Lexien PoV: Napakunot noo ako ng may makita akong isang batang babae sa di kalayuan ko na naka upo lamang ito sa swing'an. Nilapitan ko ito, ang akala ko si Maxien hindi pala. Ngumiti ako dito. "Hello' Ang cute cute mo naman." sabi ko naman dito na halos di ata nag kakalayo ang edad nito kay Maxien. Ngumiti naman ito sa akin "Wala ka bang kasama? Nasan ang mommy mo ba't nag iisa ka lang dito?" Di naman ito umimik, lumingat ulit ako sa paligid namin para hanapin ang kasama niya. Ngunit biglang naging kulay puti ang paligid namin. At mukhang nasa loob lang kami ng isang kwartong nakapalibot sa amin lahat kulay puti. "A-anong-" napa tingin ulit ako sa bata, ngunit biglang wala na ito sa harapan ko. 'Alam ko na ito' 'Nanaginip na naman ako' Pangatlong beses na itong nanaginip akong

