CHAPTER 18

1032 Words

"TUMAHAN KA NA, Charlotte," ani Amelia habang hinihimas ang kaniyang likod. Kanina pa kasi siya iyak nang iyak. Namamaga na ang mga mata niya pero sige pa rin ang landas ng kaniyang mga luha. Nahihirapan siya tanggapin ang mga bagay-bagay. Una, siya si Charlene. Ayon kay Aling Nena ay nabubuhay si Charlene sa pagkatao niya. Na-reincarnate ito sa kaniyang katauhan. Pangalawa, si Franco. Pinatay ito at ang mas masakit ay ang ama pa niya ang nakabaril dito. Tinakip ni Charlotte ang palad sa kaniyang hilam sa luha na mga mata. Parang pinipiga ang puso niya sa mga nalaman. Huminga siya nang malalim. Hindi niya alam kung paano haharapin si Franco. Ang daddy niya ang may kasalanan kung bakit ito namatay. At sa harap pa mismo ni Charlene. Tinapik-tapik niya ang dibdib. Hindi na kasi siya makah

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD