"Hoy Tasia ah, bakit parang kinikilig ka pa diyan?" Pukaw pa sa kanya ni Betty. "Wala, naaalala ko lang kasi ang ilong niya' ang tangos-tangos, tapos ang lips niya, pulang-pula na akala mo gumagamit ng liptint." Natutuwang kwento pa niya sa kanyang mga kaibigan. "Kung ganoon, gwapo nga! Hay, Tasia, parang gusto ko na ding magpabuntis kagaya mo! Ano'ng feeling Tasia' masarap ba?" Saad pa ni Rica na siyang sabay-sabay na ikinabatok sa kanya nina Alfred, Betty at Michelle. "Gaga! Mangarap ka ng gising!" "Aray! Kung makabatok naman kayo, wagas! Sinasabi ko lang naman!" Saka sila naghagalpakan ng tawa. Ganito ang eksena sa bagong tahanan nila sa tuwing bibisita ang kanyang mga kaibigan. Kahit papaano nawawala ang lungkot niya, kahit papaano hindi niya masyadong naiisip ang mapait na sinap

