Marco PoV;
"How do I look?" Maarteng tanong naman ni Natalie habang dahan dahan pa itong umikot para ipakita sa akin ang sinukat niyang dress na hanggag tuhod lang.
"Hmm' ang iksi ayoko niyan palitan mo." sabi ko naman, At sumimangot naman ito.
Date namin ngayon, pero ang mag shopping, ito pala ang gusto niyang date.Nakaraan niya pa ito gustung gustong gawin di ko lang natutupad dahil nga busy pa kami sa pag aasikaso sa bweset na kasal na iyon.
Ngunit patagong date parin ito dahil baka mamaya may paparazzi umaali-aligid na naman dahil sinusubaybayan ang bawat kilos ni Natalie. Kaya pareho kaming naka disguise ngayon. Hirap magka syotang sikat diba. Buti na lang din binayaran ko tong boutique na'to para huwag muna mag papasok ng ibang costumer hanggat nandito pa kaming dalawa.
Habang pinapanood ko siyang pumipili at sinusukat pang mga damit, biglang pasok naman sa isipan ko si Nerd. Kung ang pagka fashionista ni Natalie ang siyang pag ka old fashioned naman ni Nerd. Pero kanina kahit ganon lang ang suot niya, naramdaman ko naman ang biglang buhay naman ng init ng katawan ko.
Pero iwan ko ba bakit siya ang pumapasok sa isipan ko ngayon.
Yong kanina, Yong kaninang iika ika siyang mag lakad hindi kaya dahil sa ginawa ko kagabi-
"Hey! Marco?! ano ba? kanina pa ako nag sasalita dito ohh!!" singhal naman ni Natallie
"Okay na ba sayo ito?" tanong naman niya napakunot noo naman ako dahil parang may kakaiba sa kaniya.
"Tumataba ka na babe." sabi ko naman na pigil kong huwag tumawa, dahil kita ko naman ang pagka gulat niya.
At natahimik naman ito.
"Sorry babe, nasabi ko lang' nag tatakaw ka kasi eh, ayan tuloy magiging chubby na ang babe ko" Lumapit pa ako dito at niyakap ko naman ito.
"Pero okay na iyan mas lalo ka pa ngang sume sexy eh" sabi ko pa ngunit wala parin itong imik.
Kaya niyakap ko na lang ito lalo
"Babe sorry na" suyo ko naman dito
Tahimik parin, Naku nag tampo na nga.
"Go, take any what you want, sagot ko promise wag ka lang mag tampo hmm" sabi ko naman dito at "MUaah muaah muaahh" parang batang kiniss ko pa ito na natawa naman na ito.
"Sabi mo iyan ha" naka ngiting sabi naman nito.
Tumango naman ako, agad itong bumalik sa mga damitan at pumili ulit.
Iwan ko ba, iba na talaga ang nararamdaman ko ngayon sayo Natalie.
Biglang ring naman ng cellphone ko, Oo nga pala nasa akin pa pala ang cellphone niya. Nang maalala ko naman ang cellphone ni nerd nadala ko pala iyon at nailapag ko sa table ng kwarto ko.
"Wait lang babe tumatawag si Mommy" paalam ko naman dito at tumango naman ito.
Lumabas na muna ako upang sagutin ko ang tawag niya.
"Mom?"
"Nag set ng meeting ang mga Fuentebella kaya dapat maaga ka bukas sa office, at isama mo muna pala bukas si Lexien."
"Sige po"
Bumalik na ako sa loob, naabutan ko naman na may kausap si Natalie sa Cellphone, pinagtataka ko pa parang galit pa ito sa kausap niya.
"Manahimik ka na lang kung hindi- napa hinto naman ito nang narinig niya ang biglang pagsara ko ng pinto. At gulantang naman nito biglang pag baba ng tawag.
" What's wrong babe?" tanong ko naman dito dahil para naman itong natuklaw ng ahas ng makita niya ako.
"Ka-kanina kapa ba diyan?" tanong naman nito na parang aligaga pa.
