Chapter 6

1068 Words
“Rachel, don't leave me please!” napakunot ang aking noo na sumunod niyang sinabi. Bahagyang kumirot ang aking puso. Bakit ako nasasaktan ng ganito? Wala naman akong karapatan sa kaniya. We are just fvck buddies at hanggang doon lang iyon. Pagkatapos ng anim na buwan ay wala na kaming anumang koneksyon dalawa sa isa't-isa. Tumalikod ako at lumabas ng kwarto. “Good morning, Ma'am!” bati sa akin ni Manang Lucy, tumango lamang ako. Nakapajama pako nang lumabas ng mansyon bitbit ang aking phone at wallet. Agad akong pumara ng taxi at nagpahatid sa palengke. Paglabas ko ng taxi ay may nakita akong bata habang umiiyak, tila nawawala ito. Agad akong lumapit sa batang babae. “Bata? Bakit ka umiiyak? Nawawala kaba?” tanong ko at sabay na luminga-linga sa paligid. Nakatutok sa akin ang mga mata ng mga tao. Nagpunas ng luha ang bata. “A-ate nakita moba ang nanay ko?” namumugto ang mga mata nito. “Tara, hanapin natin ang nanay mo baby!” aya ko nito ngunit mariin siyang umiling. “Alam mo ba number ng nanay mo o kung saan ka nakatira?Ihahatid kita,” dagdag ko pa. Saglit itong nag-isip ngunit sa huli ay umiling ito. Bakas sa mga mata nito ang lungkot. Kawawa ang bata, tiyansa ko singko anyos pa lamang ito. Nasaan na kasi ang nanay ng batang ito? At iniwan nalang ng basta-basta ang anak niya sa palengke. “Ate, nagugutom ako wala pa akong kain simula kagabi.” Sabay hawak nito sa kaniyang tiyan. Hindi kaya sinadya siyang iwan rito ng nanay niya? At biglang sumagi sa isipan ko ang ginawa ni nanay sa aming dalawa ni Tatay Dadoy. Hays! Kawawa ang mga walang muwang na bata sa mga nanay na iresponsable! Kapag ako talaga nagka-anak, hinding-hindi ko gagawin sa anak ko ang pag-abandona ng nanay ko sa akin. “Kung gano'n ay sumama ka sa akin, hahanap tayo ng restaurant.” Inabot ko sa kaniya ang aking kamay ngunit tinitigan niya lamang ito. Nag-aalangan siyang sumama sakin, mababakas sa mga mata niya ang takot. “Wag kang matakot sa akin, bata. Di ako masamang tao. Wala akong gagawing masama sayo.” Luminga muna ito sa paligid, nagbabakasakali na makita ang nanay niya. “Talaga bang hindi moko sasaktan kung sakaling sasama ako sayo?” inosenteng tanong ng bata. Nakangiti akong tumango sa kaniya. Humawak siya sa kamay ko. Agad akong nagpalinga-linga sa paligid, naghahanap ng makakainan ng bata. Sa di kalayuan, may natanaw akong maliit na restaurant agad kaming nagtungo. Ang lalagkit ng titig mga lalaking customer na para bang hinuhubaran na nila ako sa paraan ng paninitig nila. “Anong gusto mong kainin? Pili kalang.” Tatlong putahe ng ulam ang pinili ng bata. Adobong manok, adobong atay at pansit. “Pwede po ba ibalot ang adobong manok at atay? Pansit nalang po ang uulamin ko.” “Para po may makakain pa po ako mamaya?” dagdag niya. Ngumiti ako sa kaniya at tumango. At nagulat ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit. “S-salamat ate!” hagulhol na turan nito habang nakayakap sa akin. Kumalas naman agad ito sa pagkakayakap sa akin. Agad namang sinerve ng tindera ang tatlong putahe na tinuro ng bata. “ate, pwede ako humingi ng plastik?” Binigyan naman siya ng medyo may kaliitan na plastic bag. At isa-isa niyang nilagay sa plastik ang dalawang putahe ng ulam. Nadurog ang puso ko sa mga sandaling ito. Awang-awa ako sa sitwasyon ng batang babae. “O sige kumain kana para pagkatapos nito ay ibibili kita ng prutas na gusto mo.” Tumango-tango ito. Mabilis na natapos nito ang pagkain. Bumili ako ng dalawang serve ng kanin at inabot ito sa bata. Tulad ng sinabi ko ay dinala ko siya sa prutasan at binili ko lahat ng prutas na itinuro niya. At ako naman ay bumili ng daing at maalat na itlog. “Talaga bang hindi mo alam kung saan ang bahay niyo? Para naman maihatid kita roon. Hindi pwede na iwan nalang kita dito ng basta-basta. Baka ano ang mangyari sayo dito. Nagkalat pa naman ang mga masasamang tao ngayon.” May diin siyang umiling. “sumama ka nalang sa akin. Do'n sa tinirhan ko, safe ka roon. Walang sinuman ang makakapanakit sayo.” “Paano kung balikan ako ni nanay?”nag-alalang turan niya. Naiintindihan ko naman siya kaya't hindi ko nalang siya pinilit. Gano'n rin kasi ako nong bata ako. Dinukot ko ang aking calling card at ibinigay ito sa bata ngunit nag-alala ako sa sitwasyon niya. Paano kung dukutin siya ng mga sindikato. Di ko siya magawang iwan rito sa palengke. Ilang sandali pa ay may tumawag sa bata— napalingon ako. Isang ginang na gusot-gusot ang suot nitong damit at may kalong-kalong pa itong sanggol na tiyansa ko ay isang taong gulang pa lamang. “Nanay!” umiiyak na sigaw ng batang babae at sabay na kumaripas ng takbo patungo sa kinaroroonan ng ginang. Umiiyak itong niyakap ang kaniyang ina. “Kanina pa ko naghahanap sayo anak! Bakit ka kumalas sa pagkakahawak sa akin? Akala ko hindi na kita makikita pa!” pamilyar sa akin ang boses at ang tindig ng ginang. Naging emosyonal narin ang nanay nito yakap-yakap ang anak. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kinaroroonan nila. Na-istatwa ako nang makilala ko ito, walang iba kundi ang iresponsable kong nanay—si Esmeralda. Nanlaki ang mga mata nito nang makilala ako. “N-nay?!” nautal kong wika. “J-jey kim, anak? Ikaw ba iyan?” Tuluyang tumulo ang aking luha. Nakaangat ng tingin ang bata at nagpalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ng nanay niya na nanay ko rin na nag-abandona sa akin. Pinunasan ko ang aking luha at sabay na tumalikod. Kumaripas na ako ng takbo palayo. Narinig ko pa ang pagtawag nito sa aking pangalan ngunit hindi ko siya nilingon. Patuloy lang ako sa pagtakbo. Lumabo ang aking paningin dulot ng luha na kanina pa nag-uunahan sa pagtulo. Hindi ko matanggap na ang batang tinulungan ko ay siyang kapatid ko pala sa ina. Sobrang sakit. “Miss Kim!” napalingon ako nang may tumawag sa akin—si Trevor De Guzman. Yumakap ako nang mahigpit habang humahagulhol ng iyak hanggang sa tuluyan akong nawalan ng malay sa kakaiyak. PAGGISING ko ay bumungad sa akin ang mukha ni nanay kaya't agad akong napabalikwas ng bangon. “Ano'ng ginagawa ng babaeng iyan dito?!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD