Umalis din naman agad si Mom,nagbilin pa nga ito sa amin na sabihin sa kan'ya kung kailan ba ang magiging operation ni Candice. Maging ito man kasi ay suportado nag gagawin ng bestfriend ko na paghihiganti sa mga taong gumawa dito ng kahayupan. "Besh,bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong ko dito. "Wala naman iniisip ko lang kasi,paano kung wala ka,paano ko sisimulan ang lahat ng plano ko?" Sagot nito sa akin. "Alam mo Besh, matalino ka at kahit wala ako ay kakayanin mo,pero dahil nandito naman ako at handang tumulong sa'yo ay mas magiging magaan ang lahat,kaya lamang ay sigurado ka na ba talaga na hindi ang dating mukha mo ang iyong ipapagawa?"Sabi ko dito "Paano ka makikilala ni Felicity kung ibang mukha ang gagamitin mo?" Dugtong ko pa. "Steph alam mo naman na kailangan na iba ang