"Nope' ngayon lang, why? okay ka lang ba?"
"Yes' okay lang ako" at rinig ko pang napa buntong hininga pa ito.
"Sino kausap mo at parang nagagalit ka na naman ata sa kausap mo?" sabi ko pa dito na bigla naman akong nakaramdam ng pagdududa ilang beses ko na din kasi itong nahuhuling sa ganong eksena.
"Ahm' si ano- ang manager ko pilit kasi akong pinapabalik eh ayoko na nga" Sabi nito ngunit di maka tingin sa akin.
"Ahm, babe" lapit niya sa akin at biglang mapang akit na tingin naman niya.
"Uwi na tayo' Let's make Love please" mapang akit na bulong niya naman sa akin. Ngunit pinakiramdaman ko naman ang sarili ko parang wala man lang nangyari sa pang aakit niya.
"Pagod kana ba?" tanong ko na lang dito.
"Medyo"
"Let's go?"
"uhmm" tango naman nito.
Binayaran ko na muna ang mga pinamili niya saka kami umalis.
Nanatili lang itong tahimik hanggang maka uwi kami ng condo.Napapaisip tuloy ako baka balak na naman niyang umalis, o kaya naman namimiss niya na ang Career niya. Nababahala naman ako. Baka bigla na naman niya akong iwan.
"Babe?" basag ko sa katahimikan naming dalawa
"Hmm?"
"Okay ka lang ba? kanina ka pa kasi walang imik eh"
"Sabay na tayong mag shower babe" sabi pa nito at agad naman nag hubad ng damit at nag tungo sa banyo.
"Iwan na muna kita dito, kaylngan ko pang umuwi ng maaga dahil maaga ako bukas sa office" sabi ko bigla naman itong lumabas at lumapit sa akin.
"Ano?! di moko sasamahan dito?"
"Bukas na lang babe ng gabi dito ako matutulog promise" yumakap pa ako sa hubo't hubad niyang katawan, ngunit wala man lang akong init na naramdaman.
"Hmm' promise mo iyan ha"
"Promise" at hinalikan ko na ito saka umalis.
Habang nag mamaneho ako sobrang gulo ng isipan ko. Parang pati puso ko, naka handa na ding atang masaktan ulit kapag nagkataon nga na iwan niya ako ulit.
Pagkapark ko naman ng sasakyan agad kung naman tiningnan ang mansion.Tanging ilaw lang sa sala ang naka bukas. 'Aba tipid naman niya ata sa kuryente'.
May kung anong excite naman akong naramdaman ng pumanhik na ako sa loob ngunit di ko na lang ito pinansin. Sa halip nilingat ko muna ang kabuuan ng sala. malinis' Napadako naman ang tingin ko sa kaniya na mahimbing pa itong natutulog sa sofa.
Napa ngisi naman ako.
'Parang totoong asawa lang na nag aantay sa asawa niya' sa isip ko.
Lumapit pa ako dito, habang papalapit ng papalapit ako sa kaniya siyang pa init ng pa init naman ng katawan ko. Putik!! ano ba pigilan mo muna ang sarili mo" suway naman ng isipan ko.
Nakaramdam siguro itong may tao, at biglang nagising naman ito.
"Sir Marco?" sabi pa nito habang inaayos pa ang pag suot niya ng makapal na salamin.
Ngunit di ko na lang ito pinansin tinuloy ko na lang ang pag hakbang pa akyat ng hagdan.
"Sir pwede ko po bang makuha ang cellphone ko, baka po kasi tumatawag na sila itay?" malumanay at nandon pa ang pagkailang na sabi niya.
"Ang itay mo nga ba o ang mga lalaki mo." humarap pa ako dito na nakayuko na naman ito.
"Tssskk!!"
"Kunin mo sa kwarto ko!" sabi ko na lang at tinuloy ko nang paghakbang.
"O-opo" tanging sagot na lang nito.
'Mamaya ka sa akin' biglang demonyong sumingit sa isipan ko.