Chapter Twenty-Nine

1172 Words
Leo PoV: Wala parin akong na tatanggap na tawag o kahit message man lang niya, simula nung naputol ang tawag ko sa kaniya nung araw na iyon. Sobrang miss ko na talaga siya. Nag aalala na din ako dahil nakaraan sabi nito nag aala dragon ang kumag na iyon kapag nalalaman na mag kasama kami. "Oo nga no' Hindi kaya- "Dude? mukhang lonely boy ka ata ngayon ah." na tatawang pang asar pa ng isa na ito. "Tssk! tumigil ka nga Aaron, baka sayo ko ibunton ang pag ka lonely boy ko na sinasabi mo!" sabi ko naman at sabay tungga ng alak. "Easy ka lang dude, hinay hinay lang sa pag iinom mag da-drive ka pa pauwi." at akmang kukunin pa ang boteng hawak hawak ko dagli ko naman iniwaksi ang kamay nito. "Wag ka ngang mangialam!!" "Hay naku hirap talaga mag mahal no, nakakapag lasing ka." Di na lang ako umimik bahala siyang mag dadaldal diyan. Tumabi na din ito at kumuha din ng alak nag simula na din uminom. "Nga pala alam mo na ang bali-balita?" tanong pa nito "Na?" pinag kunot noo ko naman "Bumalik daw si Natalie" Biglang napa tingin dito "Oo dude, expect mo nasaan kaya siya ngayon?" "Paano mo nalaman iyan?" "Yong manager niya kasi pumunta siya dito nakaraan hinahanap si Natalie tinakasan daw siya nito nung nasa New York sila." Bigla naman akong nag alala sa babae na iyon. "Tinawagan mo ba si Marco?" tanong ko naman, kahit papaano matalik na kaibigan parin namin si Natalie. At nag aalala din kami sa kaniya. Sa tuwing nag aaway nga sila ni Marco tanging takbohan niya kaming dalawa lang ni Aaron. Wala kasi tong ibang kaibigan kundi kami lang Tatlo simula College. Ngunit iwan ko ba at sila nag ka tuluyan ni Marco baliw na baliw pa ang loko na iyon kay Natalie. "Hindi nga sina sagot ang tawag at text ko, kahit sa chat eh kahit si Natalie ganon din." niya "Nasan naman kaya iyon?" may pag alalang tanong ko. Nag kibit balikat na lang ito. "Iwan' hindi kaya nasa condo siya ni Marco." hula naman nito at napa isip naman ako. "Siguro nga" sabi ko na lang "Nag kabalikan na naman ata sila ni Marco ibang klase talaga mga umiibig e no, kaya ako, mananatiling single lang talaga." at naka ngising sabi pa nito "Good for them kasi mapapa sa akin naman si Lexien" sa isip ko Di na nag dadaldal ang isa na ito kaya naka tuon na lang ako sa pag iinom ko. Ngunit maya maya pa biglang nag salita na naman ito. "Pauwi na din ata ngayon sila Marco at Lexien." sabi pa nito, napa tingin ako bigla sa kaniya. Diba, may pag ka marites to, ka lalaking tao. "Kay Tita Esme ko nalaman galing ako sa Ospital kaninang umaga eh, baka nga nandoon na mga iyon kasi sabi niya nasa byahe na daw sila Marco pag kakarinig ko pa kay Tita." Lalong napa higpit ang pag kakahawak ko sa bote ng alak at napa ngisi. May kung anong ligaya naman ang naramdaman ko ng marinig lahat ng sinabi nito. 'Excited na akong makita ulit si Lexien.' "Ang sabi pa nga kasama na nila ang pamilya ni Lexien" dugtong pa nito. Oo nga pala kaya din sila bumalik dahil gaganapin yong kasal kasalan nila ni Marco. Lalo akong nanggigil kaya tinungga ko ulit ang alak. "Leo?!" suway na naman sa akin ng isang to. Di ko na ito pinansin pa sa halip tinungga ko lang ng tinungga ang alak. Ni di ko nga malasahan ang pait nito e, iwan ko ba. Bakit sobrang sakit parin kahit na di naman sila totoong ikakasal, sobrang nasasaktan parin ako. Kaya sana nga din talaga bumalik na ang Natalie na iyon sa buhay ni Marco, para akin naman si Lexien. * * * * * Lexien PoV: "Itay?" tawag ko sa itay na mukhang malalim ang iniisip nito. Nanlakihan naman ang mga mata nito ng makita ako. "Ang- ang ganda mo anak" bulalas naman nito at tiningnan ako pababa at pataas. Naka suot kasi ako ng simpleng white dress. Oo ngayon na kasi ang ganap ng kasal namin ni Marco sa huwes. Diba ang bilis mag disisyon ni Ma'am Esme tatlong araw pa lang kami nila itay dito sa maynila na gulat na lang kami, ang jugde na ang pupunta dito sa ospital para ikasal na kami na ang alam ko lang dapat Mayor ang mag kakasal sa amin. Tungkol naman kay Leo hindi pa ito nag paparamdam simula nung naputol ang pag uusap naming dalawa nung araw na pauwi pa lang kami ni Sir Marco. 'Alam na din kaya niya na nandito na kami.' bigla naman akong nakaramdam ng lungkot dahil baka mag ala Carla naman ito, di na din nag paparamdam hanggang ngayon. "Okay ka lang ba anak?" tanong naman ng itay. "O-opo itay" "Tara na? Pasok na tayo?" at hinawakan pa nito ang kamay kong napaka lamig dahil sa nerbyos hahah. "Ang lamig ng kamay mo anak kinakabahan kaba?" na tatawang sabi pa ng itay kahit papano napawi naman iyon. "Medyo po" Pag ka bukas namin ng pinto nag lakihan naman ang mga mata ko ng makita ko ang kabuoan ng kwarto ni Ma'am Esme. Puros mga bulaklak ang naka palibot dito. Huwes pero ginawa paring special ni Ma'am ang kasal naming dalawa. Pag lingon ko kay Ma'am naka wheelchair ito, ngiting ngiti naman ito at mangiyak ngiyak pa. Si Princess din kumaway pa ito sa amin. "Tingnan mo si Marco?" agad naman akong napatuon sa sinasabi ng itay. Ang gwapo niya talaga lalo sa suot niyang simpleng kulay puting pulo lang din at puting short. Simple, pero akala mo model ng suot niyang damit. Sayang nga lang di tayo nag mamahalan pero ikinasal. sa isip may naramdaman na naman akong parang kumurot sa puso ko at tumingin kay itay. Di ko din alam kong ano ang nararamdaman niya ngayon "Itay sorry po" sa isip ko Ramdam ko na naman nangingilid na ang mga luha ko kaya agad ko naman pinigilan na wag tumulo buti na lang di pa nila pansin ito. Tumingin ulit ako sa kaniya. Ngunit ang na pansin ko sa kaniya walang kakulay kulay ang expression ng mukha niya. Sabagay sino ba kasing ang matutuwa sa ganitong mga eksena, tanging si Ma'am Esme lang pala. "Lexien hija?" tawag naman ni Ma'am sa akin kaya lumapit muna ako dito. Bigla naman ako nitong niyakap "Thank you" rinig kong bulong niya naman. Bahagyang tumango naman ako at yumakap din dito. "Bagay sayo yang suot mo hija, ang ganda mo" sabi pa nito tumingi agad ako sa kaniya nakita ko naman na napa ngisi pa ito bigla. Bakit hindi ba maganda sa kaniya?' sabagay oo nga pala pangit pala ako sa paningin niya. "Mag sisimula na po tayo" agaw naman ng Jugde. Marco. . . Pag katapos nito tapos na din ang maliligayang araw mo. Sa ngayon nakaka pag ngiti ka pa. Tingnan natin kung magagawa mo pa iyan pag katapos nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD