pansin ko na nakatingin si Xia sa admins building
malaki at malawak din ang building nila, kaya nakakagaw pansin
"Xia"tawag sa kanya ni shaira pero di ito sumagot inilingan ko lang si shaira kaya tumango lang siya
"Kaye what's behind that Mini wall?"tanong nito
napatingin ako sa mini wall, pader na naghahati samin mula sa mga juniors walang alam ang mga juniors sa kaganapan dito
"dyan ang department nang mga Juniors"usal ko tumango naman siya at ngumiti na kinanoot nang noo ko
"anong ngiti yan?"tanong ko umiling lang siya tas tumingin sa mga kaklase niya na nag lalaban
"hey Stop! Hindi ba kayo napapagod? Tsk para lang sa Rank nag lalaban kayo? Are you not still satisfied? Kong gusto niyo nang mataas na rank andyan ang royalties or the admins ang lowclass niyo"usal ni Xia, dahilan para mapatigil ang lahat
"tsk, bakit di ikaw ang kakalaban sa royalties? O di kaya sa mga admins"sigaw naman ni Dylan
napaismid naman si Xia tas umiling
"i am satisfied, so why would i? (Satisfied my rank but not the laws)"rinig ko ang huling sinambit niya kaso binulong niya
Xia no!
Baka yan pa ang dahilan na malagay ka sa panganib
kakalabanin mo ang batas at konseho napangiwi naman sila
"useless, sa lugar na to the word satisfied doesn't exist"usal nang isang estudyante
napayuko si Xia tas tumango lang din
"naintindihan ko na"bulong niya tas tumingin kina denvher at wick
"then enjoy the life of living Hell"sambit nito at agad na tumalikod
"Xiaa"sabay na sigaw ni wick at denvher pero di ito lumingon
napasabunot ang dalawa sa kanilang ulo at nagkatinginan
anong meron sa kanila
sa wakas at naintindihan na rin ni Xia
nagkatinginan kaming mga royalties susundan ko na sana si Xia pero nagulat ako nang wala na siya sa ground
"asan na siya? Ang bilis niyang nawala!"usal ni eunice
tanging payong na lamang ang natira sa ground
Xia PoV
nalinawan ako sa lahat,naintindihan ko na ginamit ko ang teleportion ko para makapunta sa library
dapat nasa klase na kami ngayon pero tunog nang bell wala
kanina napatingin ako sa admin building, kita ko ang ilan sa mga admins na nakatayo sa glass wall at nakatingin samin
naintindihan ko na kong bakit kailangan palagi ko kasama ang mga kaklase ko at ang tatoo na nasa wraist ko
isang section ay pareho nang tatoo at nagbubuklod samin
"your here"rinig kong usal sa likuran ko napatingin ako si Vanellope lang pala
"you owe me two, i have questions and answer me honestly"usal ko tumango siya at tinap ang upuan
umupo ako tas humarap sa kanya
"don't ask, i'll tell you everything i know"usal niya tumango ako at hinanda ang sarili sa mga bagay na malalaman ko
"everything happens here, no one knows outside the wall"usal niya
"your doings is always conern your classmates,kasalanan nang isa kasalanan nang lahat,nagwagi ang isa nagwagi ang lahat, in this place, hindi ka mabubuhay na mag isa lang"usal niya napakunot ang noo ko na tumingin sa kanya
"i have an auntie inside the admins, kaya still buhay pa rin ako, free to kill here, but in the right time and right place"usal niya
napangiwi ako dahil tama nga ang hinala ko
may pumasok na estudyante kaya napatigil siya sa pag sasalita
"that's it for today, i gotta go"usal niya at tumayo at umalis
napatingin sakin ang mga estudyante na pumasok, pero di ko nalang pinansin tumayo ako at lumabas na wala sa sarili
"i can't believe napasok ako sa paaralang to!"mahinang sambit ko
"Lucky one"tawag sakin kaya napatingin ako sa kanya
nakasandal siya sa pader at nakapamulsa
bakit ba mahilig siyang pasulpot sulpot
"i have a name and it's xia"taray na saad ko sa kanya at nilagpasan siya sumunod siya sakin kaya napatigil ako
"what do you want?"tanong ko
it's lewis, mahilig sumandal sa pader na nakapamulsa
di lang siya umimik habang titig lang sa kabuan ko
"samahan mo nalang ako mag libot"saad ko tas nag iwas nang tingin at naunang nag lakad
gusto kong libutin ang paaralan na to
"the fight is over"malamig na saad nito
di ako umimik at patuloy lang sa paglakad
i don't think so, sa paaralang to mukang walang laban ang matatapos
dahil sa tingin ko, this school was made for that purpose ang maglaban kong kailan gusto! At pumatay nang kong sino sino
that's why high rank really matters
ang may mataas na rango ay may kakayahan na iligtas ang kanilang sarili
ang mga kinatatakutan ay maaring hahaba pa ang buhay
naintindihan ko na kong bakit kailangan nilang maging katakot takot
"you need to go back"malamig pa rin na tono na pagkakasabi niya
"ayaw ko!"pagmamatigas ko sa kanya
akma niya akong hawakan pero mainit ako kaya binawi niya ang kamay niya
"pasalamat ka mainit ka, kong hindi kinaladkad na kita"asik nito napangiwi naman ako dahil sa sinambit nito
"ayaw ko ngang bumalik,tatakas ako dito, ayaw ko dito"gigil na saad ko dito
napatigil naman siya at masamang tumitig sakin
"tanga ka ba, di lang ikaw ang hindi gusto dito, pero may magagawa ba sila? Wala! Kaya tumigil ka!"asik niya
napapikit naman ako dahil sinigawan na niya ako
ok hindi nakakabingi yun
"kaya nga subukan ko!"balik ko din sa kanya
napasapak siya sa pader, kaya napa atras ako nang marahan
"we will go back!"madilim na awra ang namayani sa kanya
napalunok ako nang laway at marahan na tumango
baka di pa ako nakalabas sa lugar na to pinaglalamayan na ako
nakakatakot ang awra niya, pramis
nauna akong naglakad sa kanya habang siya nakasunod, palingon lingon pa ako sa kanya
"stop doing that"malamig na usal nito
napalunok ako nang laway at lumakad lang pero di ko talaga mapigilang lumingon sa kanya
"i said stop doing that"ulit niya
"i cant'balik ko napatingin siya nang masama sakin kaya napaiwas ako nang tingin
whaaa mammmii
Titig lang ako dito, may mga paru paro ang dumapo sa kanya
"phoenicia do you remember me?"tanong niya
kinusot kusot ko ang mata ko napatigil ako nang di maramdaman ang eye glass ko
napatakbo ako sa isang ilog at sumalamin sa tubig "
Hey phoenicia"tawag nito
asan ako?
Asan ang eye glass ko?
Napahawak ako sa mukha ko habang nakatingin sa tubig
"is it really you phoenicia"usal nang tubig kaya napa atras ako
nag sasalita ang tubig?
Whaaa mammmyyyy anong nang yayari?
"bakit niyo ko kilala? Asan ako?"agad na tanong ko
napatingin ako sa paligid parang nakakapagsalita ang mga nandito
ang kulay nang mata ko Blue green yang tunay na kulay nang mata ko
bakit siya lumilitaw?
May contact lens ako!
"Everybody! Phoenicia has comeback"sigaw nang tubig
may mga bulaklak na gumalaw pati ang ulap nakakapagsalita
napa atras ako nang may mga mabangis na hayop ang lumabas sa kagubatan
May lion,tiger,monkey, zebra at DRAGON?
*cough
*cough
*cough napaubo dahil sa sariling laway at dahil na rin sa isang dragon
"it's her, i can sense her Mana"usal nang Dragon kulay Asul siya na may malaking pakpak
"Fly go tell Mr.Valler, phoenicia has comeback"nakangiting saad ng Dragon
i don't know pero yung mga bagay na tinatago ko ay lumilitaw
"who are you? Anong lugar to? Bakit lahat kayo nagsasalita?"sunod sunod kong tanong
napatingin ako sa kanila, na tila lumungkot ang mga awra
yung bulaklak na namumukadkad ay dahan dahang tumiklop yung agos nang tubig ay kumalma yung ulap biglang nag dilim
"you really forgotten us"malungkot na saad nang Lion
napatingin ako sa kanya at tila dama ko ang nararamdaman nila
"PHOENICIA!!"tawag nang isang binata sabay yakap sakin
kasama niya ang medyo may katandaan na
yumakap ako sa kanya pabalik kahit di ko kilala magaan ang pakiramdam ko sa kanya
"your so beautiful! As always LEGENDARY BEAUTY"usal nito sabay kalas sa yakap
titig lang ako sa kanya, di mapag kaila na may itsura siya bigla namang lumungkot ang awra niya
"Khen waited you for a very long time! I'm sure he will be so glad to see you again"usal niya dahilan para mapakunot ang noo ko
lumapit ang medyo matanda na lalaki tas tinapik ang abaga nang Binata
"Don't be Rushed Ace, she still had a memory loss"usal nito dahilan para mapatingin ako sa kanya
pano niya nalaman?
Sino sila? Bakit pakiramdam ko matagal ko na silang kilala
"where am I?"tanong ko ngumiti ang lalaki tas yumakap din sakin
"DREAMLAND Phoenicia"usal niya dahilan para matigilan ako
dreamland?
I remember that word! Yan yung naalala ko nung naglaban kami nang Royalties
"Valler"usal niya sabay lahad nang kamay tinangap ko naman na may ngiti
"DREAMLAND miss you so much Phoenicia"usal niya
napayuko naman ako dahil maski isa wala akong nalalaa
"it's ok, ma alala mo rin kami, lalo na si Khen, gabi gabi siya nandito nag aabang na bumalik ka"usal ni Ace
napatingin ako sa kanya pinapakonsenya ata ako nito eh!
"sino siya? Sino si Khen?"tanong ko ngumiti naman sila nang pagka tamis tamis
"he's your friend best friend, our friend"usal nang bulaklak meron pa pala akong kaibigan maliban kay Kaye
"pano ako napunta dito?"tanong ko lumapit ako sa tubig at nilusong ang kamay ko
umuusok ito dahil may lagnat pa ako
your sick, don't worry i can heal you"usal nung tubig
tas wala pang segundo ang gaan nang pakiramdam ko
"kyahhhhh thank youuuu!!"tili ko sabay wisik nang tubig papunta sa taas
"walang pinagbago, masayahin pa rin"usal ni Ace kaya napatigil ako
"pasensya na"saad ko na tila nahihiya
"and cute!"usal naman nang Dragon napahagikik ako nang tawa tas dinama ang lamig nang hangin
"you brought happiness in Dream land while Khen brought life, you both Brought peace here"usal niya
di lang ako umimik,sana malala ko na ang lahat
"anyway kmsta ang buhay Phoenicia"tanong naman ni Ace
"Life sucks!"inis na saad ko at padabog na umupo sa damuhan napailing naman sila tas kanya kanyang umalis
"See you around Phoenicia, welcome back"saad nang iba ngumiti lang ako tas kumaway sa kanila
"wanna paint? Like old times"usal ni Ace napangiti naman ako at tumango
i really loved arts, di ko akalain na meron pa akong kaibigan maliban kay Kaye
nag simula kaming magpainting natigil kasi tumunog ang relo ko
*tot
*tot
*tot
*tot
"i need to go back! Paano ako makabalik?"tanong ko kay Ace
"babalik ka dito? Promise?"parang bata niyang saad napatawa naman ako at tumango
"just wake up, and kong babalik ka dito, just think this place while sleeping"usal niya
tumango ako at yumakap sa kanya pumikit ako tas wala pang segundo nagising ako
nilibot ko ang tingin wala pa ang mga kaklase ko
dumapo ang tingin ko sa isang lalaki na nakaupo katapat ko madilim pa ang paningin ko kaya nag aadjust pa siya
"Lewis?"tanong ko
napa ayos ako nang upo habang siya titig lang sakin
tumayo siya tas nag ayos nang tindig,akma siyang aalis nang nagsalita ako
"iwan mo nanaman ako?"tanong ko sa kanya
napatigil siya at humarap sakin na nakataas ang kilay
"tss alis na tulog nalang ulit ako"saad ko sabay sobsob sa mesa nagulat ako nang binuhat niya ako
hala! Nahawakan niya ako?
Ibig sabihin totoo yung panaginip ko?
