MALAMIG ANG HANGIN na dumadampi sa balat ni Charlotte habang nakatanaw sya sa agos ng tubig sa ilog. Napapikit siya upang mas madama ang preskong nararamdaman. Iba ang pakiramdam niya sa tuwing nandito siya. Parang payapa at kalmado lang ang lahat. "Kailan ang uwi ninyo sa Manila?" Napadilat siya at ngumiti sa lalaking katabi. "Bukas daw sabi ng daddy. Kailangan namin umuwi kasi may bubuksan na business sila ni mommy." "Babalik ka pa naman, di ba?" "Oo naman!" Natutuwa siya dahil ganito ito sa kaniya. "Kailan kaya darating yung araw na dito ka na lang talaga maninirahan. Tipong hindi ka na paalis-alis?" Natawa siya. "Nasa Manila lang naman ako. Hindi naman ako sa ibang bansa pupunta. Para kang sira diyan," aniya. "Kahit na. Si Mommy kasi, ayaw akong payagan na magmaneho ng kotse pa

