Leo PoV"
Magpapaalam pa sana muna ako sa kanila bago ako aalis, ngunit parang ang tahimik pa ng kwarto.
"Hmm' mukhang tulog pa ata sila"
Kaya dahan dahan pa akong naglakad palayo sa tapat ng pinto ng kwarto nila nang makalagpas na ako nagmadali naman agad ako patungo sa may hagdan para sana di na nila marinig ang pag alis ko., ngunit bigla naman bumukas ang pinto.
"Naku patay!!"
"At saan ka na naman pupunta bata ka, at mukhang nagmamadali ka pa ata?". naka taas kilay naman na tanong ni mommy
"May date po ako Mom" nanlaki bigla ang mga mata ko, nagulat din ako sa nasabi ko
Nagulat din ito
Kaninang nakakunot ang noo nito ngayon bigla na naman umiwalas ang mukha nito at lumapit na sa akin. diba ang bilis magbago ng mood ni mother kapag ito na ang topic'
"Date??! Really Son?!!"
"Oo nga po" laglag balikat na sagot ko
"Sige na nga lang, ganon din naman iyon"
"Hmm' totoo na ba iyan?"
Natawa na lang ako sa reaksyon niya
"Ano nga?! tinatanong ka nang maayos dadagukan kita diyan ehh!!" may pag amba pa nga, galit na po siya
"Mom' ang cute cute mo talaga kapag ganyan na reaksyon mo"
"Wag mong ibahin ang usapan Leo!" naku seryoso na nga
"Kaibigan ko pa lang po iyon pero-
"Nililigawan mo na ba? aba' bisita mo naman na dito para makilala namin kahit KAIBIGAN pa lang kayo!!" may pag diin pa nga sa word na kaibigan.
"Soon mommy soon!!"
"Soon ka nang soon diyan ehh!!
"HAHAH oo nga po"
"Hayss! iwan ko sayo!!
"Ano na naman ba iyan at ang ingay ingay niyong dalawa ang aga aga, nag aaway na naman ba kayo mag ina" si dad na lumapit na din sa amin
"Good morning dad' si mom na naman po kasi inaaway na naman ako"
"Tsskk!! pano naman kasi may dine date na pala itong anak mo di pa sa atin pinapakilala"
"Matagal na ba?" tanong ni daddy
Ito na naman po kami
Hayss kaya nga nagmamadli na ako para di na nila ako maabutan kasi maninermon na naman tong si mommy see, to be continued nga ung kagabi
"Nope dad pang 3 DAYS pa lang po ngayon"
"Sa linggo sama mo na siya dito"
"Ma'am naman mas mabilis pa kayo sa panliligaw ko ehh, kayo na lang manligaw" Inirapan pa niya ako
"Di pa nga po ako nakaka-"
"Score?' ang hina mo naman hijo, humingi ka ng mga tips sa daddy mo, tingnan mo napasagot niya ako agad diba hon?" natawa na lang din si daddy
"Gwapo lang kasi si daddy kaya di mo na din pinakawalan" aba bigla akong binatukan ng mommy ko
"Wag kang paloko lokong bata ka, seryosohin mo na iyan di porket minamadali ka namin na mag asawa ka baka ikaw naman kumuha ka lang talaga diyan sa tabi tabi!!"
"Kung ganon nga ako Mom di dapat matagal na kayong maraming manugang at apo hahahah aray!!" binatukan ako ulit
"Dad nakakadalawa si mommy ohh"
"Bahala na nga kayong dalawa diyan., ikaw din kasi umayos ka din Leo"
Tiningnan ko pa ang oras sa relo ko
"Sige Mom, alis na po ako nag message na po ako don pupunta ko sa kanila, baka nag aantay na po iyon"
"Kahit pangalan di mo pa sasabihin sa akin o kaya picture wala ka man lang papakita sa amin" hirit pa ni mom diba ang cool na makulit ang mom ko
"Hmm' Secret" mapang asar na nakangiti ko pang sabi na sumimangot naman ito
"Lumayas ka na nga!! wag kang babalik dito na di mo kasama iyan ha!!"
