawa na tinawag mo kong basura ng katulad mo na hindi naman invited sa party na ‘to,” ang sabi niya, halatang napipikon. “Mahiya ka naman Soju. Sa ginagawa mo, inihahantad mo sa publiko na may anak si papa na walang kwenta. Bored ka na bang makipag-laro sa mga babae sa bar? O baka naman gusto mo ng dagdag na allowance? Bibigyan kita.”
Pinagpag ko ang alikabok sa balikat niya. Then I answered with a smirk, “Kung walang kwenta lang din naman ang pag-uusapan, bro, tingin tingin din sa salamin pag may time. Narinig ko na nagdala ka raw ng babae sa office at nahuli kayong walang saplot kinaumagahan ng mga staffs. Buti kinaya mong dumalo rito kahit kumalat na ang balita. Hindi ka ba nahihiya sa mga bisita?”
Nanlisik ang mga mata ni Neil sa sinabi ko. ‘Ang hilig niyang mang-asar pero sa bandang huli, siya rin naman ang napipikon.’
“Aalis na po ako,” I added. “Tinignan ko lang naman kung may magandang chicks sa party. Kaso wala akong nakita eh. So aalis na ko. Babye~” I turned around and about to walk away.
“Manang mana ka sa malandi mong nanay.”
Napahinto ako sa paglalakad. Ikinuyom ko ang mga kamay at sinubukang pakalmahin ang sarili. Ngunit ang mga sumunod niyang sinabi ay mas lalong nagpa-init ng aking dugo.
“Pareho lang kayong walang kwenta ng nanay mong malandi.”
Trembing, I dashed forward him. Kinuwelyuhan ko siya paangat anupat umagaw kami ng atensyon ng mga bisitang nasa paligid. “Ulitin mo nga ang sinabi mo hinayupak ka,” I asked while gritting my teeth.
Bahagyang ngumisi si Neil kasabay ng pagsasabing, “Malandi mong nanay.”
Umamba akong susuntukin ang sira-ulo at napapikit ito sa takot. Ngunit nang makita ko si Mr. Gilbehy na lumapit sa amin ay kusa akong napahinto. Ibinaba ko ang kamao at tinulak si Neil kaya’t napaupo ito sa sahig.
“Anong ginagawa mo?!” sigaw ni Mr. Gilbehy sa akin.
I didn’t meet his gaze. Walang sagot ay tumalikod ako anupat nagmamadaling umalis papalayo. Hindi ko alam na hanggang sa parking lot ay susundan niya ko.
“What the hell are you doing Soju?!” sigaw niya na nagpatigil sa aking paglalakad.
Lumingon ako at hinarap siya ng may tapang. Pero makita lang ang mukha niya, pakiramdam ko bubuhos na ang luha sa aking mga mata. Kaya’t mariin kong kinagat ang labi upang mapigilan ang luhang nagbabadya.
“Wala ka ng ginawang tama!” dagdag niya na ngayo’y nakatayo sa aking harapan.
“Gusto ko lang naman kayong batiin sa party ng ‘Happy anniversary’,” sagot ko na may halong pekeng ngiti.
“Pero gumawa ka ng gulo. Nakakahiya sa bisita. Kung gagawa ka ng kalokohan, wag mong idamay ang pamilya ko.”
Nagulat ako sa huli niyang sinabi. Maging siya ay waring nagulat sa pananalitang binitawan. Alam kong nasabi lang niya iyon dahil sa galit ngunit, sapat na ito para madurog ang puso ko.
“Pamilya ko?” I asked with cracked voice. “Kung pamilya niyo sila, eh ano ako?” tanong ko sa sarili kong ama.
“S-Soju. Hindi ko sinasadya n-na…” he stuttered. Sinubukan niyang hawakan ako sa braso ngunit umiwas ako.
“Hindi mo ko tinuturing na kapamilya dahil anak mo ko sa labas, tama ba?” I added while licking the corner of my lips. Ilang beses akong huminga ng malalim bago nagpatuloy, “Mr. Gilbehy, hindi ko naman kasalanan na mabuhay. Pero kung ipaparamdam mo sa akin na wala akong halaga, sana nag-isip ka muna ng mabuti bago mo sinaktan ang nanay ko.”
“S-Soju, pasensiya na. Nagkamali ako ng-”
“Wag kang mag-alala. Hindi ko na guguluhin ang PA-MIL-YA MO.”
Nang tumalikod ako mula sa kaniya ay kusang tumulo ang luha sa aking mga mata.
Siya ang dahilan kung bakit sumuko na kong mamuhay ng tama. Siya ang dahilan kung bakit wala na kong natitirang pagmamahal sa sarili. Siya ang dumurog sa buo kong pagkatao. Pero alam ko na sa bandang huli, umaasa parin ako ng kakaunting pagmamahal mula sa sarili kong ama. Isang bagay na hinding-hindi ko mararamdaman.
--------
Alas onse na ng gabi nang makarating si Orij pabalik ng boarding house. Nakita nitong bahagyang nakabukas ang pinto. Nang sandaling hahawakan na niya ang serdura upang buksan ito ng higit, nahagip ng kaniyang mga mata ang pangyayari sa loob.
"Oh?" Orij gasped in low tone. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita sila Mil at Soju na nagyayakapan!
'Anong nangyayari?!' tanong ni Orij sa sarili. Pinapagtuloy niya ang panonood nang hindi nagsasalita upang ipaalam ang kaniyang prisensiya.
“S-Soju, okay ka lang ba?” ang narinig niyang tanong ni Mil habang yakap yakap siya ni Soju. Nakatalikod si Soju mula sa gawi ni Orij kaya naman tanging si Mil lang ang nakikita nito.
“Bakit? Bakit ako pa?” daing ni Soju na nagtataas-baba ang balikat. That's when Orij realized that Soju is crying on her shoulder. Mula sa puwesto niya humalimuyak ang masansang na amot ng alak.
'Soju is drunk,' Orij concluded. Then, he he stepped back and leaned somewhere. 'May nangyari sigurong masama kay Soju kaya nagpakalasing siya at ngayon ay umiiyak sa balikat ni Mil,' pagpapatuloy ni Orij sa isipan.
Matipid siyang ngumiti habang nakasandal sa entrance ng boarding house. Batid naman niyang wala siyang karapatan na makielam sa pagitan nilang dalawa. Subalit ng mapansin niya ang unti-unting paglaho ng kaniyang ngiti, nagsimula siyang kutuban.
Oo. Aaminin ni Orij na nagkaroon siya ng crush kay Mil. It started when he first met her. Nang makita niya ang maamong mukha ng dalaga, nabighani siya rito. Nang makitang palaban ito at hindi pabebe, he thinks she's cool. Sa tuwing ngumingiti si Mil, may kung anong kirot sa puso niya. But he likes the pain.
'I have a crush on her,' He confessed.
Gayunpaman, hindi maitatanggi na kaya lamang naramdaman ni Orij ang interes sa dalaga ay dahil naaalala niya ang dating kasintahan sa pamamagitan ni Mil. So he thought that this feeling is something that only lingers on the past. Nang balang araw, lilipas din ito. Kaya ginagawa niya ang buong makakaya upang kaibiganin si Mil ng higit pa at matakpan ang damdamin na inaakalang dulot lamang ng emosyong dala ng nakaraan. Subalit...
'Pero kung talagang mababaw lang ito, then, why am I getting jealous?' Orij asked himself while biting his lower lip.