"Steph wala pa ba s'ya?" Tanong nito sa akin dahil nandito kami ngayon sa labas ng school ni Felicity. "Wala pa s'ya eh! Sandali lang dito ka lang."Sabi ko dito at bumaba na sa aking kotse. Kung ako lang sana ay mabilis lang akong makakalapit kay Felicity kaya lamang ang inaalala ko ay baka matakot ito kay Candice kapag nakita n'ya ang hitsura nito. Sabagay ang gusto lang naman ng bestfriend ko ay makita ito nang medyo matagal kahit sa malayo lamang. Kung hindi kasi ako lalapit sa mga ito ay baka magmadali na naman ang mga ito. Nang makalapit ako sa gate sakto naman na uwian na ng mga bata. Agad naman akong nakita ng mga bantay nito,at dahil alam naman nila na inaanak ko si Felicity kaya naman ng lumapit ako dito ay hinayaan lamang nila ako. "Nianng!" Nakangiti na tawag sa akin nito

