Leo PoV: "Anak lakasan mo lang ang loob mo." sabi naman ni Dad tumapik tapik pa sa balikat ko "Tiyak na ayaw ni Lexien na makita tayong nalulungkot, ma's lalong mahihirapan siya." ang Mom Yumakap na lamang ako dito. "Kuya Leo palabas na sila okay na ba lahat? naka ready ka na?" tanong ni Princess, bahagya naman ako tumango. Ito na ang.. ito na ang araw ng kasal nila Lexien at Marco, matuturing mo na talaga na kasal dahil tunay na nag mamahalan na silang dalawa. Tulad ng pinangako ko sa kaniya ako ang kakanta sa kasal nilang dalawa ni Marco, at iyon talaga ang tanging hiling niya sa akin. Suminyas na din si Carla kung ready na kami, bahagyang tumango naman ako. Biglang pag tapik naman sa balikat ko ni Marco. Kita ko dito na nangingilid na din ang mga luha nito. Pilit na ngumiti ito