"ibaba mo ko"asik ko pero di siya nakinig
walang mga estudyante sa hallway kaya di masyadong nakakahiya
"sabing ibaba m----"di ko natapos nang bumagsak ako sa sahig
kainis!
Wala ngang modo
bubuhatin ako bigla tas ibabagsak lang walang hiya
napahiga ako at tumingin sa taas
masyadong malaki ang building na to nakatingin siya sakin na walang emosyon ang awra
"Xia"rinig kong tawag ni kaye kaya tinaas ko lang ang kamay ko at kumaway
"anong ginagawa mo sahig? Baliw ka na ba!"natatawa niyang tanong
malamig sa katawan
kong titingnan ang mga kagamitan sa buong paaralan
mamahalin!
"Kaye marami pa pala akong hindi naalalala"saad ko tas tumingin sa kanya
napatingin siya kay lewis at kinonotan ito nang noo
"anong pinakain mo sa kanya?"taka nitong tanong di lang umimik si Lewis at sumandal sa pader habang sumusulyap sakin
"hey guys!"tawag nang isang prinsessa samin kaya napatingin ako sa kanila
"lucky one? Bakit ka nakahiga dyan?"tanong nito napatingin ulit ako sa kisame
"ask Lewis"usal ko sabay tingin sa kanila
Naisip ko kong sino si Khen, gusto ko siyang makita napaismid naman si Kieffer tas lumapit sakin at binuhat ako
"di ka na nilagnat"mahinang saad nito
napataas naman ang kilay ni Lewis, pati na si Kaye titig lang sila kay Kieffer na bumubuhat sakin
di ko alam pero bigla akong naluha sumikip ang dibdib ko, hindi buo ang buhay ko kong hindi buo ang memorya ko
napasobsob ako sa dibdib ni Kieffer na kinagulat nang lahat
"Xia why are you crying?"alalang tanong ni Kaye di lang ako umimik habang nakasobsob parin sa dibdib ni Kieffer
ramdam ko na humigpit ang pagkakahawak niya
"Sa dorm ko kana matulog mamayang gabi"usal ni Xia
di ko alam pero biglang bumigat ang talukap nang mata ko kaya hinayaan ko nalang ___________________________
"Xia wake up"rinig kong usal nang kung sino
"Xia"tawag ulit sakin nagising ako, tas bumungad sakin si Kaye
"tagal mo gumising gabi na!"inis na saad niya
napahagikik naman ako nang tawa tas bumangon
nasa kama niya pala ako, lumabas siya kaya sumunod ako andun ang ibang babae na royalty
"hey Lucky one, I'm Shaira"nakangiti nitong saad
tama hindi pa sila nagpakilala tumango lang ako tas pumunta sa kusina at uminom nang tubig
"eunice"tipid na saad nito
hindi niya ako gusto for sure, tumango lang din ako
nagdaldalan sila habang ako tahimik lang iniisip ko kasi yung Dreamland
__________________
makalipas ang ilang araw na pananatili ko sa Royal academy unti unti akong nasanay sa kaganapan
bumibisita din ako sa dream land, tuloy pa din ang pagsasanay ko sa archery
naging malapit kami ni Shaira at Vanellope, pero si Eunice?
Nako matigas ang dibdib mataray siya sakin!
Kasalukuyan akong nakaupo sa damuhan at tumitingin sa kawalan
gabi na rin, ito naman lagi ang routine ko
"marami pang tanong ang di nabigyan nang sagot"sambit ko sabay buntong hininga
"nasa labas ka nanaman"sita na naman nang lalaki sakin
until now di ko pa rin alam ang pangalan niya
"uwi na"usal niya pero umiling lang ako
minsan naiisip ko na may kapareho siya nang ugali parang sinaniban
"wag ka mag alala, maya maya uuwi ako"usal ko sabay tingin sa kanya
umismid lang ito tas umalis ngumiti naman ako as if uuwi ako
until now di parin malinaw sakin bakit sinisita niya ako
yung mga paghingi nang tulong na naririnig ko bawat hakbang ko na puntahan kong saan nangagaling ang tunog na yun
pinipigilan ako nang estranghero na yun
napatingin ako sa commou wall wala ni isang bagay ang makakalabas sa pader na yan
magiging pulbo lang sinubukan kong magpalipad nang drones kaso naging pulbo