Mil’s POV
Dahil natalo ako sa game kahapon, ako ang naatasan na mag-tapon ng basura at maghugas ng plato mamaya. When I put the garbage on the trash bin, I remembered the scene I witnessed before.
“Anong ginagawa mo?” ang tanong ni Soju matapos niya kong mahuling nagtatago sa likod ng trash bin. Napaka-seryoso ng titig niya anupat nakaramdam ako ng kakaibang takot dahil dito.
“A-Ano k-kasi,” I blabbered. Ang totoo niyan wala ako sa sarili para makabuo ng matinong palusot.
“Kung may nasaksihan ka na hindi kaaya-aya, then you should forget it. Understand?” ang sabi niya sabay tumalikod at naunang pumasok sa boarding house.
Napabuntong hininga ako matapos maala-ala ang nangyari kanina. “Alam kong hindi siya disenteng lalaki pero nagi-guilty ako,” bulong ko sa sarili. Panandalian kong sinulyapan ang mga bituin sa langit. Papasok na sana ako sa boarding house ngunit biglang umihip ang hangin kaya naman tumaas ang mahaba kong palda. Mabuti na lamang at walang nakakita. Kung meron man, it’s okay. Naka-short kaya ako.
----
Vince’s POV
Mil caught my interest when I first saw her. Nasa café kami noon. Nakita ko siyang nakaupo mula sa di kalayuan at nakatingin sa akin habang pine-perform ang self-composed song ko. Pagkatapos ay napansin ko siyang panay punas sa kaniyang mga mata. I then guessed that she was crying that time. Inisip ko tuloy kung mayroon bang mabigat na dahilan kung bakit siya biglang napaiyak sa kanta ko. Did I really touch her heart?
Anyway, I am not attracted to her romantically. Sadyang curious lang ako sa kaniya.
“Omg!” Nakarinig ako ng malakas na sigaw mula sa ibaba. Mula rito sa rooftop ay sumilip ako at nakita si Mil. Kasalukuyang hinahangin pataas ang palda niya kaya naman nakita ko ang short nito. Madilim na kaya hindi ko sigurado kung anong kulay ng short niya.
Matapos i-check ang paligid, nakangiti siyang pumasok sa boarding house. Iniisip siguro niya na walang nakakita sa nakakahiyang pangyayari na ito. Bihira man ay mag-isa akong natawa. “She is funny,” I uttered while laughing.
Nang makaraos sa walang kamatayang tawa ay pumasok na ko sa loob. Medyo malamig narin kasi sa rooftop at pagod na ang kamay ko sa pag-gigitara. Nang maipasok ang gitara sa kwarto ay dumiretso ako sa kusina. I was craving for ice cream kahit pa ilang beses akong pinagbabawalan ni manager na kumain nito dahil dumarami narin ang gigs schedule. When I got at the kitchen, I saw Mil. She is doing the dishes.
Alam ko na weird kung bigla ko siyang tatanungin tungkol sa pag-iyak niya sa kanta ko, lalo pa’t parang hindi naman niya ako namumukhaan. So I thought of an idea. Kapag siguro nakipag-close ako sa kaniya, hindi na awkward na magtanong tungkol sa pinagtataka ko.
“Gusto mo tulungan kita?” I offered as I approach her. Nanlalaki ang mata niyang lumingon pabalik sa akin. Maybe she found it weird na ang tahimik na katulad ko ay mag-aalok ng tulong.
“Hindi na. Kaya ko na ‘to,” sagot niya. Ramdam ko mula sa tono ng kaniyang pananalita na hindi siya komportableng makasama ako. Hindi ko naman siya masisisi dahil halos lahat ng nasa paligid ko ay naiilang sa akin. At kung tutuusin, si Kim at si Orij lang ang itinuturing kong mga kaibigan.
“Ayaw mo ba kong maging kaibigan?” I teased her. Halata naman na oo ang sagot pero I am cornering her with this sadistic question.
Yup. Tahimik ako pero hindi ako mabait.
“Ang totoo niyan hindi ako nakikipag-kaibigan sa lalaki,” ang nahihiya niyang sagot sa akin. Wow. Sineryoso niya ang tanong ko. “Pero nung medyo naging close ako kay Orij at Kim, naisip ko na hindi naman pala masamang makipag-kaibigan sa inyo. Tahimik ka kasi at medyo weirdo kaya nag-aalinlangan ako kung paano kita pakikitunguhan.”
Gusto ko siyang purihin dahil ang lakas ng loob niyang sabihan ako ng weirdo ng harapan. Pero wala akong nagawa kung hindi matawa na lamang.
“Ah. Pero kung tatawa ka ng ganyan, feeling ko magkakasundo naman tayo,” she added while pointing my face. Agad kong binawi ang aksidenteng pag-ngiti. I never let my guard down but somehow, she made me to.
“Nakita ko ang short mo kanina. Nilipad ng hangin,” pag-iiba ko ng topic. Namula siya at napahinto.
“P-Paano mo nakita?” she inquired.
Tinuro ko ang taas gamit ang hintuturo. “Rooftop,” I said.
Umiwas siya ng tingin. Pagkatapos ay minabuti na lamang niyang ipagpatuloy ang paghuhugas na parang walang nangyari. Hiyang-hiya siguro siya. Heto naman ako, nag-eenjoy na nakikita siyang nagkakaganito. I’ll admit that I enjoy it when I annoyed someone. Pero may dalawang dahilan kung bakit ko ito ginagawa. First, it is because I hate that person. Or second, I found that person cute. Kung nasaang panig si Mil sa dalawang dahilan, hindi ako sigurado e. Saka ko na aalamin. Sa ngayon, eenjoyin ko muna na pagtripan ang weirdo na ‘to.
----
Greypi’s POV
Habang naglalakad sa campus ay may nakabunggo sa likuran ko. “Ay sorry po,” ang paumanhin ng babae. Pagkalingon ko pabalik ay nalaman ko na kaya pala niya ko nabunggo ay dahil kumukuha siya ng picture mula sa cellphone. She was clumsily walking backwards that’s why she bumped me. Makatarungan naman ang dahilan niya kaya pipigilan ko ang sarili na magalit.
“Hindi ako okay pero sisikapin ko,” ang sagot ko na nagpakunot ng kaniyang noo. Nang maglalakad na ko ng paalis ay bigla niyang hinablot ang braso ko. “What do you think you are doing? Nalulukot ang polo ko,” reklamo ko matapos siyang samaan ng tingin.
Agad niya kong binitiwan. “S-Sorry ha. Pero kasi, nabasa ko ang pangalan mo sa ID,” ang sabi niya sabay turo sa bagong ID na kakakuha ko lang kahapon.
‘Anong problema niya sa pangalan ko? Aamin ko na cool ang pangalang Greypi. Pati narin ang may-ari.’
“So?” I asked while raising my brows.
“M-May kaibigan kasi ako na may kababatang kapangalan mo,” sagot niya.
My eyes widened. Marahil si Mil na ang tinutukoy niya! Not that Mil Senikon from that stupid boarding house though.
“Anong pangalan ng kaibigan mo?” I asked, heart beating so fast.
“Mil,” ang sagot niya na nagbigay sa akin ng pag-asa.
A sweet genuine smile escaped from my lips. “Mil Sanchez?” I continued.
Napansin ko na medyo nag-alanganin siyang sumagot. Then she nodded, “Y-yun ang dati niyang apilyido pero nagbago na kasi ang surname ni Mil ngayon.”
Wait. She changed her surname. Teka, may masama akong kutob dito ah.
“Ang full name niya ngayon ay Mil Senikon,” pagpapatuloy niya. “Nasa Engineering department siya.”
Damn. Isang malaking DAMN.
“Anyway kuya,” nagpabebe voice siya bago nagbigay ng finger heart. “Ang wafu mo. Mukha kang korean actor. Lakas maka-Oppa. Argh!”
---
Third Person’s POV
Ilang araw na ang lumipas mula ng malaman ni Greypi na ang kababatang babae na matagal na niyang hinahanap ay walang iba kung hindi si Mil. Ang ipinagtataka lamang niya ay kung bakit hindi siya nakikilala nito. Nakalimutan ‘ata ni Greypi na bukod kay Orij, Kim at Vince, hindi pa niya naipapakilala ang pangalan.
Maraming beses niyang sinusubukang makausap si Mil ng harapan. Ngunit hindi nagkakatama ang schedule nito. Kapag kakauwi niya sa boarding house ay sakto namang nagmamadamag ang dalaga sa library. Maaga ring pumasok si Mil kaya hindi sila nagtatagpo tuwing umaga. He couldn’t ask her number to Orij or to Kim because of his damn pride. Wala ring siyang f*******: at kung meron man, malamang na bobo siya pagdating sa pag-o-operate ng social media account.
Greypi is really eager to talk to the girl he wanted to avoid before.
Mabuti na lamang at dumating ang weekend. For sure, hindi aalis si Mil sa bahay kaya maaari na silang magkita. Using this chance, tumungo si Greypi sa tapat ng pinto ng kaniyang kwarto. Himala pa nga na nagwisik ito ng pabango.
“Why am I getting so nervous?” bulong niya sa sarili habang ilang beses na huminga ng malalim. Nang maitungo ang mga mata sa pinto ay pasimple siyang kumatok. Subalit wala siyang narinig na sagot. “Hello? Tao po?”
Ilang minuto na ang lumilipas at para siyang tanga na nakatayo roon.
Dahil sadya siyang mainipin, ay binuksan na niya ang pinto. Sakto naman kasing hindi ito naka-lock. “Hoy Mil, alam kong nandyan ka. Bakit hindi ka sumasa-”
Napahinto si Greypi sa pagsasalita. Pati ‘ata ang puso niya ay panandaliang tumigil sa pagtibok. Pagkabukas niya kasi ng pinto ay nagkataong nakatayo na si Mil sa likod at aakmang i-lo-lock ang pintong nakalilmutang i-secure. Pero ang nagpagulat sa kanilang dalawa ay ang nakakahiyang katotohanan na katatapos lang maligo ni Mil at tanging tuwalya na nakapalupot sa katawan ang suot nito.
Kaya naman…
“Ahhhhhhhhhhh!” matinis na tili ni Mil.
Namumula ay sinubukan siyang pigilan ni Greypi. “W-Wag ka ngang sumigaw. Hindi ko naman sinasadya na…”
Aksidente lang naman talaga ang lahat. Kaso itong tatanga-tangang babae, nadulas sa sariling patak ng tubig anupat nahubad ang suot niyang tuwalya. Ang humintong puso ni Greypi ay tuluyang nalaglag. At ang mas malala…
“Anong nangyari?!” Sigaw ni Kim na kararating sa senaryo kasama ang tatlong ususero.
Vince, Orij, Soju, Grepi and Kim saw her naked body.
Iba-iba sila ng naging reaksyon. Kim covered his face. Tumalikod naman si Orij. Si Vince ay napatingala at napalunok. Si Soju ay tumitig ng mas mabuti na para bang biniyayaan siya ng langit. Si Greypi naman ay tuluyang natulala.
This will be bad on Greypi’s side. Very bad.