Naku po lagot banta na ata iyan
Biglang sumimangot naman ako
"Opo" sabay kiss sa pisnge niya
* * *
Habang binabaybay ko na ang daan papunta kila Lexien may kung ano na naman excited akong naramdaman
"Buti na lang talaga sinama ako nang isa na iyon pag hatid kay Lexien nung isang araw" talagang tinandaan ko tong lugar niya
Pag ka park ko pa lang ng sasakyan ko lumingat muna ako sa labas may mga taong nagsisihinto at kumukuha ng picture, pinipicture'an na naman ang baby ko
Paglabas ko
"Angas naman ng kotse" boy 1
"Oo nga, ang mahal niyan sigurado" boy 2
Balak ko na sanang maglakad papunta sa apartment niya ngunit napahinto ako nang mapansin kong sa akin na din sila mga nakatingin
"WOHH! mga kakaiba din mga tao dito ahh., parang nakakalusaw din kung tumingin tong mga ito, matawagan na nga lang si Lhex" kaya napagpasyahan ko na lang na dito na lang mag antay sa kotse.
Baka ano pang isipin nang mga ito kapag pumunta pa ako sa apartment niya kaya aantayin ko na lang siya dito
Dinial ko na ang number niya
"Hello" boses ng anghel este ni Lhex
"Dito na ako sa tapat ng apartment mo"
"Ha?!!" lagi ko ba siya nagugulat
"Hahaha oo nga dito na ako sa tapat bilisan mo pinag titinginan na ako dito, nakakita kasi ng gwapo hahah" opss biro lang pero totoo iyon
"Wait lang, bibihis lang ako" at agad na binaba niya na ang tawag ko
"Mukhang napataranta tuloy siya, pero nag message na ako kanina na sabay na kaming pupunta kay tita Esme, kakagising niya lang ba?"
Mga ilang minuto napangiti ako dahil lumabas na nga ito,. Ngunit napawi agad dahil halatang nagmadali ito,. nagmamadali tuloy.
Napatingin ako sa kabuuan niya, wala akong pakialam sa suot niya basta ang mahalaga makasama ko siya.
"Napaka simple niya nga eh,"
"simple but gorgeous"
Lumingat pa ito sa paligid namin di ata naniwala sa sinabi ko kanina, sinundan ko din ng tingin kung saan siya banda naka tingin, sa mga estudyante pala na nagkilkiligan habang naka tingin din sa akin.
"Wala eh' gwapo ako eh"
Nang nagpatuloy na ito sa paglalakad, malapit na ito sa akin nag pa simple pa akong pogi pose natawa lang naman ito sa ginawa ko
"Kaya gusto kita lexien dahil ibang iba ka sa kanila" sa isip ko at lumingat pa nga ako sa mga babaeng estudyante na halos mag hampasan naman bigla nang tumingin ako sa kanila. "Iba ka sa kanila"
Natatawa at napapailing pa ito nang nasa harapan ko na ito
"Hay! naku Leo iba ka talaga! hahaha" sabi pa nito sarap talaga pakinggan ang boses niya
"Hahaha" natawa na din ako ngunit biglang napahinto ako nang mapansin kong namamaga ang gilid ng mga mata niya, bigla naman itong umiwas ng tingin sa akin.
Umiyak ba siya?"
"Hmm' Tara na, punta na tayo kila Tita Esme" kunwari di ko na lang napansin
"Tumawag nga din iyon kanina sabi si Sir Marco daw muna ang mag babantay sa kanya.,"
"Di wala kang gagawin ngayon?" uyy ma de-date ko to, enebe"
"Hmm' wala naman, bakit??"
Yon!! ayos!!
"Tara sa pasyal tayo" bilis ng aya ko diba
"Hmm, Libre mo ba??"
Naku Lexien kahit araw araw pa tayong mamasyal sagot ko lahat, basta kasama kita.
"Oo naman no' ka ba?"
"Sinisigurado ko lang kasi wala pa akong sahod hahah, wala pa akong panlibre sayo"
"Mag de-date kasi tayo" singit ko, at kinindatan ko pa ito, ang bilis naman mamula ng pisnge niya.
"Leo naman eh!!" bahagyang pagalit na sabi nito
"Hahah, pasok na po mahal na reyna ko" pinagbuksan ko na lang ito ng pinto
Naiiling na lang na pumasok ito
Kukuha na lang ako ng timing para matanung siya ba't namumugto ang mga mata niya,
"Sino kaya iniyakan nito kagabi, Hindi kaya si Marco?"